Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

28 Oktubre 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | Mga Pagdurusa at mga Pagsubok—ang mga Pagpapala ng Pinapaboran

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | Mga Pagdurusa at mga Pagsubok—ang mga Pagpapala ng Pinapaboran

Wang Gang Lalawigan ng Shandong

Ako ay isang magsasaka at dahil ang aking pamilya ay mahirap, kailangan kong palaging maglakbay kung saan-saan upang makahanap ng mga pansamantalang trabaho upang kumita ng pera; akala ko kaya kong mapabuti ang aking buhay sa pamamagitan ng aking pisikal na paggawa. Gayunpaman, sa katotohanan, nakita kong walang mga garantiya para sa mga legal na karapatan ng mga migranteng manggagawang tulad ko; madalas na ibininbin ang aking sahod nang walang dahilan. Paulit-ulit akong dinaya at pinagsamantalahan ng iba. Pagkatapos ng isang taon ng pagsisipag, hindi ko natanggap ang dapat kong tanggapin. Nadama kong tunay na madilim ang mundong ito! Tinatrato ng mga tao ang bawat isa na tulad ng mga hayop kung saan binibiktima ng malakas ang mahina; nagpapaligsahan sila sa bawat isa,

22 Setyembre 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...Nakikibahagi kayo sa mga gawaing maalab kayo: Ang iba’y tapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na tapat kayo, sa halip, pinag-iibayo ang inyong kagustuhang maangkin ang mas marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan sa hulihan pagdating sa mga bagay na kayo ay maalab. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang ilan ay kailangang umalis upang maging tapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang pinananatiling anumang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso."

01 Setyembre 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto


Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto


Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kasama? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay pumapayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto.

21 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas



Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

      Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian.

26 Enero 2019

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikalawang bahagi)




Awtoridad ng Diyos (I)
Ikalawang bahagi


Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

11 Enero 2019

Tagalog Christian Songs | “Awit Ng Mga Mananagumpay”



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Awit Ng Mga Mananagumpay


I
Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo.
Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao.
Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos.
Lumalakad ang Diyos
at namumuhay kasama ng Kanyang bayan.