Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas ... (1)
Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.
Simula nang ang kalakhang-lupain ng Tsina ay pumasok sa daloy na ito ng pagbabawi, ang kanyang mga lokal na iglesia ay unti-unting umunlad, nakasentro sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang Diyos ay walang-tigil na nakagawa sa mga lokal na iglesiang ito sapagka’t ang mga ito ay naging sentro ng Diyos sa bumagsak na pamilyang imperyal. Dahil ang Diyos ay nakapagtatag ng mga lokal na iglesia sa gayong pamilya, walang alinlangan na Siya ay labis-labis ang kasayahan—ito ay isang kagalakan na hindi mailarawan. Pagkatapos magtatag ng mga lokal na iglesia sa kalakhang-lupain ng Tsina at mapalaganap ang mabuting balitang ito sa mga kapatirang lalaki at babae sa ibang mga lokal na iglesia sa buong mundo, ang Diyos ay sabik na sabik—ito ang unang hakbang ng gawain na nais Niyang gawin sa kalakhang-lupain ng Tsina. Maaaring masabi na ito ang unang pagkilos, na nasimulan ng Diyos ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa isang lugar na tulad ng isang lungsod ng mga demonyo na hindi kayang igupo ng anumang bagay, ng sinumang tao—hindi ba’t iyan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos? Maliwanag na para sa pagbabawi ng gawaing ito, hindi-mabilang na kapatirang lalaki at babae ang ginawang martir, namamatay sa ilalim ng pamatay na punyal ng diyablo. Ang pagbanggit dito ngayon ay nagsasanhi ng labis na dalamhati, subali’t sa malaking bahagi, ang mga araw ng pagdurusa ay nakalipas na. Ngayon ay makagagawa Ako para sa Diyos, at nakaya Kong makarating sa kinalalagyan Ko ngayon nang dahil lamang sa kapangyarihan ng Diyos. Malaki ang Aking paghanga para sa mga yaon na pinili ng Diyos para sa pagiging martir—nakaya nilang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos at isakripisyo ang kanilang mga sarili para sa Diyos. Sa prangkang pananalita, kung hindi sa biyaya at habag ng Diyos, matagal na sana akong nahimatay sa putikan. Salamat sa Diyos! Handa Akong ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos, upang hayaan Siya na makapahinga. May mga tao na nagtatanong sa Akin: “Dahil sa Iyong posisyon Ikaw ay hindi dapat mamatay, kaya bakit Ikaw ay masaya kapag binabanggit ng Diyos ang kamatayan?” Hindi Ako sumasagot nang tuwiran; ngumingiti lamang Ako nang bahagya at tumutugon: “Ito ang landas na dapat Kong tahakin, na dapat Kong ganap na sundan.” Hindi nauunawaan ng mga tao ang Aking tugon, kundi nagugulat na tumitingin sa Akin. Sila ay bahagyang naguguluhan sa Akin. Gayunpaman, Ako ay naniniwala na yamang ito ang landas na Aking napili at ito rin ang buong-kapasyahan na naitalaga Ko sa harap ng Diyos, sa gayon kahit na gaano pang kalaki ang mga paghihirap, masigasig lamang Akong gumagawa upang magpatuloy dito. Aking iniisip: Ito ay isang pangako na dapat panindigan ng isang naglilingkod sa Diyos. Hindi nila maaaring bawiin ang kanilang sinabi kahit kaunti. Ito ay isa ring tuntunin, isang panuntunan na matagal nang itinalaga, sa Kapanahunan ng Kautusan, na dapat maunawaan ng isang naniniwala sa Diyos. Sa Aking karanasan, ang Aking kaalaman tungkol sa Diyos ay hindi malaki at ang Aking praktikal na karanasan ay napakaliit, hindi man lamang karapat-dapat na mabanggit, kaya’t hindi Ako makapagsasalita sa anumang napakataas na mga palagay. Gayunpaman, ang mga salita ng Diyos ay dapat na panindigan, at hindi ito maaaring labanan. Sa totoo lang, ang Aking sariling praktikal na karanasan ay hindi malaki, nguni’t dahil sinasaksihan Ako ng Diyos at ang mga tao ay palaging bulag na sumasampalataya sa Akin, anong magagawa Ko? Maaari Ko lamang ipalagay ang Aking sarili na hindi-mapalad. Gayunpaman, umaasa pa rin Ako na itutuwid ng mga tao ang kanilang mga pananaw sa pag-ibig sa Diyos. Sa Aking sarili, Ako ay wala, dahil Ako ay tumatahak din sa daan ng pananampalataya sa Diyos, at ang landas na Aking nilalakaran ay walang iba kundi ang landas ng paniniwala sa Diyos. Ang isang mabuti ay hindi dapat pag-ukulan ng pagsamba—sila ay maaari lamang gumanap bilang halimbawa upang sundan. Hindi Ko pinakikialaman kung ano ang ginagawa ng iba, nguni’t ipinahahayag Ko sa mga tao na nagbibigay rin Ako ng kaluwalhatian sa Diyos; hindi Ko ibinibigay ang kaluwalhatian ng Espiritu sa katawang-tao. Ako ay umaasa na mauunawaan ng bawa’t isa ang Aking damdamin tungkol dito. Ito ay hindi pag-iwas sa Aking pananagutan, kundi ito lamang ang buong kasaysayan. Ito ay isang bagay na dapat maging lubos na malinaw, at sa pagsulong ay hindi na ito kailangang mabanggit pang muli.
Ngayon, Ako ay tumanggap ng pagliliwanag mula sa Diyos. Ang gawain ng Diyos sa lupa ay ang gawain ng pagliligtas; ito ay hindi kaugnay sa anupamang bagay. Maaaring may mga tao na mag-iisip nang kasalungat, nguni’t lagi Kong nadarama na ang Banal na Espiritu ay gumagawa lamang ng isang yugto ng gawain ng pagliligtas, at wala ng iba pang gawain. Dapat itong maging malinaw. Ngayon lamang na ang gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa kalakhang-lupain ng Tsina ay naging malinaw—bakit nanaisin ng Diyos na buksan ang lahat ng landas at gumawa sa lugar na ito kung saan ang mga demonyo ay rumaragasang tumatakbo kung saan-saan? Makikita mula rito na ang gawain na ginagawa ng Diyos ay pangunahing ang gawain ng pagliligtas. Upang maging mas tiyak, ito ay pangunahing ang gawain ng paglupig. Mula sa simula ang pangalan ni Jesus ay tinawag. (Marahil ay hindi pa ito naranasan ng ilan, nguni’t Aking sinasabi na ito ay isang hakbang ng gawain ng Banal na Espiritu.) Ito ay upang humiwalay sa Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya, kaya isang bahagdan ng mga tao ang pinili sa pauna, at kalaunan ang mga piniling yaon ay pinaunti. Pagkatapos noon, ang pangalang Witness Lee ay tinawag sa kalakhang-lupain ng Tsina—ito ang ikalawang bahagi ng gawain ng pagbabawi sa kalakhang-lupain ng Tsina. Ito ang unang hakbang ng gawain kung saan ang Banal na Espiritu ay nagsimulang pumili ng mga tao, na upang unang tipunin ang mga tao, maghintay para sa pastor na mangangalaga sa kanila, at ang pangalang “Witness Lee” ay ginamit upang ganapin ang serbisyong iyon. Personal na ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagsaksi sa pangalang “ang Makapangyarihan” at bago iyon, ito ay nasa isang yugto ng paghahanda. Kaya, hindi mahalaga kung iyan ay tama o mali, at hindi ito ang pangunahing usapin sa loob ng plano ng Diyos. Matapos ang pagsaksi tungkol sa pangalang “ang Makapangyarihan,” opisyal na sinimulan ng Diyos na personal na gawin ang Kanyang sariling gawain at pagkatapos noon, ang Kanyang mga gawa bilang Diyos sa katawang-tao ay opisyal na nagsimula. Sa pamamagitan ng pangalang “ang Makapangyarihang Panginoon,” Siya ang pumigil sa lahat niyaong mga rebelde at suwail, at sila ay nagsimulang magtaglay ng wangis ng mga tao, gaya lamang ng kapag ang isa ay pumapasok sa kanilang ika-dalawampu’t tatlo o ika-dalawampu’t apat na taon, sila ay nagsisimulang magmukhang gaya ng isang tunay na may-gulang. Iyan ay, ang mga tao ay kasisimula pa lamang na magkaroon ng buhay ng isang normal na tao, at sa pamamagitan ng hakbang ng mga taga-serbisyo, ang gawain ng Diyos ay sadya nang pumasok sa yugto ng pagganap ng dibinong gawain. Maaaring masabi na ang yugtong ito lamang ng gawain ang siyang sentro ng malaking bahagi ng Kanyang gawain at na ito ang pangunahing hakbang ng kanyang gawain. Nakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili at namumuhi sa kanilang mga sarili. Sila ay nakarating sa punto kung saan nakakaya nilang sumpain ang kanilang mga sarili, sila ay nasisiyahan na itatwa ang kanilang sariling mga buhay at sila ay mayroong bahagyang pandama sa kariktan ng Diyos. Sa ganitong pundasyon kanilang nakikilala ang tunay na kahulugan ng buhay. Ito ay pagkakamit sa kalooban ng Diyos. Ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina ay malapit nang matapos. Matagal nang isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang mga paghahanda sa lupaing ito ng karumihan sa loob ng maraming mga taon, subali’t hindi pa kailanman nakarating ang mga tao sa punto na kanilang narating ngayon. Ibig sabihin nito ay ngayon lamang nakapagsimula nang pormal ang Diyos sa Kanyang sariling gawain. Hindi na kailangang tumungo sa detalye tungkol dito; hindi na ito kailangang ipaliwanag ng mga tao. Ang yugtong ito ng gawain ay walang alinlangang ginagawa nang tuwiran sa pamamagitan ng pagka-Diyos ng Diyos, nguni’t isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng tao. Walang sinumang maaaring itanggi ito. Ito ay tiyak na dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lupa na ang Kanyang gawain ay maaaring makarating sa lawak na narating nito sa kasalukuyan sa mga tao ng lupaing ito ng kalaswaan. Ang bunga ng gawaing ito ay maaaring madala kahit saan upang mapapaniwala ang mga tao. Walang sinumang maglalakas-loob na basta-basta humatol dito at itanggi ito.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento