Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)
Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.
Bilang isa sa mga yaon na nasa kalakhang-lupain ng Tsina na tumanggap sa Espiritu ng Diyos, Aking lubos na nadarama na ang ating kakayahan ay totoong kulang. (Umaasa Ako na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay hindi nakakaramdam ng negatibo dahil dito—ito ang realidad ng sitwasyon.) Sa Aking praktikal na buhay nakita Ko nang maliwanag na kung ano ang mayroon tayo at ano tayo ay hulíng-hulí lahat. Sa mga malalaking aspeto, ito ay kung paano natin dinadala ang ating mga sarili sa ating mga buhay at ating kaugnayan sa Diyos, at sa maliliit na aspeto, ito ay ang bawa’t isang ideya at kaisipan. Lahat ng mga ito ay mga bagay na umiiral nang pang-kinauukulan at ang mga iyon ay mahirap takpan ng mga salita o ng mga bagay na ginuguni-guni. Kaya, pag sinasabi Ko ito ang karamihan ng mga tao ay tumatango at kinikilala ito, at sila ay napapaniwala rito maliban na sila ay isa na walang normal na pangangatwiran. Ang ganyang uri ng tao ay hindi kayang tumanggap ng ganitong uri ng Aking pananaw. Marahil ay hindi Ko talaga alam kung paano ang maging magalang, at Ako ay tuwirang tumutukoy sa ganyang uri ng tao bilang totoong hayop. Ito ay sapagka’t ang ganyang uri ng tao ay pinakamababa sa hanay sa bansa ng malaking pulang dragon—sila ay gaya ng baboy o aso. Ang ganyang uri ng tao ay walang-walang kakayahan, at sila ay hindi karapat-dapat na lumapit sa harapan ng Diyos. Marahil ito ay sapagka’t ang Aking mga salita ay masyadong bastos. Aking kinakatawan ang Espiritu ng Diyos na gumagawa sa Akin at sinusumpa ang ganitong uri ng mistulang-hayop at maruming nilalang, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi napapahina nito. Maaaring wala tayong ganitong uri ng tao sa kalagitnaan natin, nguni’t anuman ang katotohanan, Ako ay naniniwala na ganito dapat pakitunguhan ang ganyang uri ng tao. Ano ang iyong palagay?
Ang libu-libong taon ng imperyo ng malaking pulang dragon ay naging tuluy-tuloy na masama magpahanggang sa ngayon, at dahil palagian nitong nilabanan ang Diyos, sinumpa ng Diyos ang bansang ito at pinakitunguhan ito nang may poot, at pagkatapos niyan ay ipinamahagi ang Kanyang pagkastigo. Ang bansang ito na sinumpa ng Diyos ay napasailalim sa diskriminasyon sa lahi, at ito ay nasa kalagayan pa rin ng pagiging-nahuhulí. Ang bansa na ating sinilangan ay ang lupang tipunan ng maraming maruruming mga espiritu, at samakatuwid sila ay rumaragasang tumatakbo at naghahanap na makapanakop sa lupaing ito. Ito ay humantong sa pagkasira niyaong mga isinilang dito. Ang mga kinasanayan ng mga tao, mga kinagawian, at mga ideya at mga kaisipan ay nahuhuli at makaluma, kaya sila ay nagbubuo ng lahat ng mga uri ng mga paniwala tungkol sa Diyos na hanggang ngayon ay hindi pa nila naiwawaksi. Sa partikular, sila ay kumikilos sa isang paraan sa harap ng Diyos at kumikilos sa isa pang paraan sa Kanyang likuran, pinagkakamalian ang pagdadambana kay Satanas na paglilingkod sa Diyos. Ito ay isang pagpapakita ng pagiging pinakahulí. Ang Diyos ay nakapagsakatuparan ng napakalaking gawain sa kalakhang-lupain ng Tsina at nakapagsalita ng napakarami sa Kanyang mga salita, nguni’t ang mga tao ay lubos pa ring manhid at walang-pakialam. Ginagawa pa rin nila ang kanilang gawain gaya ng dati nilang ginagawa at sila ay ganap na walang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Nang ipinahayag ng Diyos na walang kinabukasan at walang pag-asa, isang iglesia na buháy sa init ng tag-araw ang kaagad na bumagsak tungo sa malamig na taglamig. Ang tunay na mga sarili ng mga tao ay nalantad sa liwanag ng araw at ang kanilang dating pagtitiwala, pagmamahal, at kalakasan ay naglahong lahat nang walang bakas. At ngayon, walang sinumang nakapagpanumbalik sa kanilang kasiglahan. Sinasabi nila sa kanilang mga salita na minamahal nila ang Diyos, at bagaman hindi sila naglalakas-loob na dumaing sa kanilang mga puso, kung anuman basta wala sila ng pag-ibig na iyon. Tungkol ba saan iyon? Palagay Ko ay kikilalanin ang katunayang ito ng ating mga kapatirang lalaki at babae. Nawa ay liwanagan tayo ng Diyos, upang makilala nating lahat ang Kanyang kariktan, ibigin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating mga puso, at ipahayag ang pag-ibig na taglay nating lahat para sa Diyos sa iba’t ibang katayuan; nawa ay ipagkaloob sa atin ng Diyos ang mga pusong hindi lumilihis sa taos na pag-ibig para sa Kanya—ito ang Aking inaasahan. Sa pagkasabing ito, nakadarama Ako ng bahagyang pagdamay para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae na namumuhay rin sa lupaing ito ng karumihan, kaya nagkaroon Ako ng pagkamuhi para sa malaking pulang dragon. Hinahadlangan nito ang ating pag-ibig para sa Diyos at ginagatungan ang ating pagkaganid sa ating panghinaharap na mga pagkakataon. Tinutukso nito tayo na maging negatibo, na lumaban sa Diyos. Ang malaking pulang dragon ang nanlinlang sa atin, ginawa tayong tiwali, at nagwasak sa atin hanggang ngayon, sa punto na hindi natin makayang suklian ng ating mga puso ang pag-ibig ng Diyos. Tayo ay naaantig sa ating mga puso nguni’t sa kabila ng ating mga sarili, wala tayong kapangyarihan. Lahat tayo ay mga biktima nito. Sa kadahilanang ito, namumuhi Ako rito mula sa kaibuturan ng Aking kalooban at hindi Ako makapaghintay na wasakin ito. Gayunpaman, kapag muli Akong nag-iisip, wala ring mangyayari dito at ito ay magdadala lamang ng kaguluhan sa Diyos, kaya bumabalik Ako sa mga salitang ito—itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan sa Kanyang kalooban—ang mahalin ang Diyos. Ito ang landas na Aking tinatahak—ito ang landas na kung saan Ako, ang isa sa Kanyang mga nilalang, ay dapat lumakad. Ganito Ko dapat gugulin ang Aking buhay. Ang mga ito ay mga salita mula sa Aking puso, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makatatamo ng kaunting kalakasan matapos basahin ang mga salitang ito upang ang Aking puso ay makatamo ng kaunting kapayapaan. Dahil ang Aking layunin ay isakatuparan ang kalooban ng Diyos at sa gayon ay isabuhay ang buhay na puspos ng kahulugan at kaningningan, maaari Akong mamatay nang walang pinagsisisihan, na may pusong punô ng kasiyahan at kaginhawahan. Nais mo bang gawin iyan? Ikaw ba ay isa na may ganyang uri ng paninindigan?
Na ang Diyos ay kayang gumawa sa mga yaong tinawag na “Taong Maysakit sa Silangang Asya” ay Kanyang dakilang kapangyarihan. Ito ay Kanyang kapakumbabaan at pagiging-natatago. Sa kabila ng Kanyang marahas na mga salita o pagkastigo tungo sa atin, dapat natin Siyang purihin mula sa kaibuturan ng ating mga puso para sa Kanyang kapakumbabaan, at ibigin Siya hanggang sa katapus-tapusan dahil dito. Ang mga tao na naigapos ni Satanas sa loob ng libu-libong taon ay patuloy na namuhay sa ilalim ng impluwensya nito at hindi ito napatid. Sila ay nagpatuloy sa mapait na pangángápâ at pakikipagtunggali. Sa nakaraan sila ay magsusunog ng insenso, at yuyukod at idadambana si Satanas, at sila ay mahigpit na nakatali sa pamilya at makasanlibutang mga pagkakabuhol gayundin sa mga panlipunang pakikipag-ugnayan. Hindi nila naiwaksi ang mga iyon. Sa ganitong uri ng lipunan na parang mga asong nagkakagatan, saan ba makakasumpong ang sinuman ng makahulugang buhay? Ang salaysay ng mga tao ay isang buhay ng pagdurusa, at sa kabutihang-palad, nailigtas ng Diyos ang mga inosenteng mga taong ito, inilalagay ang ating mga buhay sa ilalim ng Kanyang pangangalaga at Kanyang pag-iingat kaya ang ating mga buhay ay masaya at hindi na punô ng mga alalahanin. Hanggang ngayon ay patuloy tayong nabubuhay sa ilalim ng Kanyang biyaya. Hindi ba ito pagpapala ng Diyos? Paano mangangahas ang sinuman na gumawa ng maluluhong mga paghingî sa Diyos? Ang naibigay ba Niya sa atin ay napakaliit? Kayo ay hindi pa rin nasisiyahan? Aking iniisip: Ang panahon ay dumating na upang suklian natin ang pag-ibig ng Diyos. Bagaman tayo ay dumaranas ng hindi kakaunting pang-aalipusta, panínírà, at pang-uusig dahil tinatahak natin ang landas ng paniniwala sa Diyos, Ako ay naniniwala na ito ay isang makahulugang bagay. Ito ay isang bagay ng kaluwalhatian, hindi kahihiyan, at kung anuman, ang mga pagpapalang ating tinatamasa ay hindi kailanman kakaunti. Sa ‘di-mabilang na mga pagkakataon ng pagkabigo, ang mga salita ng Diyos ay naghatid ng kaginhawahan, at bago natin nalaman, ang kalungkutan ay naging kagalakan na. Sa ‘di-mabilang na mga pagkakataon ng pangangailangan, ang Diyos ay naghatid ng mga pagpapala at tayo ay natustusan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Sa ‘di-mabilang na mga pagkakataon ng karamdaman, ang mga salita ng Diyos ay naghatid ng buhay—tayo ay napalaya mula sa panganib, at bumaling mula sa panganib tungo sa kaligtasan. Ikaw ay nakapagtamasa na ng napakaraming mga bagay gaya ng mga ito nang hindi ito natatanto. Maaari kaya na posibleng hindi mo naaalaala?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento