Ilang beses na nagkatawang-tao ang Diyos? Maaari kayang ilang beses? Bakit kaya nakapagsabi ang Diyos nang maraming beses, “Dati na Akong bumaba sa mundo ng mga tao at naranasan at siniyasat ang kanilang paghihirap, nguni’t hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao”? Maaari kaya na nakapagkatawang-tao ang Diyos nang ilang beses, pero hindi kailanman kahit minsan nakilala ng tao? Hindi iyan ang ibig sabihin ng pangungusap na ito. Sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao ang Diyos, ang layunin Niya ay hindi talaga upang makilala Siya ng tao. Sa halip, isinakatuparan Niya ang Kanyang gawain at nawala pagkatapos na walang nakapansin o nagkaroon ng pagkakataon na makilala Siya. Hindi Niya hinayaan na lubusang makilala Siya ng tao at ganap ding maangkin ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao, kaya hindi masasabing lubos Siyang nagkatawang-tao. Sa unang pagkakatawang-tao, ginamit lang Niya ang makalamang katawan ng isang makasalanang kalikasan para isakatuparan ang gawaing iyon—ang gawaing dahil naganap na, hindi na kailangang banggitin pa. Tulad ng mga taong nagamit ng Diyos sa buong kapanahunan, higit na hindi karapat-dapat na tawaging pagkakatawang-tao ang mga gayong pangyayari. Ngayon, tanging Siya na praktikal na Diyos Mismo, na may panlabas na anyo ng normal na pagkataong itinatago ang ganap na pagka-Diyos sa loob, at ang layunin ay hayaan ang tao na makilala Siya ang lubusang matatawag na pagkakatawang-tao. Ang kahulugan ng unang pagdalaw ng Diyos sa mundong ito ay bumubuo lang ng isang aspeto ng kahulugan ng tinatawag na pagkakatawang-tao ngayon—ang pagdalaw na ito sa anumang paraan ay hindi angkin ang buong kahulugan ng tinatawag ngayong pagkakatawang-tao
Ito ang dahilan kaya sinabi ng Diyos, “nang hindi tinutupad ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.” “Karanasan at pagmamasid ng pagdurusa ng tao” ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos at sa dalawang pagkakatawang-tao, kaya sinabi ng Diyos, “Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinaka-kataas-taasang kapangyarihan.” Kahit naging patotoo sa pangalan ng Diyos ang pagtatayo ng iglesia, hindi pa pormal na nag-umpisa ang gawain—sa ngayon lang masasabing ito ang pagtatayo ng kaharian. Patikim lang ang lahat ng mga nagawa dati, hindi ito ang tunay. Kahit na nasabi na napasok na ang kaharian, wala pa ring nagagawang gawain sa loob nito. Ngayon lang, na ginagawa ang gawain sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos ngayon at pormal na sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain nakapasok sa wakas ang tao sa kaharian. Kaya, “ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita lamang, ito ay isa sa aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.’” Isang angkop na buod ang sipi na ito sa paglalahad sa itaas. Dahil ipinagkaloob ang paglalarawang ito, ipinagpapatuloy ng Diyos na ipakita ang pangkalahatang kalagayan ng sanglibutan, iniiwan ang tao sa kalagayan ng palagiang kaabalahan. “Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok.” Pinamamahalaan ang buhay ng tao ayon sa ilang prinsipiyo at tuntunin, na inilagay sa tamang lugar ng Diyos. Ang mga prinsipiyo at tuntuning ito ay ang mga sumusunod: Magkakaroon ng mga panahon ng kaligayahan, mga sandali ng pagkadismaya at bukod pa riyan, mga panahon ng kadalisayan ng paghihirap upang mabata. Kaya, walang taong mabubuhay ng lantay na kaligayahan o lantay na pagdurusa. Magkakaroon ang bawat buhay ng mga pagtaas at mga pagbaba nito. Sa buong sangkatauhan, hindi lang halatang-halata ang pag-ibig at kahabagan ng Diyos, gayundin ang Kanyang paghatol at ang buo Niyang disposisyon. Maaring sabihin nang ganito: Nakararanas lahat ng tao ng pagsubok ng Diyos, hindi ba? Sa buong malawak na mundong ito, abalang nagpapagal ang buong sanglibutan sa gawain ng paghahanap sa sarili nilang daan. Hindi sila sigurado sa papel na kanilang ginagampanan at ang iba pa nga ay pinipinsala o naiwawala ang kanilang buhay para sa kapakanan ng kanilang tadhana. Maging si Job ay hindi eksepsiyon sa tuntunin: Nakararanas ng pagsubok ng Diyos, gayunma’y isinakatuparangawa pa rin niya ang paghahanap ng kanyang sariling daan. Walang taong makakapanindigan sa mga pagsubok ng Diyos. Dahil sa kanyang kasakiman o kanyang pantaong kalikasan, walang tao ang lubos na nasisiyahan sa kanyang kasalukuyang kalagayan, at walang tao ang maaring manindigan sa mga pagsubok: Gumuguho bawat tao sa ilalim ng paghatol ng Diyos. Kung naging seryoso pa rin ang Diyos sa tao, kung manghahawak pa rin Siya sa gayong mga mahigpit na kahilingan sa tao, magiging tulad ito ng sinabi ng Diyos: “ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig.”
Sa kabila ng katunayan na pormal na nagsimula ang pagtatayo ng kaharian, hindi pa pormal na umaalingawngaw ang pagpupugay sa kaharian—isang hula lang ito ngayon ng darating. Kapag nagawa ng ganap ang lahat ng tao at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, saka magaganap ang panahon kung saan dumadagundong ang pitong kulog. Isang hakbang pasulong ang kasalukuyang araw sa direksiyon ng yugtong iyan, napakawalan na ang pagsalakay sa darating na panahon. Ito ang plano ng Diyos—matutupad ito sa malapit na hinaharap. Gayunman, natupad na ng Diyos ang lahat na nasabi Niya. Kaya, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lang na nanginginig habang papalapit ang paglaki ng tubig: Napipinto na ang huling araw at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Upang makatiyak na matagumpay na isinasakatuparan ang plano ng Diyos, nagbabaaan ang mga anghel sa daigdig, ginagawa ang kanilang sukdulan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Nakapuwesto ang nagkatawang-taong Diyos Mismo sa larangan ng digmaan upang makipagdigma sa kaaway. Saanman nagpapakita ang katawang-tao, kaya nawawasak ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina, wawasakin ng kamay ng Diyos. Lubusang hindi kaaawaan ng Diyos ang Tsina. Makikita ang katibayan ng sumusulong na pagbagsak ng malaking pulang dragon sa patuloy na paggulang ng mga tao. Maliwanag na makikita ito ninuman. Tanda ng pagpanaw ng kaaway ang paggulang ng mga tao. Isang kaunting paliwanag ito kung ano ang pinakakahulugan ng “upang makipaglaban.” Kaya, ipinaalala ng Diyos sa mga tao sa maraming pagkakataon na magbigay ng magagandang patotoo sa Diyos upang pawalang-saysay ang kalagayan ng mga paniniwala, ang kapangitan ng malaking pulang dragon sa mga puso ng mga tao. Ginagamit ng Diyos ang gayong mga paalala para bigyang-buhay ang pananampalataya ng tao at, sa paggawa nito, natutupad ang mga nakamit ng Kanyang gawain. Dahil ito sa nasabi ng Diyos, “Ano ang kayang magawa ng tao? Hindi ba sa halip na Ako dapat ang gumawa nito ng Sarili Ko?” Gayon ang buong sanglibutan. Hindi lang sila walang kakayanan, madali rin silang masiraan ng loob at madismaya. Sa dahilang ito, wala silang kakayanang makilala ang Diyos. Hindi lang pinanunumbalik ng Diyos ang pananampalatay ng tao, palihim din Niyang palaging pinupuspos ang tao ng kalakasan.
Kasunod, nag-umpisang magsalita ang Diyos sa buong sansinukob. Hindi lang inumpisahan ng Diyos ang bagong gawain Niya sa Tsina, nag-umpisa Siyang gawin ang bagong gawain ngayon sa buong sansinukob. Sa yugtong ito ng gawain, dahil nais ng Diyos na ihayag lahat ng Kanyang pagkilos sa buong daigdig upang ang buong sangkatauhan na ipinagkanulo Siya ay bumalik para yumuko sa pagpapasakop sa harap ng Kanyang trono, kaya mayroon pa ring kahabagan at pag-ibig sa loob ng paghatol ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga kasalukuyang pangyayari sa buong mundo upang mayanig ang mga puso ng mga tao, inaantig silang hanapin ang Diyos upang makahugos sila sa Kanya. Kaya sinasabi ng Diyos, “Isa ito sa mga paraan kung saan Ako ay gumagawa, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas sa tao, at kung ano ang ipinaaabot Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig.” Inilalantad ng Diyos ang tunay ng kalikasan ng tao na may isang katumpakan na tumatagos, walang-kapantay, at walang kahirap-hirap. Ipinadarama sa tao na itago ang mukha sa kahihiyan, lubusang napahiya. Sa tuwing nagsasalita ang Diyos, sa paanuman lagi Niyang tinatawag-pansin ang ilang aspeto ng kaabahan ng tao upang, sa kanyang kapanatagan, hindi malilimutan ng tao na makilala ang sarili niya at hindi iniisip na ang pagkilala sa sarili niya bilang lumang tungkulin. Sa pagkakilala sa kalikasan ng tao, kapag hindi tinawag-pansin ng Diyos ang mga kamalian niya kahit isang sandali lang, maaaring maging buktot at arogante ang tao. Kaya, sinasabi ng Diyos ngayon, “Ang sangkatauhan—sa halip na pahalagahan ang mga pangalan na Aking iginawad sa inyo, marami sa inyo, sa katawagang “taga-serbisyo,” ay nagtatanim ng sama ng loob sa inyong mga puso, at sa gayon marami, sa katawagang “Ang Aking bayan,” ay nagbubunga ng pag-ibig sa inyong mga puso. Huwag subukang linlangin Ako—Ang Aking mga mata ay nakikita at tumatagos sa lahat!” Agad kapag nakita ng tao ang pangungusap na ito, dali-dali siyang naaasiwa. Nararamdaman niyang sobrang napaka-kulang-sa-pagka-maygulang ang kanyang mga nakalipas na pagkilos—talagang ang uri ng di-tapat na pakikitungo na nakagagalit sa Diyos. Kamakailan lang ninais niya na bigyang-kasiyahan ang Diyos, pero kahit gustong-gusto niya, kulang siya sa kapangyarihan at hindi alam ang dapat niyang gawin. Walang kamalay-malay, napupuspos siya ng isang panibagong determinasyon. Ito ang bisa ng pagbabasa ng mga salitang ito kapag ang isa ay nasa kapanatagan.
Sa isang banda, sinasabi ng Diyos na hibang si Satanas sa sukdulan, samantalang sa kabilang banda sinasabi rin Niya na hindi nagbabago ng kanilang lumang kalikasan ang karamihan sa mga tao. Mula rito, malinaw na ipinapakita sa pamamagitan ng tao ang mga pagkilos ni Satanas. Kaya, madalas pinaaalala ng Diyos sa tao na huwag maging buktot, baka masila siya ni Satanas. Hindi lang nito inihuhula na maghihimagsik ang ilang tao, higit pa itong isang kampanang pang-alarma na umaalingawngaw para magbabala sa lahat ng tao na madaliang isantabi ang nakalipas at hanapin ang nasa kasalukuyang araw. Walang taong nagnanais na maalihan ng demonyo o mapagtagumpayan ng masasamang espiritu, kaya higit pang babala ang salita ng Diyos at payo sa kanila. Gayunman, kapag lumipat ang karamihan sa mga tao sa kabilang kasalungat na dulo, nagtatalaga ng napakalaking halaga sa bawat huking salita ng Diyos, sinasabi naman ng Diyos, “Ang karamihan ng mga tao ay naghihintay para magbunyag Ako ng higit pang mga misteryo para sa ikasisiya ng kanilang mga mata. At kahit na, kung maunawaan mo ang lahat ng mga hiwaga ng langit, ano ang maaari mong gawin sa mga kaalamang iyan? Madadagdagan ba nito ang iyong pag-ibig para sa Akin? Mapag-aalab ba nito ang pagmamahal mo sa Akin?” Mula rito malinaw na hindi ginagamit na tao ang salita ng Diyos para makilala ang Diyos at mahalin ang Diyos, pero sa halip ay upang magdagdag sa mga imbakan ng kanyang “maliit na kamalig.” Kaya, ang paggamit ng Diyos sa pariralang “ikasisiya ng kanilang mga mata” upang ilarawan ang pagkasukdulan ng tao ay nagsasalamin kung paanong hindi lubusang malinis ang pag-ibig ng tao sa Diyos. Kung hindi inilantad ng Diyos ang mga hiwaga, hindi masyadong magbibigay ng malaking pagpapahalaga ang tao sa Kanyang mga salita, kundi sa halip sulyap lang ang ibibigay sa mga ito, isang nasilayan, parang humahanga sa mga bulaklak habang nangangabayo. Hindi sila maglalaan ng panahon upang tunay na magbulay-bulay at magnilay-nilay sa Kanyang mga salita. Hindi tunay na itinatangi ng karamihan sa mga tao ang salita ng Diyos. Hindi sila puspusang nagsusumikap na kumain at uminom ng Kanyang mga salita, kundi sa halip di-interesadong pinapasadahan ang mga ito. Bakit nagsasalita ngayon ang Diyos sa isang naiibang paraan kaysa tulad noon? Bakit di-maunawaang wika ang lahat ng ito? Halimbawa, “koronahan” sa “hindi Ko kailanman basta na lamang koronahan ang mga tao ng mga tatak na ito,” “pinaka-dalisay na ginto” sa “Mayroon bang kahit sino ang maaaring makatanggap sa kanyang sarili ng pinaka-dalisay na ginto na kung saan gawa ang Aking mga salita,” Ang dati Niyang pagbanggit ng “pamamaraan” sa “na hindi dumaan sa anumang pamamaraan ni Satanas” at ng iba pang gayong parirala. Hindi nauunawaan ng tao kung bakit nagsasalita ang Diyos sa ganitong paraan. Hindi nila makuha kung bakit nagsasalita ang Diiyos sa gayong pabiro, nakakatawa at nakapupukaw na paraan. Ito mismo ang pagpapamalas ng layunin ng pananalita ng Diyos. Mula sa talagang pasimula hanggang ngayon, ang tao ay palaging hindi kayang unawain ang salita ng Diyos at na tila para bang ang salita ng Diyos ay talagang lubhang mabigat at mahigpit. Sa pagdagdag ng katiting na klase ng pagpapatawa—pagdagdag ng kaunting biro paminsan-minsan—napapagaan Niya ang kalagayan sa pamamagitan ng Kanyang salita at hinahayaan paanuman ang tao na mapahinga ang kanilang mga kalamnan. Sa paggawa nito, nakakamtan Niya ang isang mas matinding epekto, nauudyukan ang tao na lahat magmuni-muni sa salita ng Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Talababa:
a. “Pagkatapos ni Cristo” ay nangangahulugang “AD (Addo Domini).”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento