Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla. Kayo ay hindi basta makapaniwala na kayo ang mga inápó ni Moab. Si Moab ay itinapon sa lupaing ito pagkatapos isumpa. Ang lahi ng anak ni Moab ay naipasa pababa hanggang ngayon, at kayong lahat ang kanyang mga inápó. Wala Akong magagawa—sinong may gawa na maisilang ka sa bahay ni Moab? Naaawa Ako sa iyo at hindi Ako sang-ayon na magkaganito ka, nguni’t ang katunayan ay hindi mababago ng mga tao. Ikaw ay isang inápó ni Moab, at hindi Ko masasabi na ikaw ay isang inápó ni David. Kung kanino ka mang inápó, ikaw ay isa pa rin sa sangnilikha. Kaya lamang ikaw ay isang nilalang na mababa ang katayuan—ikaw ay isang nilalang na mula sa hamak na kapanganakan. Ang buong sangnilikha ay dapat maranasan ang buong gawain ng Diyos, lahat sila ay mga pinag-uukulan ng Kanyang paglupig, at dapat na makita nilang lahat ang Kanyang matuwid na disposisyon, at maranasan ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ngayon ikaw ay isang inápó ni Moab at dapat mong tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo, kaya kung ikaw ay hindi isang inápó ni Moab, kung gayon hindi ba’t kailangan mo ring tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo? Dapat mong kilalanin ito! Sa katotohanan, ang kasalukuyang paggawa sa mga inápó ni Moab ay pinakamahalaga at pinakamakabuluhan. Yamang ang gawain ay ginagawa sa inyo, ito ay may napakalaking kabuluhan. Kung ang gawain ay ginawa sa mga inápó ni Ham ito ay hindi magiging makabuluhan dahil sila ay hindi mula sa gayong hamak na kapanganakan at ang kanilang mga kapanganakan ay hindi kapareho ng kay Moab. Ang mga inápó ng pangalawang anak ni Noe na si Ham ay isinumpa lamang—sila ay hindi nagmula sa pakikiapid. Sila nga lamang ay may mababang katayuan, dahil isinumpa sila ni Noe at sila ay mga alipin ng mga alipin. Sila ay may mababang katayuan, subali’t ang kanilang orihinal na kahalagahan ay hindi mababa. Tungkol kay Moab, alam ng mga tao na siya sa pasimula ay may mababang katayuan sapagka’t ipinanganak siya mula sa pakikiapid. Bagaman ang katayuan ni Lot ay napakataas, si Moab ay nagmula kay Lot at sa kanyang anak na babae. Bagaman si Lot ay isang matuwid na tao, si Moab ay ang pinag-ukulan pa rin ng sumpa. Si Moab ay may mababang halaga at may mababang katayuan, at kung hindi man siya isinumpa siya ay mula sa karumihan, kaya siya ay iba kay Ham. Hindi siya kumilala at lumaban, nagrebelde laban kay Jehova, ang dahilan kung bakit siya ay nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar. Ang paggawa ngayon sa mga inápó ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong tumatalima at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo. Ang paggawa sa inyo ngayon, mga inápó ni Moab, ay hindi para sadyang hamakin kayo, kundi para ibunyag ang kabuluhan ng gawain. Ito ay isang dakilang pag-aangat para sa inyo. Kung ang isang tao ay may katwiran at kabatiran, sasabihin niya: “Ako ay isang inápó ni Moab. Tunay na hindi ako karapat-dapat sa ganito kadakilang pag-aangat ng Diyos na aking natanggap ngayon, o sa gayong dakilang mga pagpapala. Ayon sa aking ginagawa at sinasabi, at batay sa aking estado at kahalagahan—ako ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa gayong kadakilang mga pagpapala mula sa Diyos. Ang mga Israelita ay may dakilang pag-ibig sa Diyos, at ang biyaya na kanilang tinatamasa ay ipinagkaloob Niya sa kanila, nguni’t ang kanilang estado ay lalong higit na mataas kaysa sa atin. Si Abraham ay napakatapat kay Jehova, at si Pedro ay napakatapat kay Jesus—ang kanilang katapatan ay nakahihigit sa atin ng makaisandaang ulit, at batay sa ating mga pagkilos tayo ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa pagtatamasa ng biyaya ng Diyos.” Ang paglilingkod ng mga taong ito sa Tsina ay hindi maaaring madala sa harap ng Diyos kahit kailan. Ito ay ganap na magulo, at ang lubhang pagtatamasa ninyo ngayon ng biyaya ng Diyos ay totoong pagtataas ng Diyos! Kailan ba ninyo nahanap ang gawain ng Diyos? Kailan ba ninyo naisakripisyo ang inyong buhay para sa Diyos? Kailan ba ninyo naisuko ang inyong pamilya, inyong mga magulang, at ang inyong mga anak? Wala sa inyong nakabayad ng malaking halaga! Kung hindi sa paglalabas ng Banal na Espiritu sa iyo, ilan sa inyo ang makakayang isakripisyo ang lahat? Dahil lamang sa kayo ay napuwersa at napilitan kaya kayo ay nakasunod hanggang ngayon. Nasaan ang inyong debosyon? Nasaan ang inyong pagsunod? Batay sa inyong mga pagkilos, matagal na sana kayong winasak—dapat sana ay winalis kayo nang malinis. Anong karapatan ninyo na magtamasa ng gayong kalaking mga pagpapala—kayo ay ganap na hindi karapat-dapat! Sino sa gitna ninyo ang bumuo ng kanyang sariling landas? Sino sa gitna ninyo ang nakasumpong sa totoong daan sa kanyang sarili? Kayong lahat ay tamad at matakaw, walang-kwentang hampaslupa na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan! Palagay ba ninyo ay napakadakila ninyo? Ano’ng inyong ipagyayabang? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inápó ni Moab, ang inyo bang kalikasan, ang inyong lugar ng kapanganakan ang pinakamataas? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inapo ni Moab, hindi ba kayong lahat ay tunay na mga anak ni Moab? Ang katotohanan ba ng mga katunayan ay mababago? Ang paglalantad ba ng inyong kalikasan ngayon ay sumasalungat sa katotohanan ng mga katunayan? Tingnan kung gaano kayo kaalipin, ang inyong mga buhay, ang inyong mga pag-uugali—hindi ba ninyo alam na kayo ang pinakamababa sa lahat ng mababa sa gitna ng sangkatauhan? Ano’ng inyong ipagyayabang? Tingnan ang inyong katayuan sa lipunan. Hindi ba’t kayo ay nasa pinakamababang antas? Palagay ba ninyo ay nagkamali Ako sa pagsasalita? Inialay ni Abraham si Isaac. Ano’ng inyong naialay? Inialay ni Job ang lahat ng bagay. Ano’ng inyong naialay? Napakaraming tao ang nagbigay ng kanilang mga buhay, nagtayâ ng kanilang mga ulo, nagbuhos ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nakabayad ba kayo ng halagang iyan? Sa pagkukumpara, kayo ay hindi kailanman kwalipikadong magtamasa ng gayong kalaking biyaya, kaya nagkakamali ba sa inyo kung sabihin ngayon na kayo ang mga inápó ni Moab? Huwag ninyong tingnan ang inyong mga sarili nang napakataas. Wala kang maipagyayabang. Ang gayong kadakilang kaligtasan, gayong kalaking biyaya ay ibinigay sa inyo nang libre. Wala kayong naisakripisyo, nguni’t basta nagtamasa ng biyaya nang libre. Hindi ba kayo nahihiya? Ang tunay na daang ito ba ay isang bagay na nasumpungan ninyo sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap? Hindi ba’t ang Banal na Espiritu ang pumilit sa inyo na tanggapin ito? Kayo ay hindi kailanman nagkaroon ng puso sa paghahanap at sa partikular ay wala kayong mga puso ng paghahanap ng katotohanan, ng pananabik sa katotohanan. Nangakaupo lamang kayo at nasisiyahan dito, at nakamit ninyo ang katotohanang ito nang walang pagsisikap sa inyong bahagi. Ano’ng inyong karapatan na dumaing? Palagay mo ba ay ikaw ang pinakamahalaga? Kumpara sa mga yaon na nagsakripisyo ng kanilang mga buhay at nagbubô ng kanilang dugo, ano’ng inyong maidaraing? Ang pagwasak sa inyo ngayon din ay kusang darating! Bukod sa pagtalima at pagsunod, wala kayong iba pang pagpipilian. Kayo ay basta hindi karapat-dapat! Karamihan sa inyo ay tinawag, nguni’t kung hindi kayo napilit ng kapaligiran o kung hindi kayo natawag, kayo ay lubos na hindi handang lumabas. Sino ang handang talikdan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Sino ang handang iwan ang mga kasiyahan ng laman? Kayong lahat ay mga tao na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan at naghahanap ng isang maluhong pamumuhay! Kayo ay nagkamit ng gayong kalaking mga pagpapala—ano pa ang inyong masasabi? Ano’ng inyong mga idinaraing? Nagtamasa kayo ng pinakadakilang mga pagpapala at ng pinakadakilang biyaya sa langit, at ang gawain ay naibunyag ngayon sa inyo na hindi pa kailanman nagawa sa lupa noong una. Hindi ba ito isang pagpapala? Dahil kayo ay lumaban at nagrebelde laban sa Diyos, kayo ngayon ay sumailalim sa ganito katinding pagkastigo. Dahil sa pagkastigong ito nakita ninyo ang habag at pag-ibig ng Diyos, at higit pa nakita ninyo ang Kanyang pagkamatuwid at kabanalan. Dahil sa pagkastigong ito at dahil sa karumihan ng sangkatauhan, inyong nakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at inyong nakita ang Kanyang kabanalan at kadakilaan. Hindi ba ito ang pinakamadalang sa mga katotohanan? Hindi ba’t ito ay isang buhay na may kahulugan? Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay punô ng kahulugan! Kaya mas mababa ang inyong katayuan, mas ipinakikita nito ang pagpapataas ng Diyos, at mas pinatutunayan nito kung gaano kahalaga ang Kanyang gawain sa inyo ngayon. Ito ay isang kayamanang walang-katumbas na halaga! Hindi ito makukuha kahit saan, at sa pagdaan ng mga kapanahunan walang sinuman ang nakapagtamasa ng gayong kadakilang kaligtasan. Ang katunayan na ang inyong katayuan ay mababa ay nagpapakita kung gaano kadakila ang pagliligtas ng Diyos, at ipinakikita nito na ang Diyos ay tapat sa sangkatauhan—Siya ay nagliligtas, hindi nagwawasak.
Ang mga taong Tsino ay hindi kailanman naniwala sa Diyos at hindi kailanman nakapaglingkod kay Jehova, hindi kailanman nakapaglingkod kay Jesus. Ang kaya lamang nilang gawin ay maging sunud-sunuran, magsunog ng insenso, magsunog ng papel na “joss” ng Tsino, at sumamba kay Buddha. Sumasamba lamang sila sa mga diyus-diyosan—silang lahat ay mapanghimagsik sa kasukdulan, kaya mas mababa ang katayuan ng mga tao, mas ipinakikita nito na ang natatamo ng Diyos mula sa inyo ay higit pang kaluwalhatian. Mula sa pagtanaw ng ilang mga tao, sasabihin nila: “Diyos, ano ang gawaing Iyong ginagawa? Ikaw, gayong napakataas na Diyos, gayong napakabanal na Diyos, ay dumating sa isang maruming lupain? Napakaliit ba ng pag-aakala Mo sa Iyong Sarili? Kami ay napakarumi, nguni’t handa Kang makasama namin? Handa Kang mamuhay sa gitna namin? Kami ay mula sa gayong kababang katayuan, nguni’t handa Kang gawin kaming ganap? At gagamitin Mo kaming mga huwaran at mga halimbawa?” Sinasabi Ko: Hindi mo nauunawaan ang Aking kalooban! Hindi mo nauunawaan ang gawaing nais Kong gawin ni nauunawaan mo ang Aking disposisyon. Hindi mo kayang abutin ang kabuluhan ng gawaing Aking gagawin. Maaari bang ang Aking gawain ay maging akmâ sa mga pantaong paniwala? Ayon sa mga pantaong paniwala, kailangan Kong maisilang sa isang magandang bansa upang ipakita na Ako ay mula sa mataas na estado, upang ipakita na Ako ay may malaking kahalagahan, at upang ipakita ang Aking pagiging kagalang-galang, kabanalan, at kadakilaan. Kung Ako ay isinilang sa isang lugar na nakikilala Ako, sa isang pamilyang nasa mataas-na-antas, at kung Ako ay may mataas na katayuan at estado, kung gayon ay pakikitunguhan Ako nang napakaganda. Iyan ay hindi magkakaroon ng mga pakinabang sa Aking gawain, kaya ang gayong kadakilang kaligtasan ba ay maibubunyag pa rin? Lahat yaong mga nakakakita sa Akin ay tatalima sa Akin, at sila ay hindi marurumihan. Dapat ay isinilang Ako sa ganitong uri ng lugar. Iyan ang inyong pinaniniwalaan. Nguni’t isipin mo ito: Ang Diyos ba ay naparito sa lupa para sa pagtatamasa, o para sa gawain? Kung Ako ay gumawa sa ganyang uri ng madali at maalwang lugar, matatamo Ko ba ang Aking buong kaluwalhatian? Makakaya Ko bang lupigin ang Aking buong sangnilikha? Nang dumating ang Diyos sa lupa Siya ay hindi buhat sa sanlibutan at hindi Siya naging katawang-tao upang tamasahin ang sanlibutan. Ang lugar kung saan ang paggawa ay pinakamahusay na magbubunyag sa Kanyang disposisyon at ang pinakamakahulugan ay ang lugar kung saan Siya isinilang. Kung ito man ay isang banal o isang maruming lupain, at kahit saan Siya gumagawa, Siya ay banal. Ang lahat sa mundo ay nilikha Niya; lahat nga lamang ay ginawang tiwali ni Satanas. Gayunpaman, ang lahat ng mga bagay ay sa Kanya pa rin; lahat ng mga iyon ay nasa Kanyang mga kamay. Ang Kanyang pagdating sa isang maruming lupain upang gumawa ay upang ibunyag ang Kanyang kabanalan; ginagawa Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, iyan ay, nagtitiis Siya ng malaking kahihiyan upang gumawa sa paraang ito upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ito ay alang-alang sa pagsaksi at ito ay para sa buong sangkatauhan. Ang tinutulutan ng ganitong uri ng gawain na makita ng mga tao ay ang pagkamatuwid ng Diyos, at higit pa nitong nakakayang ipakita ang pagiging mataas-sa-lahat ng Diyos. Ang Kanyang kadakilaan at pagkamatuwid ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagliligtas ng isang grupo ng hamak na mga tao na hindi gaanong inaalala ng sinuman. Ang pagiging isinilang sa isang maruming lupain ay hindi kailanman nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nito ang buong sangnilikha na makita ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang tunay na pag-ibig para sa sangkatauhan. Mas gumagawa Siya sa paraang ito mas ibinubunyag nito ang Kanyang dalisay na pag-ibig sa tao, ang Kanyang walang-dungis na pag-ibig. Ang Diyos ay banal at matuwid. Kahit na Siya ay isinilang sa isang maruming lupain, at kahit na Siya ay namumuhay kasama ng mga gayong tao na puno ng karumihan, gaya ng pamumuhay ni Jesus kasama ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ba’t ang Kanyang buong gawain ay alang-alang sa pananatiling buháy ng buong sangkatauhan? Hindi ba’t lahat ng ito ay upang makatamo ng dakilang kaligtasan ang sangkatauhan? Dalawang libong taon ang nakaraan Siya ay namuhay kasama ng mga makasalanan sa loob ng ilang taon. Iyan ay alang-alang sa pagtutubos. Ngayon Siya ay namumuhay kasama ng isang grupo ng marumi at hamak na mga tao. Ito ay alang-alang sa kaligtasan. Hindi ba’t ang Kanyang buong gawain ay alang-alang sa inyo, ang mga taong ito? Kung ito ay hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya namuhay at nagdusa kasama ng mga makasalanan sa loob ng maraming taon pagkatapos na maisilang sa isang sabsaban? At kung ito ay hindi para iligtas ang sangkatauhan, bakit Siya magbabalik sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon, isinilang sa lupaing ito kung saan nagtitipon ang mga demonyo, at mamuhay kasama ng mga taong ito na lubhang nagawang tiwali ni Satanas? Hindi ba’t tapat ang Diyos? Anong uri ng Kanyang gawain ang hindi naging para sa sangkatauhan? Anong uri ang hindi naging para sa inyong kapalaran? Ang Diyos ay banal! Ito ay hindi mababago. Siya ay hindi narurumihan, bagaman dumating Siya sa isang maruming lupain; lahat ng ito ay nangangahulugan lamang na ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ay lubhang hindi-makasarili, ang pagdurusa at kahihiyan na Kanyang tinitiis ay napakatindi! Para sa inyong lahat, at para sa inyong kapalaran, Siya ay nagtitiis ng gayong katinding kahihiyan. Hindi ba ninyo alam iyan? Hindi Niya inililigtas ang mga dakilang tao o ang mga anak ng mayayaman at makapangyarihang mga pamilya, nguni’t tanging inililigtas Niya yaong mga hamak at minamaliit ng iba. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay Kanyang kabanalan? Hindi ba’t ang lahat ng ito ay Kanyang pagkamatuwid? Mas pipiliin pa Niyang maisilang sa isang maruming lupain at magdusa ng lahat ng kahihiyan alang-alang sa pananatiling buháy ng buong sangkatauhan. Ang Diyos ay tunay na tunay—wala Siyang ginagawang maling gawain. Hindi ba’t ang bawa’t yugto ng Kanyang gawain ay ginawa ng ganitong kapraktikal? Bagaman sinisiraan siya ng lahat ng mga tao at sinasabi na nauupo Siya sa mesa kasama ng mga makasalanan, kahit na iniinsulto siya ng lahat ng mga tao at sinasabi na namumuhay Siya kasama ng mga anak ng dumi, kasama ng pinakahamak sa mga tao, iniaalay pa rin Niya nang buo ang Kanyang Sarili, at Siya ay tinatanggihan pa rin sa ganitong paraan sa gitna ng sangkatauhan. Hindi ba’t ang pagdurusa na Kanyang tinitiis ay higit na matindi kaysa sa inyo? Hindi ba’t ang Kanyang gawain ay mas malaki kaysa sa halagang inyong naibayad? Kayo ay isinilang sa isang lupain ng dumi gayunman ay nakamit ninyo ang kabanalan ng Diyos. Isinilang kayo sa isang lupain kung saan nagtitipon ang mga demonyo gayunman ay nakatanggap kayo ng matinding pag-iingat. Ano’ng iba pa ninyong pagpipilian? Ano’ng inyong mga hinaing? Hindi ba’t ang pagdurusa na Kanyang natiis ay mas matindi kaysa sa pagdurusa na inyong natiis? Siya ay dumating sa lupa at hindi kailanman nakapagtamasa ng mga kasiyahan ng pantaong mundo. Kinamumuhian Niya ang mga bagay na yaon. Ang Diyos ay hindi pumarito sa lupa upang magtamasa ng materyal na mga pakinabang mula sa tao, ni upang tamasahin ang magagandang mga bagay ng sangkatauhan na makakain, magsuot, at maggayak. Hindi Niya pinapansin ang mga bagay na ito; Siya ay naparito sa lupa upang magdusa para sa tao, hindi para magtamasa ng makalupang mabubuting mga bagay. Dumating Siya upang magdusa, dumating Siya upang gumawa, at upang tapusin ang Kanyang planong pamamahala. Hindi Siya pumili ng isang magandang lugar, tumira sa isang embahada o isang magarang hotel, ni mayroon man Siyang ilang mga katulong na naglilingkod sa Kanya. Mula sa inyong nakita, hindi ba ninyo alam kung Siya ay dumating upang gumawa o magtamasa? Hindi ba gumagawa ang inyong mga mata? Gaano na ang naibigay Niya sa inyo? Kung Siya ay naisilang sa isang maginhawang lugar makakatamo ba Siya ng kaluwalhatian? Makagagawa ba Siya? Magkakaroon ba iyon ng anumang kabuluhan? Malulupig ba Niya nang ganap ang sangkatauhan? Makakaya ba Niyang sagipin ang mga tao mula sa lupain ng dumi? Batay sa pantaong mga paniwala, “Diyos, yamang Ikaw ay banal, bakit Ka ipinanganak sa gayong karuming lugar? Kinamumuhian at lubhang kinapopootan Mo kaming mga taong marurumi; kinamumuhian Mo ang aming paglaban at aming pagrerebelde, kung gayon ay bakit Ka namumuhay kasama namin? Ikaw ay gayong kadakilang Diyos—Ikaw ay hindi maaaring isilang basta kahit saan, subali’t kailangan Mong maisilang sa maruming lupaing ito? Kinakastigo at hinahatulan Mo kami araw-araw at malinaw Mong nalalaman na kami ang mga inápó ni Moab, kung gayon ay bakit namumuhay Ka pa rin sa gitna namin? Bakit isinilang Ka sa isang pamilya ng mga inápó ni Moab? Bakit Mo ginawa iyon?” Ang uring ito ng inyong pagkaunawa ay lubhang wala sa katwiran! Ang uring ito lamang ng gawain ang nagpapahintulot sa mga tao na makita ang Kanyang kadakilaan, Kanyang kapakumbabaan at pagkakubli. Siya ay handang isakripisyo ang lahat alang-alang sa Kanyang gawain, at napagtiisan Niya ang lahat ng pagdurusa para sa Kanyang gawain. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng sangkatauhan, at lalong higit pa upang malupig si Satanas upang ang lahat ng mga nilalang ay magpasakop sa ilalim ng Kanyang dominyon. Ito lamang ang makahulugan at mahalagang gawain. Kung ang mga inápó ni Jacob ay isinilang sa Tsina, sa bahaging ito ng lupain, at sila ay kayong lahat, kung gayon ay ano ang magiging kabuluhan ng gawaing ginawa sa inyo? Ano’ng sasabihin ni Satanas? Sasabihin ni Satanas: “Dati ay takot sila sa Iyo, nguni’t walang sinuman ang nagpasa nito pababa sa loob ng matagal na panahon. Gayunpaman, ang kanilang mga ninunò ay takót sa Iyo; sila ay tumalima sa Iyo mula sa pasimula at wala silang kasaysayan ng pagkakanulo sa Iyo. Pagkatapos nga lamang ng isang sukat ng panahon iyan ay hindi na ipinapasa pababâ. Sila ay hindi ang pinakamadilim, pinakahamak, o pinakapaurong sa sangkatauhan. Kinilala Ka nila mula sa umpisa. Walang kabuluhan sa paggawa nito sa paraang iyan! Kung ito ay tunay na ginagawa sa paraang ito, sino ang magiging kumbinsido sa gawaing ito?” Sa buong sansinukob, ang mga Tsino ang pinakapaurong sa mga tao. Sila ay isinilang na hamak na may mababang integridad, sila ay mahina-ang-isip at manhid, at sila ay bastos at napababà. Sila ay inilubog sa mga maka-Satanas na disposisyon, marumi at mahalay. Mayroon kayo ng lahat ng ito. Hinggil sa mga tiwaling disposisyong ito, pagkaraang matapos ang gawaing ito iwawaksi ang mga iyon ng mga tao at ganap na makakatalima at magagawang ganap. Tanging ang bunga mula sa ganitong uri ng gawain ang tinatawag na patotoo sa gitna ng sangnilikha! Nauunawaan mo ba kung ano ang tinatawag na patotoo? Kung paano dapat tunay na dalhin ang patotoo? Ang uring ito ng gawain ay ginawa kayong maging mga pagkakaiba gayundin bilang mga gamit serbisyo, at lalong higit, kayo ay naging mga pinag-uukulan ng pagliligtas. Ngayon kayo ay mga tao ng Diyos at paglaon kayo ay magiging mga huwaran at mga halimbawa. Sa gawaing ito, kayo ay nagkakaroon ng sari-saring mga papel, at sa katapusan kayo ay magiging mga pinag-uukulan ng pagliligtas. Maraming mga tao ang negatibo dahil dito; hindi ba sila lubos na bulag? Hindi ka makakita ng anuman nang malinaw! Sa katawagang ito lamang ay nagigimbal ka? Nauunawaan mo ba kung ano ang tinutukoy na matuwid na disposisyon ng Diyos? Nauunawaan mo ba kung ano ang kaligtasan? Nauunawaan mo ba kung ano ang pag-ibig ng Diyos? Wala kang integridad! Pag nakakita ka ng magandang katawagan ikaw ay masaya. Pag hindi ka nakakita ng magandang katawagan hindi ka pumapayag at umuurong ka. Ano ka ba? Hindi mo hinahabol ang totoong daan! Mas mabuti pang itigil mo na ang paghahanap kaagad. Ito’y nakakahiya! Ang isang bagay na napakakaraniwan ay gumigimbal sa iyo. Hindi ba ito isang tanda ng kahihiyan?
Mas mabuting magkaroon ka ng kaunting kaalaman-sa-sarili. Huwag mong tingnan nang napakataas ang iyong sarili, at huwag kang mangarap na magpunta sa langit. Basta hanapin mo na malupig sa lupa! Huwag mong isipin yaong mga hindi-makatotohanang mga pangarap na hindi umiiral. Kung may isang magsabi ng ganito: “Bagaman ako ay isang inápó ni Moab, ako ay handang magpunyai para sa Diyos, at sa hinaharap hindi ko tatalikuran ang aking matandang ninunò! Isinilang niya ako at tinapakan din ako, at hanggang ngayon namumuhay lamang ako sa kadiliman. Ngayon ay pinalaya ako ng Diyos at sa wakas ay nakita ko ang langit na araw. Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Diyos sa wakas ay nakita ko na ako ay isang inápó ni Moab. Dati ako ay nasa dilim, at hindi ko alam na napakalaki ang nagawa ng Diyos; lahat ito ay dahil sa nabulag ako ng sinaunang Satanas na ito. Tatalikuran ko ito at lubos na hihiyain ito.” Ang mga ito ay mga salita mula sa isang tao na may hangarin, may gulugod. Kung gayon may gulugod ba kayo? Sa kabila ng katunayang lahat kayo ay tila may wangis ng isang tao, kayo ay mas mabilis na mawasak kaysa sa kaninuman, at kayo ay pinakamaramdamin kaugnay sa bagay na ito. Sa sandaling mabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, ang inyong mga bibig ay ngumingiwi sa pagsimangot. Hindi ba ito ang disposisyon ng isang baboy? Ito’y walang halaga. Payag kayong isakripisyo ang inyong buhay alang-alang sa inyong kasikatan at kayamanan! Hindi ka payag na maging isang inápó ni Moab, subali’t hindi ba ikaw ay gayon? Sinasabi Ko ngayon na ikaw ay gayon, at dapat mong kilalanin ito. Hindi Ako sumasalungat sa mga katunayan. May mga tao na negatibo dahil dito, nguni’t tungkol saan ba ang iyong pagkanegatibo? Hindi ba ikaw yaon na anak rin ng malaking pulang dragon? Kawalang-katarungan bang sabihin na ikaw ay isang inápó ni Moab? Tingnan mo kung ano ang iyong isinasabuhay, sa loob at labas. Mula ulo hanggang paa, walang maipagyayabang. Kalaswaan, dumi, pagkabulag, paglaban, pagkarebelde—hindi ba ang lahat ng mga ito ay bahagi ng iyong disposisyon? Lagi kang namumuhay sa loob ng isang lupain ng kalaswaan at puro kasamaan ang iyong ginagawa. Palagay mo ikaw ay lubhang di-kapani-paniwalang banal, subalit sumige ka at ihambing ang mga bagay-bagay na iyong ginawa. Ikaw ay di-kapani-paniwalang nasisiyahan sa iyong sarili—anong kailangan mong ipagyabang? Ikaw ay gaya ng mga halimaw! Wala kang pagkatao! Nakikisama kayo sa mga hayop, namumuhay kayo sa loob ng kasamaan at malaswang mga ideya. Gaano kalaki ang kulang sa inyo? Pumapayag kayo na kayo ang mga anak ng malaking pulang dragon, at payag kayong gumawa ng paglilingkod, nguni’t paglaon kapag sinabi na kayo ay mga inápó ni Moab ikaw ay nagiging negatibo. Hindi ba ito ang katotohanan? Gaya nang ikaw ay ipinanganak ng iyong ama at ina, kahit na gaano sila kasama, ipinanganak ka pa rin nila. Kahit na makakita ka ng madrasta at iwan ang tahanang iyon, hindi ba anak ka pa rin ng iyong orihinal na mga magulang? Maaari bang mabago ang katunayang yaon? Kalalagay Ko lamang ba sa iyo ng sapalarang etiketa? May mga taong nagsasabi: “Maaari bang bigyan Mo na lamang ako ng ibang pangalan?” Sinasabi Ko: “Paano kung bigyan kita ng pangalan na isang pagkakaiba?” Sila ay hindi rin payag na maging isang pagkakaiba. Kung gayon ay ano ang payag kang maging? Mga pagkakaiba, mga taga-serbisyo—hindi ba ito ang kung ano kayo? Anong iba pa ang iyong pipiliin? Hindi ba ikaw ang isa na ipinanganak sa bansa ng malaking pulang dragon? Kahit gaano mo pa sabihin na ikaw ay anak ni David, ito ay hindi katugmâ ng mga katunayan. Ito ba ay isang bagay na ikaw mismo ang pumili? Maaari bang sapalarang gumamit ka na lamang ng isang magandang-pakinggang pangalan upang tukuyin ang iyong sarili? Hindi ba ang mga anak ng malaking pulang dragon na binanggit sa nakaraan ay kayo, ang grupong ito ng mga tiwaling tao? Ang binanggit na mga taga-serbisyo—hindi ba sila ay kayo, ang mga tiwaling taong ito? Ang nalupig na mga halimbawa at mga huwaran na binanggit—hindi ba sila ay kayo rin, ang mga taong ito? Ang landas ng pagiging pinerpekto—hindi ba iyan ay sinabi para sa inyo? Yaong mga kinastigo at hinatulan ay kayo, at hindi ba yaong kalaunang pinerpekto ay ang ilan na nasa gitna ninyo? Ang katawagang ito ba ay mahalaga? Masyado kang walang-pakiramdam kaya hindi mo man lamang makita nang malinaw ang gayong napakaordinaryong bagay? Hindi mo alam kung sino ang inápó nino, subali’t Ako ay malinaw riyan. Sinasabi Ko sa inyo. Kung makilala mo ito ngayon iyan ay mabuti. Huwag laging masyadong ibaba-ang-sarili. Mas negatibo ka at umuurong, mas nakikita na ikaw ay inápó ni Satanas. May isang tao na, kapag ipinarinig mo sa kanya ang isang kanta, sinasabi niya: “Ang mga inápó ba ni Moab at gumagamit ng mga “tape recorder”? Hindi ko ito pakikinggan; hindi ako kwalipikado!” Kung paawitin mo siya, sinasabi niya: “Kung ang mga inápó ba ni Moab ay umawit, handa bang makinig ang Diyos? Kinamumuhian ako ng Diyos. Hiyang-hiya ako na lumapit sa harap ng Diyos at hindi ko makayang sumaksi sa Kanya. Basta hindi ako aawit, kung hindi baka mainis ang Diyos kapag narinig Niya ito.” Hindi ba ito isang negatibong paraan upang pakitunguhan ito? Bilang isang nilalang, isinilang ka sa isang lupain ng kalaswaan at ikaw ay anak ng malaking pulang dragon, isang inápó ni Moab; dapat mong talikuran ang iyong matandang ninuno at talikuran ang sinaunang Satanas. Ito lamang ang isang tao na tunay na ninanais ang Diyos.
Sa pasimula nang ibigay Ko sa inyo ang katayuan ng bayan ng Diyos nagtatatalon kayo—tumalon kayo sa tuwa nang higit kaninuman. Nguni’t ano sa sandaling sinabi Ko na kayo ay mga inápó ni Moab? Lahat kayo ay nawasak! Saan mo sasabihing naroon ang inyong tayog? Ang inyong pagkaintindi sa katayuan ay napakabigat! Karamihan ay hindi maitaas ang kanilang mga sarili. May mga nagnenegosyo at may mga nagtatrabaho. Sa sandaling sabihin Ko na kayo ay mga inápó ni Moab nais ninyong lahat na tumakbo palayô. Ito ba ang pagsaksi sa Diyos na isinisigaw ninyo sa lahat ng sandali? Mapapapaniwala ba si Satanas sa ganitong paraan? Hindi ba ito isang tanda ng kahihiyan? Anong gamit nito kung makamtan kayo? Kayo ay basurang lahat! Anong uri ng pagdurusa ang natiis ninyo, gayunman pakiramdam ninyo ay masyado kayong naabuso? Iniisip ninyo na sa sandaling napahirapan kayo ng Diyos hanggang sa isang tiyak na punto Siya ay magiging masaya, na para bang dumating ang Diyos upang sadyang sumpain kayo, at matapos na sumpain at wasakin kayo, matatapos na ang Kanyang gawain. Iyan ba ang sinabi Ko? Hindi ba ito dahil sa inyong pagkabulag? Ito ba ay dahil kayo mismo ay hindi nagsisikap na gumawa ng mabuti o dahil sinasadya Kong sumpain kayo? Kailanman ay hindi Ko ginawa iyan—iyan ay isang bagay na inisip ninyo sa inyong mga sarili. Kahit kailan ay hindi Ako nakagawa sa ganyang paraan, ni mayroon Akong ganyang hangarin. Kung talagang nais Kong sirain kayo, kakailanganin Ko bang magdusa nang gayong katindi? Kung talagang nais Kong sirain kayo, kakailanganin Ko bang makipag-usap sa inyo nang ganoong kasigasig? Ito ang Aking kalooban: Kapag nailigtas Ko kayo ay magiging kung kailan Ako makakapahinga. Mas hamak ang isang tao, mas higit na sila ang pinag-uukulan ng Aking pagliligtas. Mas nakakaya ninyong maagap na pumasok, mas magiging masaya Ako. Mas nawawasak kayo mas naguguluhan Ako. Lagi ninyong nais na magbalse tungo sa trono, nguni’t sasabihin Ko sa inyo, hindi iyan ang daan ng pagliligtas sa inyo mula sa dumi. Ang pantasya ng pag-upo sa trono ay hindi makapagpeperpekto sa inyo; iyan ay hindi makatotohanan. Aking sinasabi na ikaw ay isang inápó ni Moab, sa gayon ikaw ay hindi masaya. Iyong sinasabi: “Pinapupunta mo ako sa kalalimang walang-hangganan. Hindi ako sasaksi para sa Iyo o magdurusa para sa Iyo.” Hindi ba ang iyong ginagawang ito ay pagsalungat sa Akin? Kapaki-pakinabang ba ito para sa iyo? Nabigyan Kita ng napakalaking biyaya—nakalimutan mo ba? Ang puso ng Diyos na gaya lamang ng isang nagmamahal na ina ay naging malamig na tubig dahil sa iyo at naging yelo. Pakakawalan ka ba ni Satanas? Kung hindi ka sumasaksi para sa Akin hindi Kita itutulak, nguni’t dapat mong malaman na sa katapusan ikaw ay pupuntiryahin ng kapahamakan. Kung hindi Ako makakatamo ng patotoo sa iyo, matatamo Ko ito sa ibang mga tao. Hindi iyan mahalaga sa Akin, nguni’t sa katapusan pagsisisihan mo ito, at sa sandaling iyon matagal ka nang nahulog tungo sa kadiliman. Sa gayon ay sinong makapagliligtas sa iyo? Huwag isipin na ang gawain ay hindi magagawa nang wala ka. Hindi magkakaroon ng napakarami kung kasama ka, at hindi rin magkakaroon ng napakaunti kung wala ka. Huwag tingnan ang iyong sarili bilang masyadong kagalang-galang. Kung hindi ka handang sumunod sa Akin, ipinakikita lamang niyan na ikaw ay mapagrebelde, at walang kanais-nais sa iyo. Kung ikaw ay magaling magsalita, hindi ba’t iyan ay dahil lamang sa nasangkapan mo ang iyong sarili ng mga salitang dinala Ko sa pamamagitan ng Aking gawain? Ano’ng mayroon ka na ipagyayabang? Huwag mong hayaan ang iyong imahinasyon na tumakbong kasama ka! Kung hindi Ako makatatamo ng kaluwalhatian mula sa inyo, mga inápóng ito ni Moab, pipili Ako ng ikalawang grupo, at ikatlo sa mga inápó ni Moab upang gumawa hanggang makatamo Ako ng kaluwalhatian. Kung hindi ka handang sumaksi para sa Akin, kung gayon ay umalis ka! Hindi Kita pipilitin! Huwag isipin na hindi Ko kayang gumalaw ng isang hakbang nang wala kayo. Ang paghahanap ng akmang mga pag-uukulan ng Aking gawain sa lupaing ito ng Tsina ay walang kahirap-hirap. Walang ibang matatagpuan sa lupaing ito—ang marurumi at tiwaling mga tao ay totoong nagkalat at ang Aking gawain ay maaaring magawa kahit saan. Huwag maging masyadong mapagmataas! Kahit na gaano ka mapagmataas, hindi ba’t ikaw ay isang bata pa ring isinilang sa pakikiapid? Tingnan ang iyong kahalagahan, at ano pang pagpipilian mayroon ka? Ang pagpapahintulot sa iyong mabuhay ay isang malaking pagtataas, kaya ano’ng iyong ipinagyayabang? Kung hindi sa Aking gawain upang wakasan ang kapanahunan, hindi ba’t matagal ka na sanang nahulog tungo sa kapwa likas na mga kapahamakan at gawa-ng-taong mga kalamidad? Maaari ka pa rin bang mamuhay ng napakakumportable? Lagi ka pa ring nakikipagtalo tungkol sa bagay na ito. Mula nang Ako ay nagsalita tungkol sa mga inápó ni Moab lagi ka na lamang nakasimangot. Hindi ka nag-aaral, hindi ka nagbabasa, at hindi mo matagalang makita ang kahit sino. Kapag nakakita ka ng ibang mga taong nag-aaral ginagambala mo sila at nagsasalita ng nakapanghihina-ng-loob na mga bagay sa kanila. May lakas ka ng loob! Iyong sinasabi: “Ano ba ang pinag-aaralan ng mga inápó ni Moab? Hindi ako mag-aaral para sa Kanya.” Hindi ba’t ito ay isang bagay na sasabihin ng isang halimaw? Nabibilang ka man lamang ba na isang tao? Nasabi Ko na ang napakaraming bagay sa iyo, nguni’t wala itong nakamit. Nagawa Ko ba ang lahat ng gawaing ito para sa wala? Nasabi Ko ba ang lahat ng mga salitang ito para sa wala? Kung ikaw ay isang aso iwinawagwag mo pa rin ang iyong buntot; ang ganyang uri ng tao ay hindi man lamang kasing buti ng isang aso! May mga sandaling nakasimangot ka, may mga sandaling mukha kang nagdududa—ang lahat ba ng gawaing ito na ginawa sa iyo ay nauwi sa wala? Sa sandaling magsalita Ako tungkol sa mga inápó ni Moab, may mga tao na sadyang ibinababa ang kanilang mga sarili. Nagdaramit sila nang iba kaysa rati at hindi nag-aayos ng sarili kaya hindi sila mukhang mga tao, at bumubulong sila: “Ako ay inápó ni Moab, wala akong kwenta. Sa ano’t anuman walang mabuti sa akin at ayaw kong magtamo ng anumang mga pagpapala. Sa anumang kalagayan, sadyang ganito na ito. Ang mga inápó ba ni Moab ay maaaring gawing perpekto?” Sa sandaling magsalita Ako tungkol sa mga inápó ni Moab, karamihan sa mga tao ay wala nang pag-asa, at sinasabi: “Sinasabi ng Diyos na kami ay mga inápó ni Moab—ano ba ang kahulugan niyan? Kung titingnan ang tono ng kanyang boses, wala ng pagkakataon para sa katubusan! Walang pag-ibig sa Kanyang mga salita. Hindi ba tayo ay mga puntirya ng kapahamakan?” Nalimutan mo na ba ang sinabi noon? Ngayon ang tawag na “mga inápó ni Moab” na lamang ang iyong naalala? Sa katunayan, maraming mga salita ay para sa kapakanan ng pagkamit ng isang bagay, nguni’t ibinubunyag din ng mga iyon ang katotohanan ng mga katunayan. Karamihan ng mga tao ay hindi naniniwala. Hindi ka handang magdusa sa ganyang paraan para sa Akin. Natatakot ka sa kamatayan at lagi nang gusto mong tumakas. Kung gusto mong umalis hindi kita pipiliting manatili, nguni’t kailangan Kong linawin ang isang bagay sa iyo: Huwag mong sasayangin ang buong buhay sa walang-kabuluhan, at huwag kalilimutan ang mga bagay-bagay na nasabi Ko sa iyo sa nakaraan. Bilang isa sa sangnilikha dapat mong gampanan ang tungkulin ng isa sa sangnilikha. Huwag gagawa ng mga bagay-bagay laban sa iyong konsiyensya; ang dapat mong gawin ay ialay ang iyong sarili sa Panginoon ng sangnilikha. Ang mga inápó ni Moab ay bahagi lamang din ng sangnilikha, sila nga lamang ay naisumpa. Hindi mahalaga kung ano, ikaw ay isa pa rin sa sangnilikha. Kung iyong sinasabi: “Kahit na ako ay inápó ni Moab, labis akong nagtamasa sa biyaya ng Diyos noon, kaya dapat akong magkaroon ng konsiyensya. Basta kikilalanin ko ito nguni’t hindi mananahan dito. Kahit na ako ay magdusa sa loob ng daloy na ito, magdurusa ako hanggang sa katapusan. Kung ako ay inápó ni Moab kung gayon ay magkaganoon nga! Susunod pa rin ako hanggang sa katapusan.” Kung sinasabi mo ito, kung gayon ay hindi ka na nalalayo. Dapat kang sumunod hanggang sa katapusan. Kung tatakbo ka palayo talagang wala ka nang hinaharap na mga pagkakataon—nakatapak ka na tungo sa daan ng kapahamakan.
Mabuting inyong maunawaan ang inyong pinagmulan, at ang maunawaan ninyo ang katotohanan ng mga katunayan ay kapaki-pakinabang sa gawain. Kung hindi, ang kalalabasan na dapat makamit ay hindi mangyayari. Ito ay isang bahagi ng gawain ng paglupig, at ito ay isang hakbang na kailangan sa gawain. Iyan ay isang katunayan. Ang paggawa sa gawaing ito ay ang gisingin ang mga diwa ng mga tao, gisingin ang mga damdamin ng kanilang mga konsiyensya at hayaan ang mga tao na matamo ang dakilang kaligtasang ito. Kung ang isa ay may konsiyensya, kapag kanilang nakita na sila ay mula sa hamak na katayuan sila ay dapat na tanging magpasalamat sa Diyos. Sila ay humahawak nang mahigpit sa Kanyang mga salita, humahawak nang mahigpit sa biyaya na ibinigay Niya sa kanila, at tumatangis pa nang mapait at sinasabi: “Ang ating katayuan ay napakababa at wala tayong nakamit sa mundo. Walang tumitingala sa atin, itong mga hamak na tao. Tayo ay inuusig sa kapaligiran ng ating tahanan, tinatanggihan tayo ng ating mga asawang-lalaki, minumura tayo ng ating mga asawang-babae, minamaliit tayo ng ating mga anak, at kapag tumanda tayo tinatrato rin tayo nang masama ng ating mga manugang-na-babae. Talagang nagdusa tayo ng hindi kakaunti, at na ngayong nagtatamasa tayo ng dakilang pag-ibig ng Diyos ay napakasaya! Kung hindi sa pagliligtas ng Diyos sa atin, paano natin mauunawaan ang pantaong pagdurusa? Hindi ba’t nakasadlak pa rin sana tayo sa putik ng kasalanang ito? Hindi ba ito ay ang Diyos na nagtataas sa atin? Ako ay isa sa pinakahamak na mga tao at naitaas ako ng Diyos nang napakataas. Kahit na ako ay mawasak dapat ko pa ring suklian ang Kanyang pag-ibig. Ang Diyos ay maaaring ipalagay tayong mataas at makipag-usap nang harapan sa atin, ganitong kahamak na mga tao, at kahit na kinakastigo Niya ako—anong masasabi ko? Hindi ba’t ang pagkastigo ay Kanya ring pagtataas? Kahit na ako ay kinakastigo nakikita ko pa rin ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Hindi ako maaaring mawalan ng konsiyensya—dapat kong suklian ang kanyang pag-ibig. Hindi ako maaaring magrebelde nang gayon laban sa Diyos. Nagsasalita Siya sa akin nang harapan at tinuturuan ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay. Sinusubuan Niya ako, namumuhay kasama ko, at nagdurusang kasama ko.” Ang katayuan ng Diyos at Kanyang estado ay hindi kapareho nang sa mga tao, nguni’t ang Kanyang pagdurusa ay kapareho, at ang Kanyang kinakain at isinusuot ay kapareho, iginagalang lamang Siya ng lahat ng mga tao—ito lamang ang pagkakaiba. Hindi ba’t ang lahat nang tinatamasa ay pareho? Kaya anong karapatan ninyo na magkaroon ng gayong karaming sinasabi tungkol dito? Ang Diyos ay nagtiis ng gayong katinding pagdurusa at gumawa ng gayong kadakilang gawain, at kayo—mas mababa kaysa sa mga langgam, kaysa sa mga surot—nakatamo kayo ng gayong kadakilang pagtataas ngayon. Kung hindi mo kayang suklian ang pag-ibig ng Diyos, nasaan ang iyong konsiyensya? May mga taong nagsasalita mula sa kanilang mga puso at sinasabi: “Tuwing iniisip kong humiwalay sa Diyos nangingilid ang luha sa aking mga mata at ramdam kong inuusig ako ng aking konsiyensya. May pagkakautang ako sa Diyos. Hindi ko ito magagawa. Hindi ako maaaring maging ganoon sa Kanya. Kung ako ay mamamatay at ito ay nagbigay ng luwalhati sa Kanyang gawain, labis akong magiging kontento. Kung hindi, kahit pa ako ay mabuhay wala akong madaramang kapayapaan.” Pakinggan ang mga salitang ito—ito ang tungkulin na dapat tuparin ng isang nilalang. Kung ang isang tao ay laging may ganitong pangitain sa loob nila, sila ay makadarama sa panloob nang malinaw at maginhawa; sila ay magiging tiyak sa mga bagay na ito. Iyong sasabihin: “Hindi ako ipinahahamak ng Diyos at hindi Niya ako sinasadyang gawing isang biro o hinihiya ako. Bagaman nagsasalita siya ng medyo masakit at tumitimo sa puso, ito ay para sa aking sariling kapakanan. Siya ay nagsasalita ng ganoong kasakit, inililigtas pa rin Niya ako, at isinasaalang-alang pa rin Niya ang aking mga kahinaan. Hindi Niya ako pinarurusahan ng mga katunayan. Ako ay naniniwala na ang Diyos ay kaligtasan.” Kung tunay na mayroon kang ganitong pananaw, hindi ka darating sa punto ng pagtakas. Sa iyong konsiyensya, maaaring madama mo na mali ka, maaaring makadama ka ng paghatol, na hindi mo dapat pakitunguhan ang Diyos sa ganoong paraan. Iniisip mo ang lahat ng biyayang iyong nakamtan, lahat ng mga salitang iyong narinig—maaari ka bang makinig sa mga iyon nang walang kabuluhan? Sino man ang lumayo, hindi mo kaya. Ang ibang mga tao ay hindi naniniwala, nguni’t dapat ka. Tinatalikdan ng ibang tao ang Diyos, nguni’t dapat mong itaas ang Diyos at sumaksi sa Kanya. Sinisiraan ng iba ang Diyos, nguni’t hindi mo kaya. Gaano man kalupit ang Diyos sa iyo, dapat mo pa rin Siyang pakitunguhan nang tama. Dapat mong suklian ang Kanyang pag-ibig at dapat kang magkaroon ng konsiyensya, sapagka’t ang Diyos ay walang-sala. Ang pagparito Niya sa lupa mula sa langit upang gumawa sa gitna ng sangkatauhan ay isa nang matinding kahihiyan. Siya ay banal at wala kahit katiting na dumi. Ang pagparito sa lupain ng dumi---gaanong kahihiyan ang Kanyang tiniis? Ang paggawa sa inyo ay para sa inyong kapakanan. Kung ikaw ay walang-konsiyensya sa iyong pakikitungo sa Kanya, mabuti pang mamatay nang maaga!
Ngayon din, karamihan ng mga tao ay kulang sa aspetong ito ng pananaw at ganap na hindi matarok ang gawaing ito at hindi alam kung ano talaga ang nais matupad ng Diyos sa pamamagitan ng gawaing ito. Lalo na yaong mga nalilito—para silang napapunta sa isang dako na maraming pasikot-sikot at natulalâ pagkatapos ng ilang paglikô. Kung lubusan mong ipapaliwanag ang layunin ng planong pamamahala ng Diyos sa kanila, kung gayon hindi iyan ang magiging kalagayan. Maraming tao ang hindi matarok ito, at sila ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay ang pahirapan ang mga tao. Hindi nila nauunawaan ang karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Kanyang gawain, at hindi nila nauunawaan na ang Kanyang gawain ay ibunyag ang Kanyang dakilang kapangyarihan, at lalong higit pa ito ay upang iligtas ang sangkatauhan. Hindi nila nakikita ang lahat ng iyan, tinitingnan lamang nila kung mayroon silang anumang mga pagkakataon, at kung makapapasok sila sa langit. Sinasabi nila: “Ang gawain ng Diyos ay laging paikot-ikot; kung maipakikita Mo lamang sa amin nang tuwiran ang Iyong karunungan magiging mabuti yan. Hindi Mo kami dapat pinahihirapan nang ganito. Kami ay lubhang kulang sa kakayahan at hindi namin nauunawaan ang Iyong kalooban. Napakagaling kung magsasalita Ka lamang at kikilos nang tuwiran. Pinapapanghula Mo kami, nguni’t hindi namin kaya. Magiging mabuti kung magmamadali Ka at tutulutan kaming makita ang Iyong kaluwalhatian. Ano’ng pangangailangan na gawin ang mga bagay-bagay sa ganoong paikot-ikot na paraan?” Ang pinakakulang sa inyo ngayon ay konsiyensya. Mas pahalagahan ito at buksan ang inyong mga mata nang maluwang upang makita kung sino talaga ang gumagawa nang isa-isang hakbang ng gawain. Huwag magpadalos-dalos sa mga konklusyon. Ngayon ay naunawaan mo nang lalo ang ibabaw ng daan ng buhay na dapat mong maranasan. Mayroon pang napakaraming katotohanan na dapat mong maranasan, at kapag dumating ang araw na lubusan mo itong nauunawaan, hindi mo na iyan sasabihin, ni daraing ka man. Ni hindi mo rin ito bibigyan ng mababaw na pakahulugan. Iyong sasabihin: “Ang Diyos ay napakarunong, napakabanal. Siya ay lubhang makapangyarihan!”
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento