Ginamit ng Maylalang ang Kanyang mga salita para tapusin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, natapos Niya ang mga unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, hindi nakitang naging abala ang Diyos, o napagod ang Kanyang sarili; bagkus, natapos Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at nakamit ang dakilang gawain ng pagpapanukala ng malubhang pagbabago sa mundo. Isang bagong mundo ang lumitaw sa Kanyang harapan, at, isa-isa, ang magandang larawan na nakatago sa loob ng Kanyang kaisipan ay sa ganap na naibunyag na sa mga salita ng Diyos. Ang paglitaw ng bawat bagong bagay ay parang kapanganakan ng isang bagong silang na sanggol, at nalugod ang Maylalang sa larawang minsa’y nasa Kanyang kaisipan, ngunit ngayon ay nabigyan na ng buhay. Sa oras na ito, nagkaroon ng kapirasong kasiyahan ang Kanyang puso, ngunit nagsisimula pa lamang ang Kanyang plano. Sa isang kisap mata, dumating na ang bagong araw—at ano ang susunod na pahina sa plano ng Maylalang? Ano ang sinabi Niya? At paano Niya ipinatupad ang Kanyang awtoridad? At, kasabay nito, anong mga bagong bagay ang dumating dito sa bagong mundo? Sa pagsunod sa gabay ng Maylalang, matutuon ang ating pagtingin sa pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, isang araw na kung saan ay may panibagong simula. Siyempre, para sa Lumikha, walang duda na ito’y kamangha-manghang panibagong araw, at panibagong araw na napakahalaga para sa sangkatauhan sa kasalukuyan. Ito nga, siyempre, ay isang araw na hindi matantya ang halaga. Paano ito naging maganda, paano ito naging napakahalaga, at paanong hindi matantya ang halaga nito? Makinig muna tayo sa mga salitang binigkas ng Maylalang….
“At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa” (Gen 1:14-15). Isang pagpapatupad na naman ito ng awtoridad ng Diyos na ipinakita ng mga nilalang na sumunod sa Kanyang paglikha ng tuyong lupa at ang mga halamang narito. Para sa Diyos, ang naturang gawa ay parehong madali, dahil may naturang kapangyarihan ang Diyos; kasinggaling ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita. Iniutos ng Diyos na lumitaw ang liwanag sa langit, at ang mga liwanag na ito ay hindi lang nagpaliwanag sa kalangitan at sa lupa, ngunit naging mga senyales din ng araw at gabi, para sa mga panahon, mga araw, at mga taon. Sa paraang ito, habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, ang bawat gawa na gustong makamit ng Diyos ay nangyari ayon sa kahulugan ng Diyos at sa paraang hinirang ng Diyos.
Ang mga liwanag sa langit ay bagay sa kalangitan na kayang magbigay ng sinag ng liwanag; kaya nitong ilawan ang langit, at kayang ilawan ang lupa at mga karagatan. Umiikot ang mga ito ayon sa ritmo at dalas na utos ng Diyos, at liniliwanagan ang iba’t-ibang oras ng mga panahon sa lupa, at sa ganitong paraan, ang pag-ikot ng liwanag ang nagiging sanhi ng araw at gabi para lumabas sa silangan at kanluran ng lupa, at hindi lamang sila mga senyales ng gabi at araw, ngunit sa pamamagitan nitong mga iba’t-ibang pag-ikot, palatandaan din sila ng mga pista at iba’t-ibang espesyal na mga araw ng sangkatauhan. Perpektong pambuo at kasama ang mga ito sa apat na panahon—tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig—na inutos ng Diyos, kasama kung saan ang mga liwanag ay magkakatugma na nagsisilbing regular at tiyak na mga marka para sa anyo ng buwan, mga araw, at mga taon ng sangkatauhan. Bagama’t noong dumating lamang ang pagsasaka na ang sangkatauhan ay nagsimulang maintindihan at makita ang paghihiwalay ng mga anyo ng buwan, mga araw at mga taon na dulot ng mga liwanag na nilikha ng Diyos, sa katunayan ang mga anyo ng buwan, mga araw, at mga taon na naiintindihan ng tao ngayon ay nagsimula nang maipakita nang matagal noong pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at gayun din ang pagpapalitan ng pag-ikot ng tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig na naranasan ng tao ay nagsimula noon pang ika-apat na araw ng paglika ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Ang ginawang mga liwanag ng Diyos ay nakatulong sa tao na regular, tiyak, at malinaw na matukoy ang kaibahan ng gabi at araw, at bilangin ang mga araw, at malinaw nang subaybayan ang mga anyo ng buwan at mga taon. (Ang araw ng bilog na buwan ay pagkumpleto ng isang buwan, at mula rito, alam ng tao na ang pagpapalinaw ng mga ilaw ay simula ng bagong pag-ikot; ang araw na may kalahating buwan ay pagkumpleto sa kalahati ng buwan, kung saan sinasabi sa tao na nagsimula na ang isang bagong anyo ng buwan, mula rito maaaring maipahiwatig kung gaano karami ang mga araw at gabi sa isang anyo ng buwan, kung gaano karami ang anyo ng buwan sa isang panahon, at kung gaano karaming panahon ang mayroon sa isang taon, at karaniwang naipapakita ang lahat ng ito.) At kaya, madaling masubaybayan ng tao ang mga anyo ng buwan, mga araw, at mga taon na minarkahan ng mga pag-ikot ng mga liwanag. Mula sa puntong ito, hindi namamalayan ng sangkatauhan at ng lahat ng mga bagay na namumuhay sila sa gitna ng maayos na pagpapalitan ng gabi at araw at ng mga pagpapalitan ng mga panahon na sanhi ng mga pag-ikot ng mga liwanag. Ito ang kahalagahan ng paglikha ng Maylalang sa mga liwanag sa pang-apat na araw. Katulad nito, ang mga layunin at kahalagahan nitong pagkilos ng Maylalang ay hindi pa rin maaaring ihiwalay mula sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan. At kaya, ang mga liwanag na ginawa ng Diyos at ang kahalagahan na nalalapit nitong dalhin sa tao ay panibagong kumpas ng kahusayan sa pagpapatupad ng awtoridad ng Maylalang.
Sa bagong mundong ito, na kung saan hindi pa lumilitaw ang sangkatauhan, inihanda ng Maylalang ang gabi at umaga, ang kalawakan, lupa at mga karagatan, damo, halaman at iba’t-ibang uri ng mga puno, at “ang mga liwanag, mga panahon, mga araw, at mga taon” para sa bagong buhay na nalalapit Niyang likhain. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay naipakita sa bawat bagong bagay na Kanyang ginawa, at ang Kanyang mga salita at mga nagawa ay nangyari nang sabay, nang walang maliit na kaibahan, at nang walang bahagyang pagitan. Ang paglitaw at pag-usbong ng lahat ng mga bagong bagay ay patunay ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang: Kasing-galing Niya ang Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natupad na ay mananatili magpakailanman. Hindi nagbago ang katunayang ito: kaya ito ang nangyari noon, kaya ganito rin ngayon, at kaya ito rin ang mangyayari magpakailanman. Kapag muli ninyong tiningnan ang mga salitang iyon sa kasulatan, para bang bago ang mga ito sa inyo? May nakita ba kayong mga bagong nilalaman, at may mga natuklasan ba kayong bago? Iyon ay dahil hinipo ng mga gawa ng Maylalang ang inyong mga puso, at ginabayan ang direksiyon ng inyong kaalaman sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at binuksan ang pintuan ng inyong kaunawaan sa Lumikha, at ang Kanyang mga gawa at awtoridad ay nagbigay ng buhay sa mga salitang ito. At kaya sa mga salitang ito, nakita ng tao ang isang totoo, malinaw na pagpapakita ng awtoridad ng Maylalang, at tunay na nasaksihan ang pananaig ng Maylalang, at minasdan ang di-pangkaraniwang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang.
Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay lumilikha ng sunod-sunod na himala, at pinupukaw Niya ang pansin ng tao, at walang magawa ang tao kundi ipako na lamang ang tingin sa mga kahanga-hangang gawa na nanggaling sa pagpapatupad ng Kanyang awtoridad. Ang Kanyang di-pangkaraniwang kapangyarihan ay nagdadala ng sunud-sunod na kasiyahan, at naiwan ang tao na puno ng mangha at labis na tuwa, at napapabuntong hininga sa paghanga, tulala, at masaya; ano pa, ang tao ay halatang naantig, at nabuo sa kanya ang respeto, paggalang, at pagkagiliw. May malaking epekto ang awtoridad at mga gawa ng Maylalang sa espiritu ng tao, at nililinis ang espiritu ng tao, at, bukod dito, nagbibigay ng kaganapan sa espiritu ng tao. Ang bawat kaisipan Niya, bawat pagbigkas Niya, at ang bawat pagbubunyag ng Kanyang awtoridad ay isa sa pinakamahusay na gawa sa lahat ng mga bagay, at isang malaking gawaing pinakakarapat-dapat sa malalim na kaunawaan at kaalaman ng nilikhang sangkatauhan. Kung bibilangin natin ang bawat nilikha na nagmula sa mga salita ng Maylalang, ang mga espiritu natin ay napapalapit sa paghanga sa kapangyarihan ng Diyos, at makikita natin ang ating mga sarili na sinusundan ang mga yapak ng Maylalang hanggang sa susunod na araw: ang panlimang araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay.
Patuloy nating basahin nang isa-isa ang talata sa Kasulatan, habang tinitingnan natin ang mas marami pa sa mga gawa ng Maylalang.
Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan
Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan nang sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at inuri ang mga ito ayon sa klase. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, kalangitan, at mga katubigan…
Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, isang sariwang bagong buhay, na ang bawat isa ay may iba’t-ibang anyo, ang agad na nabuhay habang binibigkas ang mga salita ng Maylalang. Dumating sila sa mundong ito na nakikipaggitgitan sa posisyon, nagtatalunan, nagkakatuwaan sa galak…. Lumangoy sa mga katubigan ang mga isda na may iba’t-ibang hugis at sukat, lumabas sa mga buhangin ang iba’t-ibang klase ng kabibe, ang may kaliskis, may talukab, at walang gulugod na mga nilalang ay nagmamadaling lumaki sa mga iba’t-ibang anyo, kahit pa malaki o maliit, mahaba o maikli. Gayun din nagsimulang lumaki nang mabilis ang mga iba’t-ibang klase ng halamang-dagat, sumasabay sa galaw ng iba’t-ibang mga nabubuhay sa tubig, umaalun-alon, hinihimok ang mga kalmadong katubigan, na para bang sinasabi sa kanila: Galawin mo ang paa mo! Isama mo ang mga kaibigan mo! Dahil kailanman hindi ka na mag-iisa! Simula sa sandali na ang mga iba’t-ibang buhay na nilalang na ginawa ng Diyos ay nagpakita sa katubigan, nagbigay sigla sa mga katubigan na naging tahimik nang matagal ang bawat sariwang bagong buhay, at sinalubong ang isang bagong panahon…. Simula sa puntong iyon, kumiling sila sa bawat isa, at sinamahan ang bawat isa, at namuhay nang walang pagkakaiba sa bawat isa. Nabuhay ang katubigan para sa mga nilalang na nasa loob nito, pinapalusog ang bawat buhay na naninirahan sa loob ng sinasaklawan nito, at ang bawat buhay ay nabuhay alang-alang sa katubigan dahil sa pagpapakain nito. Isinalalay ang buhay sa bawat isa, at sa parehong oras, ang bawat isa, sa parehong paraan, ay naging testamento sa kahimalaan at kadakilaan ng paglikha ng Maylalang, at sa di-mapantayang kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…
Dahil hindi na tahimik ang karagatan, gayun din nagsimulang punuin ng buhay ang mga kalangitan. Isa-isa, ang mga ibon, malaki at maliit, ay lumipad sa kalangitan mula sa lupa. Di tulad ng mga nilalang sa karagatan, may mga pakpak sila at balahibo na bumabalot sa kanilang mga payat at kaaya-ayang mga anyo. Ipinapayagpag nila ang kanilang mga pakpak, ipinagmamalaki at mayabang na ipinakikita ang kanilang kaaya-ayang balahibo at ang kanilang espesyal na mga tungkulin at kakayahang ibinigay sa kanila ng Maylalang. Malaya silang lumipad, at mahusay na pabalik-balik sa pagitan ng langit at lupa, patawid sa mga damuhan at mga kagubatan…. Sila ang mga ginigiliw ng hangin, sila ang ginigiliw ng lahat ng mga bagay. Sila ang magiging ugnayan sa pagitan ng langit at lupa, at magdadala ng mga mensahe sa lahat ng mga bagay…. Kumakanta sila, masaya silang mabilis na lumilipad, nagbibigay sila ng saya, halakhak, at kasiglahan sa minsang walang buhay na mundo…. Gamit nila ang kanilang malinaw, mahimig na pagkanta, gamit ang mga salita sa kanilang mga puso upang purihin ang Maylalang para sa buhay na ibinigay sa kanila. Masaya silang sumayaw para ipakita ang pagkaperpekto at kahimalaan ng paglikha ng Maylalang, at igugugol ang kanilang buong buhay sa pagbibigay katibayan sa awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng espesyal na buhay na Kanyang ibinigay sa kanila…
Kahit pa sila’y nasa tubig, o sa mga kalangitan, sa pamamagitan ng utos ng Maylalang, ang dami ng mga buhay na nilalang ay umiral sa iba’t-ibang kalagayan ng buhay, at sa utos ng Maylalang, nagsama-sama sila ayon sa kanya-kanyang uri—at ang batas na ito, ang patakarang ito, ay di maaaring baguhin ng anumang mga nilalang. Di kailanman sila nangahas na lumampas sa mga hangganang itinakda sa kanila ng Maylalang, ni hindi nila nagawa ito. Tulad ng iniatas ng Maylalang, nabuhay sila at nagpakarami, at mahigpit na sumunod sa kurso ng buhay at mga batas na itinakda sa kanila ng Maylalang, at sadya silang sumunod sa Kanyang mga di-binigkas na mga utos at sa mga kautusan at tuntunin ng kalangitan na Kanyang ibinigay sa kanila, hanggang sa ngayon. Nakikipag-usap sila sa Maylalang sa kanilang sariling espesyal na paraan, at kinilala ang kahulugan ng Maylalang, at sumunod sa Kanyang mga utos. Wala kailanman ang lumabag sa awtoridad ng Maylalang, at ang Kanyang kapangyarihan at utos sa kanila ay ipinatupad sa loob ng Kanyang mga kaisipan; walang mga salitang binigkas, ngunit ang awtoridad na natatangi sa Maylalang ang kumontrol nang tahimik sa lahat ng mga bagay nang di gumamit ng wika, at kung saan ay kaiba sa sangkatauhan. Ang pagpapatupad ng Kanyang awtoridad sa espesyal na paraang ito ay humimok sa tao na magkaroon ng bagong kaalaman, at makagawa ng bagong pakahulugan, sa natatanging awtoridad ng Maylalang. Dito, kailangan kong sabihin sa inyo na sa bagong araw na ito, ipinakita muli ng pagpapatupad ng awtoridad ng Maylalang ang pagiging bukod-tangi ng Maylalang.
Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “nakita ng Dios na mabuti.” Ano sa tingin ninyo ang ibig nitong sabihin? Ang mga damdamin ng Diyos ay nakapaloob sa mga salitang ito. Pinanood ng Diyos na mabuhay ang lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha at itinatag dahil sa Kanyang mga salita, at dahan-dahang nagbabago. Sa oras na ito, nasiyahan ba ang Diyos sa iba’t-ibang mga bagay na Kanyang ginawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ang iba’t-ibang gawa na Kanyang nakamtan? Ang sagot ay “nakita ng Dios na mabuti.” Ano ang nakikita ninyo rito? Ano ang isinasagisag ng “nakita ng Dios na mabuti”? Ano ang isinisimbolo nito? Ibig sabihin nito, may kapangyarihan at karunungan ang Diyos para isagawa ang Kanyang binalak at inatas, para tuparin ang mga layuning Kanyang inilatag. Nang nakumpleto ng Diyos ang bawat gawain, nagsisi ba Siya? Ang sagot ay “nakita ng Dios na mabuti.” Sa madaling salita, hindi lang sa hindi Siya nagsisi, ngunit sa halip ay nasiyahan. Ano ba ang ibig sabihin ng wala Siyang pagsisisi? Ang ibig sabihini nito ay perpekto ang plano ng Diyos, na perpekto ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang awtoridad na ang naturang pagkaperpekto ay maaaring mapatupad. Kapag may ginagawa ang tao, kaya ba niya, tulad ng Diyos, na makita na ito’y maganda? Kaya bang gawin ng tao ang lahat ng bagay nang mayroong pagka-perpekto? Kaya bang kumpletuhin ng tao ang isang bagay minsan at nang hanggang magpakailanman? Tulad ng sinasabi ng tao, “walang perpekto, mas gumanda lang,” walang bagay na ginawa ng tao ang maaaring maging perpekto. Nang nakita ng Diyos na maganda ang lahat na Kanyang ginawa at nakamtan, itinakda ng salita Niya ang lahat ng ginawa ng Diyos, kung saan maaaring sabihin na, noong “nakita ng Dios na mabuti,” ang lahat na Kanyang ginawa ay naging permanente na ang anyo, inuri ayon sa klase, at binigyan ng permanenteng posisyon, layunin, at tungkulin, minsan at nang hanggang magpakailanman. Bukod dito, ang kanilang papel sa lahat ng mga bagay, at ang landas na dapat nilang tahakin sa panahon ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ay itinalaga na ng Diyos, at di mababago. Ito ang batas ng kalangitan na ibinigay ng Maylalang sa lahat ng mga bagay.
“Nakita ng Dios na mabuti,” itong simple, di masyadong pinahahalagahang mga salita, na kadalasang binabalewala, ay ang mga salita ng batas ng kalangitan at alituntunin ng kalangitang ibinigay sa lahat ng mga nilalang ng Diyos. Isa na naman itong sagisag ng awtoridad ng Maylalang, na mas praktikal, at mas malalim. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang nakuha ng Maylalang kung ano ang itinakda Niya para makuha, at makamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, ngunit kaya ring kontrolin sa Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nilikha, at pagharian ang lahat ng mga bagay na Kanyang ginawa sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, sistematiko at karaniwan ang lahat. Nabuhay at namatay rin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, nabuhay sila sa gitna ng batas na Kanyang itinakda sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang di saklaw! Nagsimula agad ang batas na ito nang “nakita ng Dios na mabuti,” at ito’y iiral, magpapatuloy, at gagana para sa ikabubuti ng plano sa pamamahala ng Diyos hanggang sa araw na ipawalang bisa ito ng Maylalang! Hindi lang ipinakita ang natatanging awtoridad ng Maylalang sa Kanyang kakayahang lumikha ng lahat ng mga bagay at utusan ang lahat ng mga bagay na mabuhay, ngunit sa kakayahan din Niya na pamahalaan at magpanatili ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay, at magkaloob ng buhay at kasiglahan sa lahat ng mga bagay, at, bukod pa rito, ang Kanyang kakayahang magdulot, minsan at hanggang magpakailanman, sa lahat ng mga bagay na gagawin Niya sa Kanyang plano para lumitaw at mabuhay sa mundong gawa Niya sa perpektong hugis, at perpektong istruktura ng buhay, at isang perpektong tungkulin. Gayun din naipakita ito sa paraan kung saan ang mga kaisipan ng Maylalang ay hindi sumasailalim sa anumang mga limitasyon, na di-limitado ng oras, puwang, o heograpiya. Tulad ng Kanyang awtoridad, ang natatanging pagkakakilanlan ng Maylalang ay walang hanggang di magbabago. Ang Kanyang awtoridad ay laging huwaran at sagisag ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan, at magpakailanman na mananatili ang Kanyang awtoridad kasabay ng Kanyang pagkakakilanlan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento