Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan. Ipakita ang lahat ng mga post
26 Enero 2019
25 Enero 2019
Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Unang bahagi)
Awtoridad ng Diyos (I)
Unang bahagi
Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya?
06 Agosto 2018
Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."
08 Hunyo 2018
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ugali ang ilang mga tao sa pag-akit ng atensyon para sa kanilang mga sarili. Sa harapan ng kanyang mga kapatid, sasabihin niyang may utang na loob siya sa Diyos, ngunit sa likuran nila, hindi niya isinasagawa ang katotohanan at kabaligtaran ang lahat ng ginagawa. Hindi ba ito tulad ng mga relihiyosong Fariseo? Ang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at nasa katotohanan ay ang taong matapat sa Diyos, ngunit hindi niya ibinubunyag sa labas. Pumapayag siyang isagawa ang katotohanan kapag may pagsubok at hindi nagsasalita o kumikilos sa paraang labag sa kanyang konsensya. Nagpapakita siya ng karunungan kapag may pagsubok at tapat sa kanyang mga gawa, anuman ang katayuan. Ang taong tulad nito ay ang tunay na naglilingkod.”
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
25 Pebrero 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."
Rekomendasyon:
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
23 Pebrero 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Unang Bahagi)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."
09 Enero 2018
Salita ng Diyos| Ang Ikalabimpitong Pagbigkas
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos| Ang Ikalabimpitong Pagbigkas
Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.
05 Enero 2018
Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas
Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan nguni’t nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng mga tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng mga tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu, at ang nakikita lamang ng mga tao ay ang laman at dugo ng Aking pagkakatawang-tao, at hindi tumitingin sa Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Nguni’t hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.
15 Disyembre 2017
Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moa
Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla. Kayo ay hindi basta makapaniwala na kayo ang mga inápó ni Moab. Si Moab ay itinapon sa lupaing ito pagkatapos isumpa. Ang lahi ng anak ni Moab ay naipasa pababa hanggang ngayon, at kayong lahat ang kanyang mga inápó. Wala Akong magagawa—sinong may gawa na maisilang ka sa bahay ni Moab? Naaawa Ako sa iyo at hindi Ako sang-ayon na magkaganito ka, nguni’t ang katunayan ay hindi mababago ng mga tao. Ikaw ay isang inápó ni Moab, at hindi Ko masasabi na ikaw ay isang inápó ni David. Kung kanino ka mang inápó, ikaw ay isa pa rin sa sangnilikha. Kaya lamang ikaw ay isang nilalang na mababa ang katayuan—ikaw ay isang nilalang na mula sa hamak na kapanganakan. Ang buong sangnilikha ay dapat maranasan ang buong gawain ng Diyos, lahat sila ay mga pinag-uukulan ng Kanyang paglupig, at dapat na makita nilang lahat ang Kanyang matuwid na disposisyon, at maranasan ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ngayon ikaw ay isang inápó ni Moab at dapat mong tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo, kaya kung ikaw ay hindi isang inápó ni Moab, kung gayon hindi ba’t kailangan mo ring tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo? Dapat mong kilalanin ito! Sa katotohanan, ang kasalukuyang paggawa sa mga inápó ni Moab ay pinakamahalaga at pinakamakabuluhan. Yamang ang gawain ay ginagawa sa inyo, ito ay may napakalaking kabuluhan. Kung ang gawain ay ginawa sa mga inápó ni Ham ito ay hindi magiging makabuluhan dahil sila ay hindi mula sa gayong hamak na kapanganakan at ang kanilang mga kapanganakan ay hindi kapareho ng kay Moab. Ang mga inápó ng pangalawang anak ni Noe na si Ham ay isinumpa lamang—sila ay hindi nagmula sa pakikiapid. Sila nga lamang ay may mababang katayuan, dahil isinumpa sila ni Noe at sila ay mga alipin ng mga alipin. Sila ay may mababang katayuan, subali’t ang kanilang orihinal na kahalagahan ay hindi mababa. Tungkol kay Moab, alam ng mga tao na siya sa pasimula ay may mababang katayuan sapagka’t ipinanganak siya mula sa pakikiapid. Bagaman ang katayuan ni Lot ay napakataas, si Moab ay nagmula kay Lot at sa kanyang anak na babae. Bagaman si Lot ay isang matuwid na tao, si Moab ay ang pinag-ukulan pa rin ng sumpa. Si Moab ay may mababang halaga at may mababang katayuan, at kung hindi man siya isinumpa siya ay mula sa karumihan, kaya siya ay iba kay Ham. Hindi siya kumilala at lumaban, nagrebelde laban kay Jehova, ang dahilan kung bakit siya ay nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar. Ang paggawa ngayon sa mga inápó ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong tumatalima at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo. Ang paggawa sa inyo ngayon, mga inápó ni Moab, ay hindi para sadyang hamakin kayo, kundi para ibunyag ang kabuluhan ng gawain. Ito ay isang dakilang pag-aangat para sa inyo. Kung ang isang tao ay may katwiran at kabatiran, sasabihin niya: “Ako ay isang inápó ni Moab. Tunay na hindi ako karapat-dapat sa ganito kadakilang pag-aangat ng Diyos na aking natanggap ngayon, o sa gayong dakilang mga pagpapala. Ayon sa aking ginagawa at sinasabi, at batay sa aking estado at kahalagahan—ako ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa gayong kadakilang mga pagpapala mula sa Diyos. Ang mga Israelita ay may dakilang pag-ibig sa Diyos, at ang biyaya na kanilang tinatamasa ay ipinagkaloob Niya sa kanila, nguni’t ang kanilang estado ay lalong higit na mataas kaysa sa atin. Si Abraham ay napakatapat kay Jehova, at si Pedro ay napakatapat kay Jesus—ang kanilang katapatan ay nakahihigit sa atin ng makaisandaang ulit, at batay sa ating mga pagkilos tayo ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa pagtatamasa ng biyaya ng Diyos.” Ang paglilingkod ng mga taong ito sa Tsina ay hindi maaaring madala sa harap ng Diyos kahit kailan. Ito ay ganap na magulo, at ang lubhang pagtatamasa ninyo ngayon ng biyaya ng Diyos ay totoong pagtataas ng Diyos! Kailan ba ninyo nahanap ang gawain ng Diyos? Kailan ba ninyo naisakripisyo ang inyong buhay para sa Diyos? Kailan ba ninyo naisuko ang inyong pamilya, inyong mga magulang, at ang inyong mga anak? Wala sa inyong nakabayad ng malaking halaga! Kung hindi sa paglalabas ng Banal na Espiritu sa iyo, ilan sa inyo ang makakayang isakripisyo ang lahat? Dahil lamang sa kayo ay napuwersa at napilitan kaya kayo ay nakasunod hanggang ngayon. Nasaan ang inyong debosyon? Nasaan ang inyong pagsunod? Batay sa inyong mga pagkilos, matagal na sana kayong winasak—dapat sana ay winalis kayo nang malinis. Anong karapatan ninyo na magtamasa ng gayong kalaking mga pagpapala—kayo ay ganap na hindi karapat-dapat! Sino sa gitna ninyo ang bumuo ng kanyang sariling landas? Sino sa gitna ninyo ang nakasumpong sa totoong daan sa kanyang sarili? Kayong lahat ay tamad at matakaw, walang-kwentang hampaslupa na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan! Palagay ba ninyo ay napakadakila ninyo? Ano’ng inyong ipagyayabang? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inápó ni Moab, ang inyo bang kalikasan, ang inyong lugar ng kapanganakan ang pinakamataas? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inapo ni Moab, hindi ba kayong lahat ay tunay na mga anak ni Moab? Ang katotohanan ba ng mga katunayan ay mababago? Ang paglalantad ba ng inyong kalikasan ngayon ay sumasalungat sa katotohanan ng mga katunayan? Tingnan kung gaano kayo kaalipin, ang inyong mga buhay, ang inyong mga pag-uugali—hindi ba ninyo alam na kayo ang pinakamababa sa lahat ng mababa sa gitna ng sangkatauhan? Ano’ng inyong ipagyayabang? Tingnan ang inyong katayuan sa lipunan. Hindi ba’t kayo ay nasa pinakamababang antas? Palagay ba ninyo ay nagkamali Ako sa pagsasalita? Inialay ni Abraham si Isaac. Ano’ng inyong naialay? Inialay ni Job ang lahat ng bagay. Ano’ng inyong naialay? Napakaraming tao ang nagbigay ng kanilang mga buhay, nagtayâ ng kanilang mga ulo, nagbuhos ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nakabayad ba kayo ng halagang iyan? Sa pagkukumpara, kayo ay hindi kailanman kwalipikadong magtamasa ng gayong kalaking biyaya, kaya nagkakamali ba sa inyo kung sabihin ngayon na kayo ang mga inápó ni Moab? Huwag ninyong tingnan ang inyong mga sarili nang napakataas. Wala kang maipagyayabang. Ang gayong kadakilang kaligtasan, gayong kalaking biyaya ay ibinigay sa inyo nang libre. Wala kayong naisakripisyo, nguni’t basta nagtamasa ng biyaya nang libre. Hindi ba kayo nahihiya? Ang tunay na daang ito ba ay isang bagay na nasumpungan ninyo sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap? Hindi ba’t ang Banal na Espiritu ang pumilit sa inyo na tanggapin ito? Kayo ay hindi kailanman nagkaroon ng puso sa paghahanap at sa partikular ay wala kayong mga puso ng paghahanap ng katotohanan, ng pananabik sa katotohanan. Nangakaupo lamang kayo at nasisiyahan dito, at nakamit ninyo ang katotohanang ito nang walang pagsisikap sa inyong bahagi. Ano’ng inyong karapatan na dumaing? Palagay mo ba ay ikaw ang pinakamahalaga? Kumpara sa mga yaon na nagsakripisyo ng kanilang mga buhay at nagbubô ng kanilang dugo, ano’ng inyong maidaraing? Ang pagwasak sa inyo ngayon din ay kusang darating! Bukod sa pagtalima at pagsunod, wala kayong iba pang pagpipilian. Kayo ay basta hindi karapat-dapat! Karamihan sa inyo ay tinawag, nguni’t kung hindi kayo napilit ng kapaligiran o kung hindi kayo natawag, kayo ay lubos na hindi handang lumabas. Sino ang handang talikdan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Sino ang handang iwan ang mga kasiyahan ng laman? Kayong lahat ay mga tao na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan at naghahanap ng isang maluhong pamumuhay! Kayo ay nagkamit ng gayong kalaking mga pagpapala—ano pa ang inyong masasabi? Ano’ng inyong mga idinaraing? Nagtamasa kayo ng pinakadakilang mga pagpapala at ng pinakadakilang biyaya sa langit, at ang gawain ay naibunyag ngayon sa inyo na hindi pa kailanman nagawa sa lupa noong una. Hindi ba ito isang pagpapala? Dahil kayo ay lumaban at nagrebelde laban sa Diyos, kayo ngayon ay sumailalim sa ganito katinding pagkastigo. Dahil sa pagkastigong ito nakita ninyo ang habag at pag-ibig ng Diyos, at higit pa nakita ninyo ang Kanyang pagkamatuwid at kabanalan. Dahil sa pagkastigong ito at dahil sa karumihan ng sangkatauhan, inyong nakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at inyong nakita ang Kanyang kabanalan at kadakilaan. Hindi ba ito ang pinakamadalang sa mga katotohanan? Hindi ba’t ito ay isang buhay na may kahulugan? Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay punô ng kahulugan! Kaya mas mababa ang inyong katayuan, mas ipinakikita nito ang pagpapataas ng Diyos, at mas pinatutunayan nito kung gaano kahalaga ang Kanyang gawain sa inyo ngayon. Ito ay isang kayamanang walang-katumbas na halaga! Hindi ito makukuha kahit saan, at sa pagdaan ng mga kapanahunan walang sinuman ang nakapagtamasa ng gayong kadakilang kaligtasan. Ang katunayan na ang inyong katayuan ay mababa ay nagpapakita kung gaano kadakila ang pagliligtas ng Diyos, at ipinakikita nito na ang Diyos ay tapat sa sangkatauhan—Siya ay nagliligtas, hindi nagwawasak.
24 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)
Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.
06 Oktubre 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan
Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)