Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

26 Agosto 2019

III. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw

III. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw

1. Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).

“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

03 Mayo 2019

Mga Klasikong Salita tungkol sa Paghahayag ng Diyos sa Gawain ng Kapanahunan ng Biyaya

32. Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal-na-kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal-na-kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

04 Pebrero 2019

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain.

27 Hulyo 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (4)

       Ang kapayapaan at kagalakan na Aking sinasalita sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng mga pinaniniwalaan mo at nauunawaan. Iniisip mo dati na ang kapayapaan at kagalakan ay nangangahulugan ng pagiging masaya buong araw, sa kawalan ng sakit at kasawian sa iyong sambahayan, palaging nagagalak sa iyong puso, nang walang mga pakiramdam ng kalungkutan, at isang hindi mailarawan na kagalakan sa loob mo maging anuman ang lawak ng iyong sariling buhay. Iyon ay karagdagan sa umento sa sahod ng iyong asawa at ang iyong anak na lalaki na papasok lang sa pamantasan. Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, nanalangin ka sa Diyos, nakita mo na ang biyaya ng Diyos ay napakadakila, ikaw ay napakasaya na umaabot ang iyong ngiti sa magkabilang tainga, at hindi mo mapigilan ang pagpapasalamat sa Diyos. Ang gayong kapayapaan at kagalakan ay hindi tunay na kagalakan at kapayapaan, ni hindi ito ang kapayapaan at kagalakan sa pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Ito ang kapayapaan at kagalakan ng kasiyahan ng iyong laman. Dapat mong maunawaan kung ano na ang kapanahunan sa kasalukuyan; ngayon ay hindi ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi na ang panahon nang ang hinahanap mo ay punuin ang iyong tiyan ng tinapay. Maaaring umaapaw ang iyong galak sapagkat maayos ang lahat sa iyong sambahayan, ngunit ang iyong buhay ay naghihingalo--at kung gayon, hindi alintana kung gaano man katindi ang iyong kagalakan, ang Banal na Espiritu ay hindi sumasaiyo. Ang pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu ay simple: gawin mo ang dapat mong gawin nang maayos, gampanan ang tungkulin at ginagawa ng tao nang mabuti, magawang sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na iyong kailangan at punan ang iyong mga pagkukulang. Kung ikaw ay palaging mayroong kabigatan sa iyong buhay, at masaya sapagkat nakakita ka ng isang katotohanan o naintindihan ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, ito ay totoong pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu. Maaaring ikaw ay masakop ng kabalisahan kapag ikaw ay nakasasagupa ng isang bagay na hindi mo nalalaman kung paano mararanasan, o kapag hindi mo magawang makita ang isang katotohanan na ibinahagi--pinatutunayan nito na ang Banal na Espiritu ay kasama mo; ito ay karaniwang kalagayan sa karanasan sa buhay. Kailangan mong maintindihan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu at ang hindi pagkakaroon ng presensiya ng Banal na Espiritu, at hindi dapat maging masyadong karaniwan ang iyong pananaw ukol dito.

21 Hunyo 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”



  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. …At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw.”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

07 Hunyo 2018

Awit ng Papuri | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos


I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

28 Marso 2018

Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos!
Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw; 
Huwag maalangan o mahiya.
Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda, 
tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya.
Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso,
isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw.
Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo.
Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan,
Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

26 Marso 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”

      Sa loob ng libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinusumbatan ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya.

09 Marso 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos 



Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!

04 Marso 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos (A Cappella)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos (A Cappella)

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko’y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo
nang dahil sa’Yong pagpapala.
Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

01 Marso 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus."

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan —Ang Liwanag ng Kaligtasan






04 Disyembre 2017

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos


Ang Diyos ay may 6,000-taong plano ng pamamahala, 
nahati sa tatlong yugto na tinawag na kapanahunan.
Una'y Kapanahunan ng Kautusan, saka Kapanahunan ng Biyaya,

at Kapanahunan ng Kaharian ang huling yugto.
Kahit magkakaiba mga gawain ng Diyos, lahat nauukol sa kailangan ng tao,
para mas tumpak, ukol sa mga panlilinlang ni Satanas sa paglaban sa Kanya.

Ito'y upang ibunyag dunong at pagka-makapangyarihan ng Diyos, 
at upang ilantad kasamaan ni Satanas,
turuan mga nilalang pag-ibahin mabuti't masama, 
at makilala Diyos Mismo Pinuno ng lahat ng mga bagay,
makitang malinaw na si Satanas ang kalaban ng tao, 
na siya'y masama, isang isinumpa,
na malaman ng tao mabuti't masama, katotohana't kasinungalingan, 
banal at masagwa, at dakila't mababa.
Layunin ng gawain ng Diyos ay pagkatalo ni Satanas,
upang ibunyag dunong at kapangyarihan ng Diyos,
at upang ilantad mga panlilinlang ni Satanas,
sa gayon tao'y iligtas sa kanyang sakop, 
upang tao'y iligtas sa kanyang sakop.
Gawing saksi sa Kanya ang mangmang na sangkatauhan:
Hindi “Diyos” ang nagdala ng katiwalian sa tao,
at tanging Diyos Mismo, Panginoon ng sangnilikha,
makapagbibigay sa tao mga bagay na matatamasa't kaligtasan.
Ito ay upang malaman nila na ang Diyos ang Namumuno sa lahat ng bagay,
na si Satanas ay isa lamang sa Kanyang nilalang, 
na sa huli'y nagpasyang talikuran Siya.

Ang 6000-taong plano ng Diyos ay hinati sa tatlong yugto,
upang makamit ang mga sumusunod:
upang hayaan mga nilalang Niyang maging mga saksi Niya, 
upang malaman kalooban Niya, at makitang Siya ang katotohanan,
upang malaman kalooban Niya, at makitang Siya ang katotohan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos 


Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!