Naglalaman ng isang bahagi ng Kanyang disposisyon ang lahat ng salita ng Diyos; hindi lubusang maihahayag sa mga salita ang Kanyang disposiyon, kaya ipinakikita nito kung gaano ang kasaganaan na nasa Kanya. Kung ano ang maaaring makita at mahipo ng mga tao ay, tutal, limitado, gaya ng kakayahan ng mga tao. Bagaman malinaw ang mga salita ng Diyos, hindi kayang lubusang nauunawaan ng mga tao. Katulad ng mga salitang ito: “Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan!” Naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos ang lahat ng mga salita ng Diyos, at kahit na batid lahat ng mga tao ang mga salitang ito, hindi nila kailanman nalalaman ang mga kahulugan nito. Sa mga mata ng Diyos, lahat yaong mga lumalaban sa Kanya ang kaaway Niya, iyan ay, mga hayop ang mga nabibilang sa masasamang espiritu. Mamamasdan mula rito ang aktuwal na situwasyon ng iglesia. Nang hindi sumasailalim sa mga pangangaral o pagkastigo ng mga tao, nang hindi dumaraan sa tuwirang pagtitiwalag o isang bahagi ng mga pamamaraan ng tao o itinatawag-pansin ng mga tao, sinusuri ng lahat ng tao ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagpapalinaw ng mga salita ng Diyos, at napakalinaw na nakikita sa ilalim ng pangmalas ng isang “mikroskopyo” gaano kalala ang sakit na talagang nasa loob nila. Sa mga salita ng Diyos, pinag-uri-uri ang bawat uri ng espiritu at ibinubunyag ang orihinal na anyo ng bawat espiritu. Nagiging higit at higit na napalinawan at naliwanagan ang mga espiritu ng anghel, kaya ang sinabi ng Diyos, na silang “nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay have regained the sanctity they once possessed,” ay nakabatay sa mga pinakahuling resulta na natamo ng Diyos. Siyempre pa ngayon hindi pa ito lubusang matatamo—isang patikim lang ito. Nakikita ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nito at ipinapakita nito na babagsak sa mga salita ng Diyos ang isang malaking bahagi ng tao at tatalunin sa pamamaraan ng unti-unting pagiging banal ng lahat ng tao. Ang “naglaho sa putikan” na binanggit dito ay hindi nagkakasalungat sa pagwasak ng Diyos sa mundo ng apoy, at ang “kidlat” ay tumutukoy sa poot ng Diyos. Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang malaking poot, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna bunga nito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa ibabaw ng himpapawid, makikita na sa daigdig papalapit na ang lahat ng uri ng kapahamakan sa buong sangkatauhan, araw-araw. Pinagmamasdan mula sa itaas, parang isang sari-saring mga tanawin ang daigdig bago ang isang lindol. Rumaragasa sa lahat ng dako ang nag-aapoy na tubig, umaagos ang kumukulong putik sa lahat ng paligid, lumilipat ang mga bundok, at kumikislap sa lahat ng dako ang malamig na liwanag. Napapasadlak sa apoy ang buong mundo. Ito ang tanawin na inilalabas ng Diyos ang Kanyang poot, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Hindi makakatakas ang lahat ng mga nasa laman. Kaya hindi kakailanganin ang mga digmaan sa pagitan ng mga bayan at mga alitan sa pagitan ng mga tao para wasakin ang buong mundo, pero “may kamalayang matatamasa” nito ang duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang sinumang makakatakas dito at daraan silang paisa-isa rito. Pagkatapos niyon muling manginginang sa banal na kaningningan ang buong sansinukob at magsisimula muli ng isang bagong buhay ang buong sangkatauhan. At magiging nasa kapahingahan ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw. Hindi magiging di-nakakayanang mapanglaw ang langit, pero mapapanumbalik ang sigla na hindi ito nagkaroon simula noong paglikha ng mundo, at ang “ikaanim na araw” ay kung kailan magsisimula ng isang bagong buhay ang Diyos. Ang Diyos at tao ay lahat papasok sa kapahingahan at hindi na magiging mabaho o marumi ang sansinukob, pero matatamo nito ang pagpapanibago. Kaya nga sinabi ng Diyos: “Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit.” Hindi kailanman nagkaroon ng di-pagkamatuwid o mga damdamin ng tao sa kaharian ng langit, o anuman sa mga masasamang disposisyon ng sangkatauhan dahil wala ang panggugulo ni Satanas. Kayang maunawaan lahat ng mga tao ang mga salita ng Diyos, at isang buhay na puno ng kaligayahan ang buhay sa langit. May karunungan at ang dignidad ng Diyos ang lahat yaong nasa langit. Dahil sa mga pagkakaiba sa pagitan ng langit at daigdig, hindi tinatawag ang mga mamamayan ng langit na “mga tao,” pero tinatawag silang “mga espiritu” ng Diyos. Mayroong mga pangunahing pagkakaiba ang dalawang salitang ito, at ngayon ang mga tinutukoy na “mga tao” ay lahat napasama ni Satanas, habang ang “mga espiritu” ay hindi. Sa katapusan, babaguhin ng Diyos ang lahat ng mga tao sa daigdig para magkaroon ng mga katangian ng mga espiritu sa langit at hindi na pasasailalim sa panggugulo ni Satanas. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob My holiness has gone abroad throughout the universe.” “Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit.” Ito ang sinasabi sa pagtukoy sa mga taong mayroong mga espiritu ng anghel, at sa pagkakataong iyon muling makakayang magkakasamang mamumuhay nang mapayapa ang mga anghel at mapanunumbalik ang kanilang orihinal na katayuan, at hindi na mahahati sa pagitan ng dalawang kaharian ng langit at daigdig dahil sa katawang-tao. Makakayang makipagtalastasan ng mga anghel sa daigdig sa mga anghel sa langit, malalaman ng mga tao sa daigdig ang mga hiwaga ng langit, at malalaman ng mga anghel sa langit ang mga lihim ng mundo ng tao. Magkakaisa ang langit at daigdig na walang agwat sa pagitan ng mga ito. Ito ang kagandahan ng pagsasakatuparan ng kaharian. Ito ang nais ng Diyos na gawing ganap, at ito rin ang isang bagay na inaasam ng lahat ng mga tao at mga espiritu. Pero walang alam dito ang mga nasa relihiyosong mundo. Naghihintay lang sila kay Jesus na Tagapagligtas sa isang puting ulap upang kunin ang kanilang mga kaluluwa, iniiwan ang “basura” sa lahat ng dako sa daigdig (mga bangkay ang tinutukoy na basura). Hindi ba ito isang pagkaunawa ng lahat ng mga tao? Kaya nga sinabi ng Diyos: “Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi wawasakin ng Aking awtoridad sa lupa?” Dahil sa pagiging ganap ng bayan ng Diyos sa daigdig babaligtarin ang relihiyosong mundo. Ito ang tunay na kahulugan ng “awtoridad” na sinabi ng Diyos. Sinabi ng Diyos: “Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso.” Ito ang Kanyang sinabi tungkol sa kahihinatnan ng pagwasak sa relihiyosong mundo, na magpapasakop lahat sa harap ng trono ng Diyos dahil sa Kanyang mga salita at hindi na maghihintay para bumaba ang puting ulap o panoorin ang kalangitan, pero malulupig sa harap ng trono ng Diyos. Kaya, “lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso”—ito ang kalalabasan ng relihiyosong mundo, na malulupig lahat ng Diyos, at ito lang ang tinatawag na pagka-makapangyarihan ng Diyos—pinababagsak ang mga relihiyosong mga tao, ang pinaka-mapanghimagsik sa sangkatauhan, upang hindi na sila kailanman manghawak sa kanilang sariling mga pagkaunawa, pero makikilala nila ang Diyos.
Bagaman paulit-ulit na naihula ng mga salita ng Diyos ang kagandahan ng kaharian, nagkapagsalita ng ibat ibang aspeto nito at isinalarawan ito mula sa ibat ibang pangmalas, hindi pa rin nito lubusang maipapahayag bawat kalagayan sa Kapanahunan ng Kaharian dahil ang kakayanan ng mga tao para tumanggap ay napakakulang. Nasabi na ang lahat ng mga salita ng Kanyang mga pagbigkas, pero hindi natitingnan ang mga ito ng mga tao sa pamamagitan ng isang lente, na naakay ang mga taong maging di-malinaw pa rin at hindi nakauunawa, at nagiging malabo at nalilito pa nga. Ito ang pinakamalaking depekto ng laman. Bagaman sa kanilang mga puso, nais ng mga taong mahalin ang Diyos, nilalabanan nila Siya dahil sa panggugulo ni Satanas, kaya paulit-ulit na hinihipo ng Diyos ang mga manhid at hangal na mga puso ng mga tao upang mapanumbalik sila. Ang kapangitan ni Satanas ang lahat lang na inilalantad, kaya mas malulupit ang Kanyang salita, mas napapahiya si Satanas, at mas hindi nakakayang magapos ang mga puso ng mga tao, at mas maaaring maantig ang pag-ibig ng mga tao. Ganito kung paano gumagawa ang Diyos. Dahil nailalantad na si Satanas at dahil naaaninag na ito, hindi na ito nangangahas na sakupin ang mga puso ng mga tao, at kaya hindi na nagugulo ang mga anghel. Sa ganitong paraan nila minamahal ang Diyos nang kanilang buong puso at isip. Kaya sa gayon lang ipinapakita nila na ang kanilang tunay na kulay ay pagpanig sa Diyos at pagmamahal sa Diyos. Tangi lang sa pamamagitan ng landas na ito matatamo nila ang kalooban ng Diyos. “May naitalagang lugar sa loob ng kanilang mga puso na para sa Akin. Hindi Ko na tutugunan ng pagkamuhi at pagtatakwil ang mga tao, dahil natapos na ang dakila Kong gawain at wala nang humahadlang nito.” Ito ang pakahulugan kung ano ang inilarawan sa itaas. Dahil sa panggugulo ni Satanas, hindi nakakatagpo ang mga tao ng panahon para mahalin ang Diyos, lagi silang nasasalabid ng mga bagay sa mundo, at nalilinlang ni Satanas kaya kumikilos sila mula sa kalituhan. Kaya nasasabi ng Diyos na ang sangkatauhan ay “dumanas sila ng napakaraming kahirapan ng buhay, napakaraming kaapihan mula sa mundo, napakaraming mga tagumpay at kabiguan ng mundo, ngunit ngayon sila’y nananahan sa Aking liwanag. Sino ang hindi umiiyak sa mga kawalan ng hustisya sa nakaraan?” Pagkatapos marinig ng mga tao ang mga salitang ito nararamdaman nilang parang kapareha nila ang Diyos sa pamimighati, nakikiramay sa kanila, at sa panahong iyon ay idinudulog ang Kanyang mga suliranin sa tao. Bigla nilang nararamdaman ang sakit ng mundo ng tao at nag-iisip: “Hindi ba totoo iyan—wala ako’ng natatamasang anuman sa mundo. Simula nang lumabas ako sa sinapupunan ng aking ina hanggang ngayon nararanasan ko ang buhay ng tao at wala ako’ng nakakamtang anuman, pero kapansin-pansing nagdurusa ako. Talagang hungkag ito! At ngayon talagang napasama ako ni Satanas! O! Kung hindi dahil sa pagliligtas ng Diyos, kapag sumapit ang oras ng aking kamatayan hindi ba’t nakapamuhay ako ng isang buong habambuhay na walang kabuluhan? Mayroon bang anumang kahulugan ang buhay ng tao? Hindi nakapagtataka na sinabi ng Diyos na lahat sa ilalim ng araw ay hungkag. Kung hindi ako niliwanagan ng Diyos ngayon ako pa rin sana ay nasa kadiliman. Kahabag-habag ito!” Kapag naiisip nila ito nagkakaroon sila ng pagsasaalang-alang sa kanilang puso: “Kung hindi ko makakamtan ang pangako ng Diyos paano ako’ng magpapatuloy na maranasan ang buhay?” Magkakaroon ng isang pag-iyak sa panalangin ang lahat na nagbabasa ng mga salitang ito. Ito’ y sikolohiya ng tao. Kung sinasabi mo na maaaring mabasa ito ng isang tao at hindi magkakaroon ng anumang pagtugon, talagang imposible iyan malibang mayroon silang sakit sa isip. Ibinubunyag ng Diyos ang mga katayuan ng lahat ng uri ng mga tao bawat araw. Kung minsan ibinubunton Niya ang mga hinanakit alang-alang sa kanila. Kung minsan tinutulungan Niya ang mga tao na managumpay at malampasan ang isang partikular na kapaligiran. Kung minsan tinatawag-pansin Niya ang mga pagbabago ng mga tao para sa kanila. Kung hindi, hindi malalaman ng mga tao gaano kalaki ang buhay nila. Kung minsan tinatawag-pansin ng Diyos ang mga karanasan ng mga tao sa realidad, at kung minsan tinatawag-pansin Niya ang kanilang mga kakulangan at kamalian. Kung minsan gumagawa Siya ng mga bagong kinakailangan sa kanila, at kung minsan tinatawag-pansin Niya ang antas ng kanilang pagkaunawa sa Kanya. Gayunman, nasabi rin ng Diyos: “Narinig Ko ang mga salitang sinabi ng mga puso ng napakaraming tao, ang mga kwentong sinabi ng napakaraming tao tungkol sa mga masasakit na karanasan sa kalagitnaan ng kahirapan; Napakarami Kong nakita, sa pinakagipit na kalagayan, na hindi kailan man nagkulang sa paghahandog ng katapatan sa Akin, at napakarami rin ang napanood Ko habang binabagtas nila ang mabatong landas, na nagsumikap upang makahanap ng daang palabas.” Ito’y isang paglalarawan ng mga positibong tauhan. Sa bawat yugto ng “makasaysayang pagsasadula” nagkakaroon ng positibo gayundin ng mga negatibong tauhan, kaya pagkatapos nito, naibubunyag din ng Diyos ang kapangitan ng mga negatibong tauhan. Sa ganitong paraan, tanging sa pamamagitan ng paghahambing ng “mga taksil” na ang di-natitinag na katapatan at walang-takot na katapangan ng “matuwid na mga tao” ay nabubunyag. Mayroong mga negatibong salik sa lahat ng buhay ng mga tao at, walang pasubali, mga positibong salik. Ibinubunyag ng Diyos ang katotohanan tungkol sa lahat ng tao mula sa dalawang aspetong ito upang ibaba ng mga taksil ang kanilang ulo at aminin ang kanilang kasalanan, at upang magpatuloy na maging tapat ang matuwid na tao dahil sa pagpapasigla. Napakalalim ng ipinahihiwatig ng kahulugan ng mga salita ng Diyos. Kung minsan, namamaluktot sa katatawa ang mga tao pagkatapos mabasa ang mga ito at kung minsan, tahimik na napapayuko ang mga ulo. Kung minsan ginugunita nila, kung minsan umiiyak sila nang may kapaitan at inaamin ang kanilang mga kasalanan, kung minsan nag-aapuhap sila, at kung minsan naghahanap sila. Sa kabuuan, mayroong mga pagbabago sa mga pagtugon ng mga tao dahil sa magkakaibang pinagmulan ng mga salita ng Diyos. Kapag nagbabasa ang isang tao ng mga salita ng Diyos, kung minsan maaari pa ngang magkamaling maniwala ang isang nakamasid na maysakit sa isip ang taong iyon. Maaring tingnan mo: “At sa gayon, wala na ang mga palatutol na mga alitan, at sa pagsunod sa mga salitang nagmula sa Akin, ang sari-saring “mga armas” ng modernong panahon ay nawala na rin.” Sapat na maging isang biro sa’yo para sa buong araw ang salitang word “mga armas”, at hindi namamalayan ito, kapag naiisip ng mga tao ang “mga armas” lihim silang natatawa. Tama? Maaari bang hindi ka matatawa dahil dito?
Kapag tumatawa ka, huwag kalilimutang unawain ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan, at huwag kalilimutang makita ang aktuwal na kalagayan ng iglesia: “Bumalik na ang buong sangkatauhan sa normal na kalagayan at nag-umpisa sa isang bagong buhay. Sa bagong kapaligiran, may magandang bilang ng mga tao ang tumitingin sa paligid, sa pakiramdam nila na parang pumasok sila sa isang bagung-bagong mundo, at dahil dito hindi sila agad na makaangkop sa kasalukuyan nilang kapaligiran o diretsong makatumpak sa tamang landas.” Ang mga ito ang mga aktuwal na kalagayan ng iglesia. Huwag masyadong mag-alala na kaagad magkaroon ng pagpasok ang lahat ng tao sa tamang landas. Kapag nakasulong ang gawain ng Banal na Espiritu sa isang partikular na hakbang, lahat makakapasok ang mga tao dito nang hindi namamalayan ito. Kapag nauunawaan mo ang pinakadiwa ng mga salita ng Diyos, malalaman mo kung anong hakbang na ang nagawa ng Kanyang Espiritu. Ang kalooban ng Diyos ay: “tumutulong lang Ako ayon sa mga gawain niyang hindi matuwid, isang karapat-dapat na sukat ng “kaalaman,” ang mas mahusay na paraan upang gabayan ang lahat na pumunta sa tamang landas.” Ito ang paraan ng Diyos ng pagsasalita at paggawa, at ito rin ang tiyak na daan ng pagsasagawa. Pagkatapos nito, tinawag-pansin Niya ang isa pa sa mga katayuan ng sanglibutan para sa mga tao: “Kung ayaw ng mga tao na tamasahin ang kaligayahang nasa Akin, ang tanging magagawa Ko lang ay umayon sa kanilang mga kagustuhan at ipadala sila sa hukay na walang-hanggan.” Puspusang nagsalita ang Diyos at walang kapirasong pagkakataon ang mga tao para magreklamo. Ito mismo ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at tao. Palaging nagsasalita ang Diyos sa tao nang bukas at malaya. Maaaring makita ang Kanyang katapatan sa bawat isa sa Kanyang mga salita, hinahayaan ang mga taong ilagay ang kanilang sarili sa posisyon ng Diyos at hinahayaan din silang makayang “hayagang ipakita ang kanilang damdamin” upang makita ng Diyos kung anong kulay ng bahag-hari ito. Hindi napapurihan ng Diyos kailanman ang pananampalataya o pag-ibig ng sinumang tao, pero palagi Niyang nagagawan ng mga kinakailangan ang mga tao at nailantad ang kanilang kapangitan. Ipinapakita nito kung gaano kaliit ang “katayugan” mayroon ang mga tao at kung paanong nagkukulang ang kanilang “pangangatawan”. Kailangan nilang magkaroon ng higit na “ehersisyo” para mapunan iyon, kaya nga palaging nagagalit ang Diyos sa mga tao. Kapag naihayag na ng Diyos ang buong katotohanan tungkol sa sanglibutan isang araw, magiging ganap ang mga tao, at magiging panatag na ang Diyos. Hindi na lilinlangin ng mga tao ang Diyos at hindi na “tuturuan” sila. Mula sa panahong iyon makakaya ng mga taong “mamuhay sa kanilang sarili,” pero hindi pa ito ang panahon. Marami pa ring “huwad” sa mga tao kaya kailangan nila ng maraming hanay ng mga pagsusuri at mas marami pang “checkpoints” na itatayo upang ang “mga buwis” ng sangkatauhan ay maaaring bayaran sa bawat isa sa mga checkpoints. Kung mayroon pang mga huwad na paninda, kung gayon sasamsamin ang mga ito at hindi maaaring ibenta, at kaya sisirain iyong bunton ng mga ipinuslit na paninda. Hindi ba mabuting bagay na gawin iyon?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento