Awtoridad ng Diyos (I)
Unang bahagi
Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya?
Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa kaunawaan ng mga tao sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay nilang naranasan sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman nila sa panahon nitong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.
Ang pangunahing nilalaman ng huling ilang mga pagsasamahan ay nakatuon sa disposisyon ng Diyos, gawain ng Diyos, at Diyos Mismo. Ano ang nakita ninyo sa mga pangunahin at sentrong bahagi ng lahat ng aking sinabi? Sa pamamagitan ng mga pagsasamahang ito, nakilala ba ninyo na ang gumawa ng gawain, at nagbunyag sa mga disposisyong ito, ay ang natatanging Diyos Mismo, na may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay? Kung ang sagot ninyo ay oo, ano ang nagdala sa inyo sa ganitong konklusyon? Sa pamamagitan ng anong mga aspeto ang nagdala sa inyo sa ganitong konklusyon? Maaari bang sabihin sa akin ng sinuman? Alam ko na naapektuhan kayo nang matindi sa mga huling pagsasamahan, at nagbigay ng bagong simula sa inyong puso para sa inyong kaalaman sa Diyos, kung saan ay maganda naman. Ngunit kahit na nagkaroon kayo ng malaking hakbang sa inyong pag-unawa sa Diyos kumpara sa dati, ang pakahulugan ninyo sa pagkakakilanlan ng Diyos ay hindi pa umusad ng lampas sa mga pangalan ng Diyos na Jehovah ng Kapanahunan ng Kautusan, ang Panginoong Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya, at Makapangyarihang Diyos ng Kapanahunan ng Kaharian. Kung saan ay maaaring sabihing, kahit na ang mga pagsasamahan na ito na tungkol sa disposisyon ng Diyos, gawain ng Diyos, at Diyos Mismo ay nagbigay sa inyo ng ilang kaunawaan sa mga salitang minsa’y sinabi ng Diyos, at ang gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, at ang katauhan at mga pag-aari na minsa’y ibinunyag ng Diyos, wala kayong kakayahan para magbigay ng tunay na kahulugan at tiyak na oryentasyon ng salitang “Diyos.” Ni wala kayong tunay at tiyak na oryentasyon at kaalaman sa kalagayan at pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, na ibig sabihin, ang kalagayan ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay at sa buong kalawakan. Iyon ay dahil, sa mga nakaraang pagsasamahang tungkol sa Diyos Mismo at disposisyon ng Diyos, ang lahat ng nilalaman ay base sa nakaraang mga pagpapahayag at mga pagbubunyag ng Diyos na nakatala sa Biblia. Ngunit mahirap para sa tao na tuklasin ang katauhan at mga pag-aari na ibinunyag at ipinahayag ng Diyos sa panahon, o sa labas ng, Kanyang pamamahala at kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya, kahit pa naintindihan ninyo ang pagka-Diyos ng Diyos at mga pag-aari na ibinunyag sa gawain na minsan Niyang ginawa, ang inyong pakahulugan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos ay malayo pa rin mula sa natatanging Diyos, ang Siyang may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay, at ito’y naiiba mula sa Maylalang. Ganoon din ang naramdaman dati ng lahat sa nakaraang ilang mga pagsasamahan: Paano malalaman ng tao ang mga kaisipan ng Diyos? Kung may taong nakaaalam, malamang ang taong iyon ay Diyos, dahil ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam ng Kanyang sariling kaisipan, at ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam ng basehan at paraan sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa. Mukhang makatwiran at lohikal para sa inyo na kilalanin ang pagkakakilanlan ng Diyos sa ganoong paraan, ngunit sino ang makapagsasabi mula sa disposisyon at gawain ng Diyos na ito nga ay talagang gawa ng Diyos Mismo, at hindi gawa ng tao, gawain na hindi magagawa ng tao sa ngalan ng Diyos? Sino ang nakakakita na ang gawaing ito ay babagsak sa ilalim ng kapangyarihan ng Siyang mayroong diwa at kapangyarihan ng Diyos? Ibig sabihin, sa pamamagitan ng anong katangian o diwa inyong makikilala na Siya ang Diyos Mismo, ang may pagkakakilanlan ng Diyos, at Siyang may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay? Naisip na ba ninyo ang tungkol doon? Kung hindi pa, samakatuwid isa itong pagpapatunay na: Ang mga nakaraang ilang pagsasamahan ay nagbigay lamang sa inyo ng ilang kaunawaan sa kapiraso ng kasaysayan na kung saan ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at sa paraan, paghahayag, at mga pagbubunyag ng Diyos sa panahon ng gawaing iyon. Bagama’t ang naturang kaunawaan ay nagpapakilala sa bawat isa sa inyo ng walang duda na ang Siyang gumawa nitong dalawang yugto ng gawain ay ang Diyos Mismo na inyong pinaniniwalaan at sinusunod, at Siya mismo na nararapat na lagi ninyong sundin, hindi niyo pa rin kayang kilalanin na Siya ang Diyos na umiral mula pa sa paglikha ng mundo, at Siyang iiral magpakailanman, ni hindi niyo kayang kilalanin na Siya ang nangunguna at may hawak ng kapangyarihan sa buong sangkatauhan. Siguradong kailanman ay hindi niyo naisip ang tungkol sa problemang ito. Ito man ay si Jehovah o ang Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng anong mga aspeto ng diwa at pagpapakita na maaari ninyong kilalanin na hindi lamang Siya ang Diyos na dapat ninyong sundin, ngunit Siya rin ang nag-uutos sa sangkatauhan at may hawak ng kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan, na bukod doon, Siya ang natatanging Diyos Mismo na may hawak ng kapangyarihan sa kalangitan at mundo at sa lahat ng mga bagay? Sa anong mga paraan ninyo kinikilala na ang Siyang pinaniniwalaan ninyo at sinusunod ay ang Diyos Mismo na may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay? Sa anong paraan ninyo itinutugma ang Diyos na inyong pinaniniwalaan sa Diyos na may hawak ng kapangyarihan sa kapalaran ng sangkatauhan? Ano ang nagpapakilala sa inyo na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo, na Siyang nasa langit at nasa lupa, at nasa lahat ng bagay? Ito ang problemang aking sasagutin sa susunod na bahagi.
Ang mga problema na kailanman ay hindi ninyo napag-isipan o hindi ninyo naisip ay maaaring pinakamahalaga sa pagkilala sa Diyos, at kung saan maaaring mahanap na mga katotohanang hindi naaarok ng tao. Kapag dumating ang mga problemang ito sa inyo, at kailangan ninyong harapin, at kailangan ninyong pumili, kung hindi ninyo malutas nang lubusan ang mga ito dahil sa inyong kahangalan at kamangmangan, o dahil ang inyong mga karanasan ay masyadong mababaw at kulang kayo sa tunay na kaalaman sa Diyos, kung gayon sila ay magiging pinakamalaking balakid at pinakamatinding hadlang sa landas ng inyong paniniwala sa Diyos. Kaya nararamdaman Ko na lubos na kinakailangan ang pagsasamahan Ko sa inyo para sa pagtalakay tungkol sa paksang ito. Alam ba ninyo kung ano ang problema niyo ngayon? Maliwanag ba sa inyo ang mga problemang Aking sinasabi? Ang mga problema bang ito ang inyong kahaharapin? Ang mga problemang ito ba mga hindi ninyo maunawaan? Ang mga problemang iyon ba ay kailanman hindi nangyari sa inyo? Mahalaga ba ang mga problemang ito sa inyo? Problema ba talaga ang mga iyon? Ang bagay na ito ay pinagmumulan ng matinding kaguluhan sa inyo, kung saan ay nagpapakita na wala kayong tunay na pag-unawa sa Diyos na inyong pinaniniwalaan, at hindi niyo Siya sineseryoso. Sabi ng ibang tao, “Alam kong Siya ay Diyos, at kaya ko Siya sinusunod, dahil ang Kanyang mga salita ay pagpapahayag ng Diyos. Tama na iyon. Anong katibayan pa ba ang kailangan? Sigurado ba na hindi natin kailangang maglabas ng mga alinlangan tungkol sa Diyos? Sigurado ba na hindi natin dapat subukan ang Diyos? Sigurado ba na hindi natin kailangang tanungin ang diwa ng Diyos at ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo?” Kung ganito man ang paraan ng inyong pag-iisip o hindi, hindi ko inilalabas ang ganyang mga tanong para maguluhan kayo tungkol sa Diyos, o udyukan kayong subukan Siya, at lalong hindi upang bigyan kayo ng mga alinlangan tungkol sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Sa halip, ginagawa ko ito para hikayatin ko sa loob ninyo ang mas matindi pang kaunawaan sa diwa ng Diyos, at mas malaking katiyakan at pananalig tungkol sa kalagayan ng Diyos, para maging nag-iisa Siya sa puso ng lahat ng sumusunod sa Diyos, at upang ang orihinal na kalagayan ng Diyos—bilang Manlilikha, ang Hari ng lahat ng mga bagay, ang natatanging Diyos Mismo—ay maaaring maibalik sa puso ng bawat nilalang. Ito rin ang tema na Aking tatalakayin sa pagsasamahan.
Simulan nating basahin ngayon ang mga sumusunod na talata mula sa Biblia.
1. Gumagamit ang Diyos ng mga Salita para Lumikha ng Lahat ng mga Bagay
1) (Gen 1:3-5) At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.
2) (Gen 1:6-7) At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.
3) (Gen 1:9-11) At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon. At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti. At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
4) (Gen 1:14-15) At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
5) (Gen 1:20-21) At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
6) (Gen 1:24-25) At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Nanindigan Salamat sa Awtoridad ng Diyos
Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Gen 1:3-5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na dumaan Siya kung saan mayroong gabi at umaga. Ngunit ito’y isang hindi pangkaraniwang araw: Nagsimulang hinanda ng Diyos ang liwanag para sa lahat ng bagay, at, saka, hinati ang liwanag mula sa kadiliman. Sa araw na ito, nagsimulang magsalita ang Diyos, at magkasamang umiral ang Kanyang mga salita at awtoridad. Nagsimulang magpakita ang Kanyang awtoridad sa lahat ng mga bagay, at ang kapangyarihan Niya ay kumalat sa lahat ng mga bagay bilang resulta ng Kanyang mga salita. Simula sa araw na ito, ang lahat ng mga bagay ay nabuo at naitakda nang dahil sa mga salita ng Diyos, ang awtoridad ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimula silang gumanap salamat sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos. Nang sinabi ng Diyos ang mga salitang “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Hindi nagsimula ang Diyos sa anumang pagkilos; lumitaw ang liwanag bilang resulta ng Kanyang mga salita. Ito ang liwanag na tinawag ng Diyos na araw, at kung saan nakabatay pa rin ngayon ang tao para sa kanyang pamumuhay. Sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos, kailanman ay hindi nagbago ang kanyang diwa at halaga, at hindi kailanman ito naglaho. Ipinakikita ng kanyang pag-iral ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at ipinoproklama ang pagiging buhay ng Maylalang, at kinukumpirma nito, nang paulit-ulit, ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Maylalang. Hindi ito bagay na di-nahahawakan, o ilusyon, ngunit isang tunay na liwanag na maaaring makita ng tao. Simula sa mga oras na iyon, itong mundong walang laman na kung saan “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” nagkaroon ng unang materyal na bagay. Ang bagay na ito ay nanggaling sa mga salita ng bibig ng Diyos, at lumitaw sa unang gawa ng paglikha ng lahat ng mga bagay dahil sa awtoridad at mga pagbigkas ng Diyos. Pagkatapos, inutusan ng Diyos na maghiwalay ang liwanag at kadiliman.… Nagbago ang lahat at nakumpleto dahil sa mga salita ng Diyos…. Tinawag ng Diyos itong liwanag na “Araw,” at tinawag Niya ang kadiliman na “Gabi.” Simula sa oras na iyon, ginawa ang unang gabi at unang umaga sa mundong sinadyang likhain ng Diyos, at sinabi ng Diyos na ito ang unang araw. Ang araw na ito ang unang araw sa paglikha ng Maylalang sa lahat ng mga bagay, at naging simula ng paglikha ng lahat ng mga bagay, at ang unang pagkakataon na ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay ipinakita sa mundong ito na Kanyang nilikha.
Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nakita ng tao ang awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad ng mga salita ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos. Dahil Diyos lang ang may angkin ng naturang kapangyarihan, at kaya Diyos lamang ang mayroong naturang awtoridad, at dahil angkin ng Diyos ang naturang awtoridad, at kaya Diyos lamang ang mayroon ng naturang kapangyarihan. Mayroon bang sinumang tao o bagay ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihang tulad nito? Mayroon bang sagot sa inyong mga puso? Bukod sa Diyos, mayroon bang nilikha o di-nilikhang katauhan ang may angkin nang naturang awtoridad? Nakakita na ba kayo ng halimbawa ng naturang bagay sa anumang mga libro o paglalathala? May nakatala bang sinuman na lumikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng mga bagay? Wala ito sa anumang iba pang mga libro o mga talaan; ang mga ito, siyempre, ang tanging may awtoridad at makapangyarihang mga salita tungkol sa kahanga-hangang paglikha ng Diyos sa mundo, kung saan nakatala sa Biblia, at ang mga salitang ito ay nagsasalita@para sa natatanging awtoridad ng Diyos at ang natatanging pagkakakilanlan ng Diyos. Maaari bang sabihing ang naturang awtoridad at kapangyarihan ay sumagisag sa natatanging pagkakakilanlan ng Diyos? Maaari bang sabihin na ang mga iyon ay pagmamay-ari ng Diyos, at ng Diyos lamang? Walang alinlangan, Diyos Mismo lamang ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihan! Ang awtoridad at kapangyarihang ito ay hindi maaaring angkinin o palitan ng anumang nilikha o di-nilikhang katauhan! Isa ba ito sa mga katangian ng natatanging Diyos Mismo? Nasaksihan niyo ba ito? Ang mga salitang ito ay agaran at malinaw na nagpapaunawa sa mga tao sa katunayan na ang Diyos ay may angking natatanging awtoridad, at natatanging kapangyarihan, at Siya ay may angking pinakamataas na pagkakakilanlan at kalagayan. Mula sa talakayan sa pagsasama sa itaas, maaari ba ninyong sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo?
Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita
Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”? Sa mga Kasulatan sinasabi na: “At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan.” Ano ang resulta matapos itong sabihin at gawin ng Diyos? Ang mga kasagutan ay nakahimlay sa huling bahagi ng talata: “at nagkagayon.”
Ang dalawang maikling mga pangungusap na ito ay nagtatala ng isang kahanga-hangang pangyayari, at naglalarawan ng kamangha-manghang kaganapan—ang napakalaking pamamahala kung saan ang Diyos ang namahala sa mga katubigan, at lumikha ng espasyo kung saan ang tao ay maaaring mamuhay...
Sa larawang ito, ang mga katubigan at ang kalawakan ay lumitaw sa harap ng Diyos sa isang iglap, at sila ay pinaghiwalay ng awtoridad ng salita ng Diyos, at pinaghiwalay sa itaas at ibaba sa paraang iniutos ng Diyos. Na ang ibig-sabihin, hindi lamang sakop ng kalawakan na nilikha ng Diyos ang mga katubigan sa ibaba, kundi pati na rin ang mga katubigan sa itaas.... Dito, walang magagawa ang tao kundi ang matulala, mamangha sa kagandahan habang pinagmamasdan ang kagandahan ng pangyayari kung saan inilipat ng Maylalang ang mga katubigan, at inutusan ang mga katubigan, at nilikha ang kalawakan, at sa kapangyarihan ng Kanyang awtoridad. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ng kapangyarihan ng Diyos, at ng awtoridad ng Diyos, nagtamo ang Diyos ng isa pang dakilang gawa. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng Awtoridad ng Maylalang? Gamitin natin ang mga kasulatan upang ipaliwanag ang mga gawa ng Diyos: Sinambit ng Diyos ang mga salita, at dahil sa mga salitang ito ng Diyos nagkaroon ng kalawakan sa gitna ng mga katubigan. At sa parehong panahon, ang napakalaking pagbabago ay nangyari sa kalawakan dahil sa mga salita ng Diyos, at hindi ito nabago sa isang ordinaryong pakiramdam, ngunit isang paghalili kung saan walang nangyari sa isang bagay. Ito ay nabuhay mula sa mga kaisipan ng Maylalang, at naging isang bagay mula sa wala dahil sa mga salita na sinambit ng Maylalang, at, higit pa roon, at mula rito, ito ay maaaring umiral at maitatag, para sa kapakanan ng Maylalang, at maaaring lumipat, magbago, at mabago kaayon sa mga kaisipan ng Maylalang. Inilalarawan ng talatang ito ang pangalawang kilos ng Maylalang sa paglikha ng buong mundo. Ito ay isa pang pagpapahayag ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at isa pang pangunahing pamamahala ng Maylalang. Ang araw na ito ay ang ikalawang araw ng Maylalang na nagpahinga simula sa pagbuo ng mundo, at ito ay isa pang kahanga-hangang araw para sa Kanya: Siya ay naglakad sa gitna ng ilaw, Dinala Niya ang kalawakan, inayos at pinamahalaan ang mga katubigan, at ang Kanyang mga gawa, ang Kanyang awtoridad, at ang Kanyang kapangyarihan ay inilagay sa gawain sa bagong araw...
May kalawakan na ba sa gitna ng mga katubigan bago bigkasin ng Diyos ang Kanyang mga salita? Siyempre wala! At paano naman noong matapos sabihin ng Diyos na “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig”? Lumitaw ang mga bagay na sinadya ng Diyos; nagkaroon ng kalawakan sa gitna ng mga katubigan, at naghiwalay ang mga katubigan dahil sinabi ng Diyos “at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.” Sa paraang ito, sa pagsunod sa mga salita ng Diyos, dalawang bagong bagay, dalawang kagagawang bagay ang lumitaw sa kalagitnaan ng lahat ng mga bagay bilang resulta ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. At ano ang naramdaman ninyo sa paglitaw ng dalawang bagay na ito? Ramdam ba ninyo ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Lumikha? Ramdam ba ninyo ang natatangi at pambihirang puwersa ng Maylalang? Ang kadakilaan ng naturang pwersa at kapangyarihan ay dahil sa awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad na ito ay ang pagkatawan sa Diyos Mismo, at natatanging katangian ng Diyos Mismo.
Binigyan ba kayo ng talatang ito ng panibagong malalim na pakiramdam ng pagiging natatangi ng Diyos? Ngunit malayo ito sa kasapatan; ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay lampas pa rito. Ang Kanyang pagiging natatangi ay hindi lang dahil mayroon Siyang diwa na hindi katulad ng anumang nilikha, ngunit dahil din ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay pambihira, walang limitasyon, kataas-taasan, at namamayagpag sa lahat, at bukod dito, dahil ang Kanyang awtoridad at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay kayang lumikha ng buhay, at nakakagawa ng mga himala, at kayang likhain ang bawat at lahat ng kagila-gilalas at pambihirang minuto at segundo, at sa parehong oras, kaya Niyang pamahalaan ang buhay na Kanyang nililikha, at hawakan ang kapangyarihan sa loob ng bawat milagro at bawat minuto at segundo na kanyang nililikha.
Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay
Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: “At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.” Ibig sabihin, nagkaroon na ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at naghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, “at nagkagayon.” Inilarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat ginawa ng Diyos? Paano ba ginawa ng Diyos ang mga bagong bagay na ito? Malinaw na, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuang ito.
Sa tatlong mga talata sa itaas, napag-aralan natin ang mga pangyayari ng tatlong malalaking kaganapan. Lumitaw itong tatlong malalaking kaganapan, at binigyang buhay, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at dahil sa Kanyang mga salita na, matapos ang isa, nagpakita ang mga ito sa harapan ng Diyos. Kaya maaaring makita na ang “Nagsalita ang Diyos, at matutupad ito; Iniutos Niya, at maitatatag ito” ay hindi mga salitang walang bisa. Itong diwa ng Diyos ay kumpirmado agad sa oras na ang Kanyang mga iniisip ay nabuo, at kapag binuksan ng Diyos ang Kanyang bibig para magsalita, lubos na nasasalamin ang Kanyang diwa.
Magpatuloy tayo sa huling pangungusap ng talatang ito: “At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.” Habang nagsasalita ang Diyos, ang lahat ng mga bagay na ito ay nagkaroon ng buhay ayon sa mga kaisipan ng Diyos, at sa isang sandali, ang iba’t-ibang uri ng mga maselang maliliit na anyo ng buhay ay walang pagtigil sa pag-usli sa kanilang mga ulo palabas ng lupa, at bago pa nila maipagpag ang mga maliliit na dumi mula sa kanilang mga katawan, sabik na silang kumakaway sa bawat isa sa pagbati, tumatango at ngumingiti sa mundo. Pinasalamatan nila ang Lumikha sa buhay na Kaniyang ibinigay sa kanila, at inihayag sa mundo na bahagi sila ng lahat ng mga bagay, at ang bawat isa sa kanila’y ilalaan ang kanilang mga buhay sa pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, naging malago at berde ang lupa, tumubo at umusbong mula sa lupa ang lahat ng uri ng mga halaman na maaaring tamasahin ng tao, at ang mga bundok at kapatagan ay kumapal nang todo dahil sa mga puno at kagubatan…. Itong tigang na mundo, na kung saan walang anumang bakas ng buhay, ay mabilis na natakpan ng mga masaganang damo, mga halaman at mga puno at umaapaw sa kaberdehan…. Ang samyo ng damo at ang halimuyak ng lupa ay kumalat sa hangin, at nagsimula ang mga uri ng halaman na huminga kasabay ng sirkulasyon ng hangin, at nagsimula sa proseso ng paglaki. Kasabay nito, salamat sa mga salita ng Diyos at kasunod ng mga kaisipan ng Diyos, sinimulan ng lahat ng mga halaman ang magpakailanmang ikot ng buhay na kung saan sila ay lalago, mamumulaklak, mamumunga, at dadami. Nagsimula silang buong galang na sumunod nang mahigpit sa kanilang mga landas ng buhay, at nagsimulang buong galang na gawin ang kanilang mga tungkulin sa kabila ng lahat ng mga bagay…. Isinilang sila lahat, at nabuhay, dahil sa mga salita ng Maylalang. Tatanggap sila nang walang humpay na probisyon at pagpapakain mula sa Maylalang, at laging matatag na mabubuhay sa bawat sulok ng lupain para maipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at lagi nilang ipapakita ang pwersa ng buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang…
Pambihira ang buhay ng Maylalang, pambihira ang Kanyang mga kaisipan, at pambihira ang Kanyang awtoridad, at kaya, kapag binigkas ang Kanyang mga salita, ang huling resulta ay “at nagkagayon.” Malinaw na, hindi kailangan ng Diyos na magtrabaho gamit ang Kanyang mga kamay kapag Siya ay kumikilos; ginagamit Niya lang ang Kanyang kaisipan para mag-utos, at ang Kanyang mga salita para mag-atas, at sa ganitong mga paraan, nakakamit ang mga bagay. Sa araw na ito, tinipon ng Diyos ang mga katubigan sa iisang lugar, at pinalitaw ang tuyong lupa, pagkatapos noon ay pinausbong ng Diyos ang damo mula sa lupa, at tumubo doon ang mga halaman na nagbibigay ng mga buto, at ang mga puno na namumunga, at inuri ng Diyos ang bawat isa ayon sa uri, at nagdulot sa bawat isa na magkaroon ng sarili nitong buto. Nangyari ang lahat ng mga ito ayon sa kaisipan ng Diyos at sa mga utos ng mga salita ng Diyos, at lumitaw ang bawat isa, matapos ang isa, dito sa bagong mundo.
Nang hindi pa Niya sinisimulan ang Kanyang gawain, mayroon nang larawan ang Diyos sa Kanyang isipan kung ano ang gusto Niyang gawin, at nang itinalaga na ng Diyos itong mga bagay na gagawin, kung saan din ay nang buksan ng Diyos ang Kanyang bibig para bigkasin ang nilalaman ng larawang ito, nagsimulang mangyari ang mga pagbabago sa lahat ng mga bagay, salamat sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Paano man ginawa ito ng Diyos, o ginamit ang Kanyang awtoridad, ang lahat ay nakamit nang dahan-dahan ayon sa plano ng Diyos at dahil sa mga salita ng Diyos, at nangyari ang mga sunud-sunod na pagbabago sa pagitan ng langit at lupa, salamat sa mga salita at awtoridad ng Diyos. Nagpakita ang lahat ng mga pagbabago at pangyayaring ito ng awtoridad ng Maylalang, at ng di-pagkakaraniwan at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Maylalang. Hindi mga simpleng kuru-kuro ang Kanyang kaisipan, o isang bakanteng larawan, ngunit isang awtoridad na nagtataglay ng kalakasan at pambihirang enerhiya, at ito ang kapangyarihang magdudulot para ang lahat ng mga bagay ay mabago, gumaling, mapanumbalik, at mawala. At dahil dito, gumagana ang lahat ng mga bagay dahil sa Kanyang mga kaisipan, at, sa parehong pagkakataon, ay nakamit dahil sa mga salita mula sa Kanyang bibig….
Bago lumitaw ang lahat ng mga bagay, matagal nang nabuo sa kaisipan ng Diyos ang isang kumpletong plano, at matagal nang nakamit ang isang bagong mundo. Bagama’t sa pangatlong araw doon lumitaw ang lahat ng uri ng mga halaman sa lupa, walang dahilan ang Diyos para pigilan ang mga hakbang ng Kanyang paglikha sa mundong ito; sinadya Niyang magpatuloy sa pagbigkas sa Kanyang mga salita, para magpatuloy na makamit ang paglikha ng bawat bagong bagay. Magsasalita Siya, ibibigay ang Kanyang mga utos, at ipatutupad ang Kanyang awtoridad at ipapakita ang Kanyang kapangyarihan, at hinanda Niya ang lahat ng mga bagay na Kanyang plinano para ihanda ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan na nilalayon Niyang gawin….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento