Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian.
Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali. Sa madaling salita, ang pamamahala ng Diyos sa tao ay nag-umpisa bilang resulta ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at hindi nagmula sa gawain ng paglikha sa mundo. Pagkatapos lamang na ang tao ay nagkaroon ng tiwaling disposisyon kaya ang gawain ng pamamahala ay dumating sa pag-iral, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay sumasaklaw sa tatlong bahagi, sa halip na apat na mga yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag ang huling panahon ay malapit nang matapos, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay darating na sa ganap na katapusan. Ang konklusyon ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang natapos, at narating na ng sangkatauhan ang katapusan ng kanyang paglalakbay. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, hindi rin magkakaroon ng tatlong mga yugto ng gawain. Tiyak na ito ay dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil ang sangkatauhan ay nasa gayong madaliang pangangailangan ng kaligtasan, na winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahong iyon pa lamang nag-umpisa ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugang sa panahong iyon lamang nag-umpisa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugang paggabay sa buhay ng sangkatauhan, bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhang hindi pa nagiging tiwali). Bagkus, ito ang pagliligtas ng isang sangkatauhan na natiwali ni Satanas, na ibig sabihin, ito ay ang pagpapabagong-anyo sa tiwaling sangkatauhang ito. Ito ang kahulugan ng pamamahala sa sangkatauhan. Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang paglikha ng mundo, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi nagsasama sa gawain ng paglikha sa mundo, at kabilang lamang ang tatlong mga yugto ng gawain na hiwalay mula sa paglikha sa mundo. Upang maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong mga yugto ng gawain—ito ang dapat malaman ng lahat upang maligtas. Bilang mga nilalang ng Diyos, dapat ninyong kilalanin na ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat kilalanin ang pinagmulan ng katiwalian ng tao, at, bukod doon, dapat kilalanin ang paraan ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kung nalalaman lamang ninyo kung paano kumilos nang ayon sa doktrina upang makamtan ang pabor ng Diyos, nguni’t walang alam tungkol sa kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o sa pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, kung gayon ito ang inyong kakulangan bilang isang nilalang ng Diyos. Hindi ka lamang dapat makuntento sa pagkaunawa sa mga katotohanang maaaring maisagawa, habang nananatiling mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung ito ang katayuan, ikaw ay masyadong dogmatiko. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang napapaloob na kasaysayan ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong sansinukob, ang pinakamalaking hiwaga sa gitna ng buong sangkatauhan, at siya ring saligan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung ikaw ay nakatuon lamang sa pag-unawa ng mga payak na katotohanan na may saysay sa iyong buhay, at walang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng mga hiwaga at mga pangitain, kung gayon hindi ba ang iyong buhay ay tulad ng isang sirang produkto, walang silbi kundi ang matingnan lamang?
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawaing pamamahala ay umiral lamang dahil sa sangkatauhan, na nangangahulugang naibunga lamang ito ng pag-iral ng sangkatauhan. Walang pamamahala bago ang sangkatauhan, o sa pasimula, nang ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay nilikha. Kung, sa buong gawain ng Diyos, ay walang pagsasagawa na kapaki-pakinabang sa tao, na ang ibig sabihin, kung ang Diyos ay hindi gumawa ng mga angkop na mga kinakailangan sa tiwaling sangkatauhan (kung, sa gawaing ginawa ng Diyos, ay walang angkop na landas para sa pagsasagawa ng tao), kung gayon ang gawaing ito ay hindi matatawag na pamamahala ng Diyos. Kung ang kabuuan ng gawain ng Diyos ay kinapapalooban lamang ng pagsasabi sa tiwaling sangkatauhan kung paano nila gagampanan ang kanilang pagsasagawa, at hindi isinakatuparan ng Diyos ang alinman sa Kanyang sariling sapalarang-gawain, at hindi nagpamalas ng kahit katiting ng Kanyang walang-hanggang kapangyarihan o karunungan, kung gayon gaano man kataas ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao, gaano man katagal namuhay ang Diyos kasama ng mga tao, walang malalaman ang tao tungkol sa disposisyon ng Diyos; kung ito ang kalagayan, ang ganitong uri ng gawain ay mas lalong hindi karapat-dapat na tawaging pamamahala ng Diyos. Sa madaling salita, ang gawain ng pamamahala ng Diyos ay gawaing ginagawa ng Diyos, at ang lahat ng gawain na isinasakatuparan niyaong mga nakamit ng Diyos sa ilalim ng Kanyang paggabay. Ang ganoong gawain ay maaaring buuin bilang pamamahala, at tumutukoy sa gawain ng Diyos sa mga tao, gayundin ang pakikipagtulungan sa Kanya ng lahat ng mga tagasunod Niya; ang lahat ng ito ay maaaring tawagin nang buo na pamamahala. Dito, ang gawain ng Diyos ay tinatawag na mga pangitain, at ang pakikipagtulungan ng tao ay tinatawag na pagsasagawa. Habang tumataas ang gawain ng Diyos (iyon ay, kung gaano kataas ang mga pangitain), mas nagagawang malinaw sa tao ang disposisyon ng Diyos, at mas kasalungat ito ng mga pagkaintindi ng mga tao, at mas mataas ang pagsasagawa at pakikipagtulungan ng tao. Habang tumataas ang mga hinihingi sa tao, mas nagiging kasalungat ng mga pagkaintindi ng tao ang gawain ng Diyos, at bilang bunga nito ang mga pagsubok sa tao, at ang mga pamantayang hinihingi sa kanya na maabot, ay tumataas din. Sa pagtatapos ng gawaing ito, ang lahat ng mga pangitain ay naging ganap na, at yaong kinakailangan na isagawa ng tao ay narating na ang rurok ng kasakdalan. Ito rin ang magiging panahon kung kailan ang lahat ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri, sapagka’t yaong dapat malaman ng tao ay naipakita na sa tao. Kaya’t kapag naabot ng mga pangitain ang kasukdulan, ang gawain ay malapit na ring matapos, at naabot na rin ng pagsasagawa ng tao ang tugatog nito. Ang pagsasagawa ng tao ay batay sa gawain ng Diyos, at ang pamamahala ng Diyos ay lubos na naihahayag lamang dahil sa pagsasagawa at pakikipagtulungan ng tao. Ang tao ang pantawag-pansin ng gawain ng Diyos at ang tao ang layon ng mga gawain sa pamamahala ng Diyos, at ang bunga ng buong pamamahala ng Diyos. Kung mag-isang gumawa ang Diyos, at wala ang pakikipagtulungan ng tao, kung gayon walang magsisilbing pagbubuu-buo ng Kanyang buong gawain, at sa paraang ito walang magiging kabuluhan sa pamamahala ng Diyos ni katiting man. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagpili ng angkop na pag-uukulan na nasa labas ng gawain ng Diyos, at na maaaring magpahayag ng gawaing ito, at magpatunay sa walang-hanggang kapangyarihan at karunungan nito, maaaring makamit ang layunin ng pamamahala ng Diyos, at makamit ang layunin ng paggamit ng lahat ng gawaing ito upang talunin si Satanas. Kaya’t ang tao ay isang bahagi na hindi maaaring mawala sa gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang tao lamang ang makakagawa sa pamamahala ng Diyos na magbunga at makamit ang sukdulan nitong layunin; kung wala ang tao, walang ibang anyo ng buhay ang makagaganap sa ganoong papel. Kung ang tao ang magiging tunay na pagkakabuu-buo ng gawaing pamamahala, kung gayon ang hindi pagsunod ng tiwaling sangkatauhan ay kailangang lubos na mawala. Kailangang bigyan ang tao ng pagsasagawa na angkop sa iba’t ibang panahon, at na ang Diyos ay magsasagawa ng katumbas na gawain sa gitna ng tao. Tanging sa paraang ito makakamtan sa kahuli-hulihan ang isang kalipunan ng tao na siyang pagkakabuu-buo ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi maaaring magpatotoo sa Diyos Mismo sa pamamagitan lamang ng gawain ng Diyos; ang mga ganoong patotoo ay nangangailangan din ng mga buhay na tao na angkop sa Kanyang gawain nang sa gayon ito ay makamit. Gagawa muna ang Diyos sa mga taong ito, na kung saan sa pamamagitan nila ang Kanyang gawain ay maihahayag, kaya ang gayong patotoo sa Kanyang kalooban ay matataglay sa gitna ng mga nilalang. At dito, makakamtan ng Diyos ang layunin ng Kanyang gawain. Hindi mag-isang gumagawa ang Diyos upang matalo si Satanas dahil hindi Niya kayang tuwirang magpatotoo para sa sarili Niya sa gitna ng lahat ng mga nilalang. Kung ito ay gagawin Niya, magiging imposible na lubusang hikayatin ang tao, kaya nararapat na gumawa ang Diyos sa tao upang siya ay lupigin, at saka lamang Siya magkakamit ng patotoo sa gitna ng lahat ng mga nilalang. Kung gagawang mag-isa ang Diyos, at wala ang pakikipagtulungan ng tao, o kung hindi inatasan ang tao na makipagtulungan, kung gayon hindi magagawang makilala ng tao ang disposisyon ng Diyos, at magpakailanmang magiging walang kamalayan sa kalooban ng Diyos; sa paraang ito, hindi ito matatawag na gawain ng pamamahala ng Diyos. Kung magsisikap lamang sana ang tao mismo, at maghahanap, at gagawa nang maigi, nguni’t hindi niya naunawaan ang gawain ng Diyos, pinaglalaruan lamang ng tao ang kanyang sarili. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, yaong ginagawa ng tao ay kay Satanas, siya ay suwail at gumagawa ng masama; naihahayag si Satanas sa lahat ng ginagawa ng tiwaling sangkatauhan, at walang anumang kaayon sa Diyos, at ang lahat ay kahayagan ni Satanas. Wala sa mga nasabi na ang para lamang sa mga pangitain at pagsasagawa. Sa saligan ng mga pangitain, hinahanap ng tao ang pagsasagawa, hinahanap niya ang landas ng pagsunod, nang sa gayon ay maisasantabi niya ang kanyang mga pagkaintindi at makakamit yaong mga bagay na hindi pa niya nataglay sa nakalipas. Kinakailangan ng Diyos na makipagtulungan ang tao sa Kanya, na ang tao ay ganap na magpasakop sa Kanyang mga kinakailangan, at hinihingi ng tao na mamasdan ang gawaing ginagawa ng Diyos Mismo, upang maranasan ang kapangyarihan ng Diyos, at malaman ang disposisyon ng Diyos. Ang mga ito, sa kabuuan, ay ang pamamahala ng Diyos. Ang pagsasanib ng Diyos at ng tao ay ang pamamahala, at ang pinakadakilang pamamahala.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento