Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ginising Ako ng mga Salita ng Diyos
Miao Xiao Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong
Noong nakaraan, parati kong iniisip na nung sinabi ng Diyos na “sunud-sunuran at taksil na lumalayo sa dakilang puting luklukan”, tinutukoy Niya ang mga taong tinatanggap ang yugto ng gawain na ito ngunit nauuwi sa pag-atras dahil ayaw nilang tiisin ang pagdurusa mula sa Kanyang pagkastigo at paghatol. Kaya, sa tuwing nakakakita ako ng mga kapatid na umaatras mula sa landas na ito sa anumang dahilan, ang aking puso ay napupuno ng pagkasuklam sa kanila: Ayan na naman ang isa pang tau-tauhan at taksil na tumatakas mula sa dakilang tronong puti na makakatanggap ng kaparusahan ng Diyos. Kasabay nito, palagay ko na kumikilos ako nang wasto sa pagtanggap ng paghatol ng Diyos at hindi malayong makatanggap ng pagliligtas ng Diyos.
Isang araw, nung ako ay nagsasagawa ng espiritwal na debosyon, nakita ko ang mga sumusunod na salita ng Diyos sa tekstong “Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”: “sapagkat ang diwa ng gayong gawain ay ang mismong gawain sa paglalantad ng katotohanan, daan, at buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na isinagawa ng Diyos. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga katotohanang ito at palaging iisiping iwasan ang mga ito o isang bagong paraang hiwalay sa mga ito, masasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na magdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, masasabi Kong ikaw ang sumusubok na takasan ang paghatol. Isa kang sunud-sunuran at taksil na lumalayo sa dakilang puting luklukan, at hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalong mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa Diyos upang mahatulan at dinalisay na ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Siyempre, ito ay sa hinaharap.” Matapos kong pagnilay-nilayan ang mga salitang ito, napagtanto ko sa wakas: Lumalabas na ang mga tau-tauhan at taksil na lumalayo mula sa dakilang tronong puti ay hindi lamang tumutukoy sa mga umaatras mula sa landas na ito. Mas mahalaga, ito ay tumutukoy sa mga taong sumusunod sa Diyos ngunit hindi pinahahalagahan ang mga katotohanang ito, mga taong parating umiiwas sa mga katotohanang ito, na naghahanap ng bagong daan palabas na labas sa mga katotohanang ito, at ayaw isuko ang kanilang mga sarili para sa pagkastigo at paghatol ng Diyos at maghangad na padalisayin ng Diyos. Sa ilalim ng pagbibigay-liwanag at pamamatnubay ng Diyos, nagsimula akong magnilay-nilay sa aking sariling pag-uugali: Ipinapahayag na ngayon ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hatulan ang tao, at nililinis ang tao mula sa mga bagay na hindi naaayon sa Kanya sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino. Ngunit sa harap ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, pagdurusa at pagpipino, parati kong sinusubukang makatakas, umaasang mabilis na ilalayo ng Diyos ang mga ganitong sitwasyon. Hindi ba ito pag-iiwas sa katotohanan at paghahanap ng daan palabas na labas sa katotohanan? Kapag ang mga tao o bagay na dala ng Diyos ay hindi tumutugma sa aking mga personal na pagkakaintindi o kapag ako ay nahuhulog sa isang negatibong sitwasyon, kahit na ang komunikasyon ng mga kapatid ay maaaring makalutas ng aking mga problema, magbigay liwanag sa aking mga maling pagkakaunawa sa Diyos, at makatulong sa aking maibalik ang isang normal na relasyon sa Diyos, ako pa rin ay tumututol at tumatangging makinig. Hindi ba ito, tulad ng sinasabi ng Diyos, ang hindi paghahanap sa katotohanan at hindi pagmamahal sa paraang makakapagpalapit sa akin sa Diyos? Kapag ako ay inaksyunan at pinungusan dahil sa walang interes na paraan ko ng pagsagawa ng aking trabaho, parati akong naghahanap ng dahilan upang ipaliwanag ang sarili ko. Hindi ba ito isang diwang tumatangging tanggapin ang katotohanan?
Madalas kong pakibagayan ang sarili ko sa totoong buhay. Kahit na alam kong ito ang katotohanan, tumatanggi akong ipagkanulo ang aking laman upang maisagawa ito. Ngayon na naiisip ko ito, mas malinaw ko na itong nauunawaan: Ang mga taong tinutukoy ng Diyos na lumalayo mula sa dakilang tronong puti ay hindi lamang tumutukoy sa mga umaalis sa iglesia. Mas mahalaga, ito ay tumutukoy sa ating mga pusong tumatangging tanggapin ang katotohanan at umaayaw sa pagsuko sa paghatol ng Diyos. Ngayon lang ako nagsimulang makaramdam ng takot at panginginig. Kahit na hindi ako umaalis sa iglesia, ang puso ko ay parating umiiwas sa paghatol ng Diyos. Hindi ba ako ang eksaktong tau-tauhan at taksil na lumalayo mula sa upuan ng paghatol ng Diyos? Ngunit naniwala ako na yung mga umaalis sa iglesia lamang ang mga tau-tauhan at taksil na lumalayo sa trono ng Diyos, samantalang ako ay napakalapit nang makatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Nakikita ko na ang aking pagkakaunawa sa salita ng Diyos ay masyadong nasa isang panig lamang at mababaw, at ang aking kaalaman sa gawain ng Diyos ay sobrang kulang. Ngayon, ang mga taong taos-pusong tumatanggap sa pagkastigo at paghatol ng Diyos at may mga disposisyong nakakamit ng pagbabago lamang ang tunay na makakatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Sa halip, ako ay nabubuhay sa aking sariling imahinasyon, hindi nananabik sa katotohanan, hindi umaako ng responsibilidad para sa sarili kong buhay, at wala talagang pangangamba o kakayanan ng madaliang pagkilos. Kung magpatuloy ako nang ganito, hindi ba ako magiging tumpak na tatanggap ng kaparusahan ng Diyos?
Salamat sa pagliliwanag na binigay ng mga salita ng Diyos, ako ay nagising mula sa aking mga sariling pagkakaintindi at imahinasyon, napagtanto na ako ay isang taong ayaw tumanggap ng pagkastigo at paghatol ng Diyos. Naipakita din sa akin nito na ako ay nasa bingit ng panganib.
Mula ngayon, ibibigay ko ang buong puso ko sa Diyos, magpapasailalim sa Kanyang pagkastigo at paghatol, at ibibigay ang buong kakayahan ko upang mahanap ang katotohanan at para sa pagbago ng disposisyon, para ako ay padalisayin at gawing ganap ng Diyos sa lalong madaling panahon.
Hindi ba ito pagtanggap lamang ng paghatol ngunit hindi paghangad na maging dalisay? ...
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento