Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?
Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).
“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito” (Mateo 23:29-36).
“Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang Sali’t-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi” (Marcos 7:6-9).
Malinaw na makikita sa mga salita ng Panginoong Jesus na naglantad sa mga Fariseo, na ang mga gawain ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ay sumuway sa Diyos at kinalaban Siya. Nilabag nila ang mga kautusan at utos ng Diyos at sinunod lang nila ang mga tradisyon ng relihiyon. Sapat nang patunay ito na ang paglilingkod nila sa Diyos ay talagang pagsuway sa Kanya, at na ipinagkanulo nito ang kalooban ng Diyos. Lalo na noong panahon ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, mabangis nila Siyang tinuligsa at sinuway, at ang kanilang likas na pagkatao at diwa ay inilantad nang lubusan. Samakatwid ay makikita na ang pangunahing dahilan na humantong sa kapanglawan ng Judaismo ay sinuway at kinalaban ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ang Diyos. Ang isa pa ay na nalipat na ang gawain ng Diyos. Lampas pa sa templo, inilunsad na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ibig sabihin, isinulong ng gawain ng Diyos ang pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang buod ng gawain ng Diyos ay nagpatuloy sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang masimulan na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya at nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan. Yaon lamang mga tumanggap sa Panginoong Jesus ang naimpluwensyahan ng Banal na Espiritu at pinatnubayan ng Panginoon, samantalang natural na yaong mga nanatili sa templo, na nagwaksi, sumuway at tumuligsa sa Panginoong Jesus, ay pinabayaan sa gawain ng Diyos, nasadlak sa kadiliman at dumanas ng mga sumpa at parusa ng Diyos. Samakatwid, masasabi natin nang may katiyakan na ang kapanglawan ng lahat ng relihiyon noong Kapanahunan ng Kautusan ay talagang idinulot ng tao at iyon ay dahil napalayo ang mga lider ng mga relihiyon sa landas ng Panginoon, hindi sila sumunod sa mga utos ng Panginoon, ipinagkanulo nila ang kalooban ng Diyos at kinalaban ang Diyos. Kung nagpatuloy ang mga pinunong Judio sa landas ng Panginoon at sumunod sa mga utos ng Panginoon, nagpunta pa kaya ang Panginoong Jesus sa ilang para mangaral at gumawa? Nagpunta pa kaya Siya sa mga walang pananalig para hanapin yaong mga susunod sa Diyos? Talagang hindi. Tiyak na pumasok muna ang Panginoong Jesus sa templo at sa mga sinagoga para mangaral, na nagpapakita sa tao at ginagawa ang Kanyang gawain. Kaya bakit hindi ito ginawa ng Panginoong Jesus? Maliwanag na ito ay dahil hindi tinanggap ng mga nasa loob ng templo at mga sinagoga ang Panginoong Jesus, kundi sa halip ay tinuligsa at sinuway Siya, at nagpunta sa lahat ng dako para subukang arestuhin Siya. Dahil dito, wala nang ibang nagawa ang Panginoong Jesus kundi magtungo sa ilang para mangaral at gumawa at makihalubilo sa mga walang pananalig para hanapin ang mga susunod sa Kanya. Malinaw na nakikita ng lahat ng matalinong tao ang katotohanang ito. Ngayon, nauunawaan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya tingnan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Nakikita nating lahat na inuuna ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga huling araw ang pangangaral ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya sa loob ng mga simbahan. Madalas nilang gamitin ang kanilang mga paliwanag tungkol sa Biblia para magpasikat at magyabang para sambahin sila ng iba, at hindi nila sinusunod ang mga salita o kautusan ng Panginoong Jesus at hindi tumatahak sa landas ng Panginoon. Bihira silang mangaral tungkol sa pagpasok sa buhay at hindi nila inaakay ang mga tao kailanman na ipamuhay o danasin ang mga salita ng Panginoon sa paraan na mauunawaan nila ang katotohanan at magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa Panginoon, para lumayo sa landas ng Panginoon ang lahat ng nananalig sa relihiyon. Maaari pa nga na maraming taon na silang nananalig sa Panginoon, subalit ang nauunawaan lang nila ay ang kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya, wala man lang kaalaman tungkol sa Panginoon, walang pagpipitagan sa Kanya, walang pagsunod, dahil lubos na napalayo sa mga salita ng Panginoon at naging mga tao na nananalig sa Kanya pero hindi Siya kilala, at may kakayahang suwayin at ipagkanulo ang Panginoon. Mula rito makikita na ang mga lider ng mga relihiyon ay lubos nang napalayo sa landas ng Panginoon, na nagresulta sa pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu at mga pagpapala ng Diyos; masasabi na ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon. Ang isa pang dahilan ay na nalipat na ang gawain ng Diyos at nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao na gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, at base sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at itinatag na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang buod ng gawain ng Banal na Espiritu ay nalipat na sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at yaon lamang mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ang magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu at magtatamasa ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Yaong mga hindi nakakasunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos at ayaw tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay nawalan na ng gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sa kadiliman. Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon lalo na, na nahaharap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ay hindi lang ito hindi hinahanap o sinisiyasat, kundi mabangis din nilang sinusuway at tinutuligsa ang Diyos, ikinakalat ang lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan para linlangin at kontrolin ang mga nananalig, at hinahadlangan nila ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Matagal na nilang pinalubha ang disposisyon ng Diyos at kinamuhian at isinumpa sila ng Diyos, kaya paano bang hindi sila pababayaan at pupuksain ng Diyos? Nakita na natin ngayon na mula nang lumitaw ang “Apat na Buwan na Naging Dugo” hindi magtatagal ay magsisimula na ang malalaking kalamidad. Lahat ng hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay tiyak na daranas ng mga kalamidad at doon ay daranas ng pagkastigo at pagpipino, samantalang yaong mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay yaong mga nadala bago sumapit ang mga kalamidad. Yaong mga hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay daranas lamang ng mga kalamidad at maghihintay na madala pagkaraan ng mga kalamidad. Hindi ba pababayaan at pupuksain ng Panginoon ang gayong mga tao? Pagkaraan ng kalamidad, ilang tao ang matitira para madala? Ngayon, halos lahat ng relihiyon ay kontrolado ng grupong ito ng mga pastor at lider na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos, kaya paano nito matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu sa sitwasyong ito? At paano sana nito naiwasang maging mapanglaw? Ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon.
Nauunawaan na namin ngayon na ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon ay ang mga lider ng mga relihiyon na hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoon, kundi bagkus ay napalayo sila sa Kanyang landas, hindi nila sinusunod ang Kanyang mga utos, lubos nilang nilabag ang kalooban ng Diyos at naging suwail sila sa Kanya. Pangalawa, dahil ang mga lider ng mga relihiyon ay naging mga suwail sa Diyos at wala ni isa sa kanila ang gustong tumanggap o sumunod sa Kanyang gawain, sa gayo’y nalipat ang Kanyang gawain, at nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sila sa kadiliman. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noon, bakit hindi Siya nangaral sa templo? Kasi lahat ng punong saserdote at elder sa templo ay mga taong sumuway sa Panginoon. Kung ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa templo, palalayasin lang Siya at tutuligsain, o agad aarestuhin at ipapako sa krus—hindi ba totoo iyan? Ito ang pangunahing dahilan kaya nalipat ang gawain ng Diyos. kung tumalima ang mga punong saserdote at elder sa templo sa mga salita ng Panginoon at naglingkod sa Diyos alinsunod sa Kanyang kalooban, paano naging mapanglaw ang templo? At paano nalipat ang gawain ng Diyos? Sabihin mo sa akin, hindi ba ganito ang nangyari? Tinutupad din nang lubusan ng kapanglawan ng mga relihiyon ang propesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon” (Amo 4:7-8). “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amo 8:11). Mula sa dalawang talatang ito ng banal na kasulatan mauunawaan natin na ang “isang bayan” sa “pinaulan sa isang bayan” ay tumutukoy sa simbahan kung saan nagpapakita ang Diyos na nagkatawang-tao at ginagawa ang Kanyang gawain, at ang “kabilang bayan” sa “hindi ko pinaulan sa kabilang bayan” ay natural na tumutukoy sa mga relihiyon na hindi nakikinig sa mga salita ng Diyos, hindi sumusunod sa Kanyang mga utos at tinatanggihan, sinusuway at tinutuligsa ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Nagpasapit ng taggutom ang Diyos sa mga relihiyon para pilitin ang mga miyembro doon na tunay na nananalig sa Kanya at nagmamahal sa katotohanan na talikuran ang relihiyon, hanapin ang mga yapak ng gawain ng Diyos, hanapin ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa lahat ng simbahan at hangarin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang matatalinong birhen at yaong mga nadala sa harap ng luklukan ng Diyos. Ang mga taong ito ay pawang dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero at nagtatamasa ng pagtustos ng tubig na buhay ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan; ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ay naibalik na at nagsasanay silang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, sinusunod at dinaranas ang mga salita ng Diyos, at magkakaroon ng pang-unawa tungkol sa katotohanan at makakapasok sa realidad. Kapag naunawaan ng mga taong ito ang katotohanan at nagkaroon sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, magagawa nilang magpitagan at sumunod sa Diyos, at sa ganitong paraan ay magtatamo ng bagong buhay mula sa Diyos! Lahat ng relihiyon o taong iyon na hindi tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay kinamumuhian, iwinawaksi at pinupuksa ng Diyos, at wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu—walang kaduda-duda iyan! Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya” (“umating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos” (“Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Malinaw nating nakikita mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi iwinaksi ng Diyos kailanman ang mga taos na nananalig sa Kanya at nananabik sa Kanyang pagpapakita. Sa pamamagitan ng Kanyang pagiging makapangyarihan at karunungan, inililigtas ng Diyos ang mga taos na nananalig sa Kanya kaya lumalayo sila sa gapos at kontrol ng mga anticristo at masasamang tao ng mga relihiyon, at pinapangyari Niya na maiangat sila sa harap ng luklukan ng Diyos at mahatulan, mapadalisay at magawang perpekto ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga mga huling araw ang Kanyang gawain ng paghatol at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, para makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang mga kalamidad, dahil ang mga ito ang Kanyang mga unang bunga, at tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila'y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4). Matapos gawin ng Diyos ang grupong ito ng mga mananagumpay, pansamantalang tatapusin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, pagkatapos ay magpapababa ng malalaking kalamidad ang Diyos para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Sa panahong iyon, lahat ng hindi pa tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay pawang daranas ng kalamidad at dahil doon ay magdurusa sa pagpipino na mahatulan at makastigo. Magagawa lang tayong perpekto at mananagumpay ng Diyos kapag tinalikuran natin ang relihiyon, sinabayan ang mga yapak ng Kordero, tinanggap at sinunod ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nahatulan at napadalisay sa harap ng luklukan ni Cristo, at doon lang tayo hindi magdaranas ng mga pagsubok samantalang lahat ng nasa lupa ay kailangang magdanas niyon. Ang mga mananagumpay lang na ito na nagawa ng Diyos—ang mga unang bungang ito—ang karapat-dapat na magmana ng pangako at mga pagpapala ng Diyos! Nakagawa na ngayon ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa mainland China, at sa papalapit na malalaking kalamidad, lahat ng mga tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay daranas ng mga kalamidad at mapaparusahan, at mawawalan ng pagkakataong maligtas magpakailanman.
mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento