Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

24 Oktubre 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)

      Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.