Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto.
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Paano Makatatanggap…Pahayag ng Diyos…sa Kanyang Pagkaintindi?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses ... na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao."
Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.
Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya, Siya'y nagkakatawang-tao't nananahan sa tao, saka lang sila maaring maging, kanyang katiwala't matalik na kaibigan. Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin? Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.
Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo. Hindi marami ang makapagsasalita ukol sa praktikal na mga bagay, at totoong napakadalang na kunin ninuman ang timon. Bagamat ang mga sermon ay matatayog, bihirang may sinumang nagkaroon ng anumang pagpasok. Kakaunting mga tao ang nagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napapaluha sila kapag tinatanggap nila ang salita ng Diyos at nagiging masaya kapag isinasantabi nila ito; sila ay nanlulumo at nalulumbay kapag sila ay lumayo mula rito. Sa tapatang pananalita, hindi ninyo talaga pinahahalagahan ang salita ng Diyos, at hindi ninyo kailanman nakita ang mga salita mula sa Kanyang sariling bibig sa kasalukuyan bilang isang kayamanan. Kayo ay nababalisa lamang kapag binabasa ang Kanyang salita, at nadarama na masyadong nakapapagod kapag kinakabisa ito, at pagdating sa pagsasagawa sa Kanyang salita, kagaya lang ito ng pagharap sa isang walang katapusang imposibleng gampanin—kayo ay walang determinasyon. Kayo ay palaging pinalalakas kapag binabasa ang salita ng Diyos, ngunit makakalimutin kapag isinasagawa ito. Ang totoo, ang mga salitang ito ay hindi kailangang salitain nang buong ingat at ulitin nang buong tiyaga; nakikinig lamang ang mga tao ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, kaya ito ay naging balakid para sa gawain ng Diyos. Hindi Ko maaaring banggitin ito, hindi Ako maaring magsalita ukol rito. Hindi Ako kinumbinsi na gawin ito; hindi sa natutuwa Akong ibunyag ang kahinaan ng iba. Iniisip ba ninyo na ang inyong pagsasagawa ay sasapat at iniisip ninyo na kapag ang mga pagbubunyag ay nasa tugatog na, na kayo ay pumasok na rin sa gayong tugatog? Hindi ninyo kailanman siniyasat kung saan ang inyong mga karanasan ay itinatag sa dakong huli. Sa sandaling ito, ang inyong mga pagtitipon ay ganap na hindi matatawag na isang akmang buhay sa iglesia, ni ito ay isang angkop na espirituwal na buhay kailanman. Ito ay pagtitipon ng isang pangkat ng mga tao na natutuwa sa pakikipagkuwentuhan at pag-aawitan. Sa tuwirang pananalita, walang gaanong katotohanan rito. Sa pagsasabi nito nang bahagyang mas malinaw, kung hindi ka nagsasagawa, nasaan ang katotohanan? Hindi ba pagyayabang na sabihin na mayroon kang katotohanan? Yaong mga palaging nagsasagawa ng gawain ay arogante at mapagmataas, habang yaong mga palaging sumusunod ay nananahimik at pinananatiling nakatungo ang kanilang mga ulo, nang walang anumang pagkakataon para sa pagsasagawa. Ang mga tao na gumagawa ng gawain ay walang ginagawa kundi magsalita, nagpapatuloy sa kanilang matatayog na mga pananalita, at ang mga tagasunod ay nakikinig lamang. Walang pagbabago na maaaring tukuyin; ang mga ito ay mga pamamaraan lamang ng nakaraan! Sa kasalukuyan, ang iyong pagpapasailalim at hindi pangangahas na manghimasok o manahimik nang kusa ay dahil sa pagdating ng mga administratibong kautusan ng Diyos; hindi ito pagbabago na iyong pinagdaanan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan. Ang katotohanan na maraming mga bagay ang hindi mo gagawin sa ngayon na nagawa mo na sana kahapon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay totoong kapansin-pansin na nilupig nito ang mga tao. Maitanong Ko lamang sa sinuman, gaaano karami sa iyong naisakatuparan na sa kasalukuyan ang natamo sa pamamagitan ng pawis ng iyong sariling pagsisikap? Gaano karami rito ang tuwirang sinabi sa iyo ng Diyos? Paaano ka sasagot? Ikaw ba ay matutulala at hindi makapagsasalita? Ikaw ba ay mang-iinsulto? Bakit nagagawa ng iba na magsalita tungkol sa marami nilang mga karanasan upang pagkalooban kayo ng panustos, habang basta mo na lamang tinatamasa ang mga pagkain na niluto ng iba? Hindi ka ba nakadarama ng kahihiyan? Hindi ka ba nahihiya?
Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.
Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.