Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.
Sinasabi ng ilang mga tao na sinubukan nilang ibigin ang Diyos ngunit hindi nila magawa, At nang marinig nila na ang Diyos ay papaalis na saka sila nagkaroon ng pag-ibig sa Kanya. Ang ilang mga tao sa pangkalahatan ay hindi nagsasagawa ng katotohanan, at kapag narinig nila na ang Diyos ay papaalis na sa galit ay humaharap sila sa Kanya at nananalanging: “O Diyos! Pakiusap huwag Kang umalis. Bigyan Mo ako ng pagkakataon! Diyos! Ikaw ay hindi ko napaluguran noong nakaraan; ako ay nagkautang sa Iyo at lumaban sa Iyo. Sa kasalukuyan nakahanda akong ganap na ialay ang aking katawan at puso upang sa wakas Ikaw ay aking mapaluguran at ibigin Ka. Hindi na ako muling magkakaroon ng gayong pagkakataon.” Ginawa mo ba ang gayong uri ng panalangin? Kapag mananalangin ang isa sa ganitong paraan ito ay dahil pinukaw ng mga salita ng Diyos ang kanilang konsensya. Ang lahat ng mga tao ay manhid at mapurol ang pag-iisip. Sila ay nakalaan sa pagkastigo at pagpipino subalit hindi nila nalalaman kung ano ang isinasakatuparan ng Diyos. Kung hindi gumawa ang Diyos sa ganitong paraan, ang mga tao ay nalilito pa rin; walang sinuman ang makapupukaw sa mga espirituwal na damdamin sa mga puso ng mga tao. Tanging ang mga salita ng paghatol at pagbubunyag ng Diyos sa mga tao ang makapagbubunga sa gayon. Kaya, ang lahat ng mga bagay ay natatamo at natutupad dahil sa mga salita ng Diyos, at dahil lamang sa Kanyang mga salita na napukaw ang pag-ibig ng sangkatauhan para Sa Diyos. Kung iniibig lamang ng mga tao ang Diyos batay sa kanilang sariling mga konsensya hindi sila makakikita ng anumang mga resulta. Hindi ba ibinatay ng mga tao ang kanilang pag-ibig sa Diyos sa kanilang mga konsensya sa nakaraan? Mayroon bang kahit isang tao na nagkusang ibigin ang Diyos? Tanging sa pamamagitan ng paghikayat ng mga salita ng Diyos na inibig nila ang Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao: “Sinusunod ko ang Diyos sa loob ng maraming mga taon at tinamasa ang napakarami sa Kanyang mga biyaya, napakaraming mga pagpapala. Ako ay sumailalim sa pagpipino at paghatol mula sa Kanyang mga salita. Kaya marami akong naunawaan, at nakita ko ang pag-ibig ng Diyos. Kailangan ko Siyang pasalamatan, kailangan kong tumbasan ang Kanyang biyaya. Paluluguran ko ang Diyos sa pamamagitan ng kamatayan, at ibabatay ko ang aking pag-ibig sa Kanya sa aking konsensya.” Kung ang mga tao ay aasa lamang sa mga damdamin ng kanilang mga konsensya, hindi nila madadama ang kagandahan ng Diyos; kung umaasa lamang sila sa kanilang mga konsensya, ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay magiging mahina. Kung magsasalita ka lamang ukol sa pagbabayad sa biyaya at pag-ibig ng Diyos, hindi ka magkakaroon ng anumang pagganyak sa iyong pag-ibig sa Kanya; ang pag-ibig sa Kanya batay sa mga damdamin ng iyong konsensya ay isang di-aktibong paglapit. Bakit Ko sinasabi na ito ay isang di-aktibong paglapit? Ito ay isang praktikal na usapin. Anong uri ng pag-ibig ito? Hindi ba ito pagtatangkang linlangin ang Diyos at nagpapatianod lamang sa Kanya? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na walang gantimpala sa pag-ibig sa Diyos, at ang isa ay kakastiguhin din naman sa hindi pag-ibig sa Kanya, kaya sa pangkalahatan ang hindi pagkakasala lamang ay sapat na. Kaya ang pag-ibig sa Diyos at ang pagganti sa Kanyang pag-ibig batay sa mga damdamin ng konsensya ng isa ay isang di-aktibong paglapit, at hindi ito pag-ibig sa Diyos na nanggagaling nang kusa mula sa puso ng isa. Ang pag-ibig sa Diyos ay dapat na isang tunay na damdamin mula sa kaibuturan ng puso ng isang tao. Sinasabi ng ilang mga tao: “Ako mismo ay nakahandang hangarin ang Diyos at sundin Siya. Ngayon gusto akong iwanan ng Diyos ngunit nais ko pa ring sundin Siya. Gusto man Niya ako o hindi, iibigin ko pa rin Siya, at sa huli kailangan kong kamtin Siya. Iniaalay ko ang aking puso sa Diyos, at hindi alintana kung ano man ang Kanyang ginagawa, susundin ko Siya sa kabuuan ng aking buhay. Maging anuman, kailangan kong ibigin ang Diyos at kailangan ko Siyang makamit; hindi ako magpapahinga hangga’t hindi ko Siya nakakamit.” Taglay mo ba ang ganitong uri ng kalooban?
Ang landas ng paniniwala sa Diyos ay ang landas ng pag-ibig sa Kanya. Kung naniniwala ka sa Kanya kailangan mo Siyang ibigin; gayunman, ang pag-ibig sa Kanya ay hindi lamang tumutukoy sa pagbabayad sa Kanyang pag-ibig o pag-ibig sa Kanya batay sa mga damdamin ng konsensya—ito ay isang dalisay na pag-ibig para sa Diyos. May mga pagkakataon na ang mga tao na umaasa lamang sa kanilang mga konsensya at hindi nila nadarama ang pag-ibig ng Diyos. Bakit palagi Kong sinasabing: “Nawa’y antigin ng Espiritu ng Diyos ang ating mga espiritu”? Bakit hindi Ako nagsalita ukol sa pag-antig ng mga konsensya ng mga tao upang ibigin ang Diyos? Ito ay dahil hindi nadadama ng mga konsensya ng mga tao ang kagandahan ng Diyos. Kaya kung ikaw ay hindi kumbinsido sa gayong mga salita, maaari mong gamitin ang iyong konsensya upang madama ang Kanyang pag-ibig, at magtataglay ka ng ilang pagganyak sa sandaling iyon ngunit ito ay mawawala pagkatapos. Kung gagamitin mo lamang ang iyong konsensya upang madama ang kagandahan ng Diyos, taglay mo ang pagnanais kapag ikaw ay nanalangin, ngunit pagkatapos noon ito ay lilipas, ito ay mawawala. Bakit ganoon? Kung ang gamit mo lamang ay ang iyong konsensya hindi mo mapupukaw ang iyong pag-ibig para sa Diyos; kung talagang nadadama mo ang kagandahan ng Diyos sa iyong puso, ang iyong espiritu ay aantigin Niya, at sa gayong pagkakataon lamang magagampanan ng iyong konsensya ang kanyang orihinal na papel. Na ang ibig sabihin, kapag ang mga tao ay inantig ng Diyos sa kanilang mga espiritu at kapag ang kanilang mga puso ay nagkamit ng kaalaman at kasiglahan, iyon ay, pagkatapos nilang magkamit ng karanasan, sa gayon lamang nila magagawang mabisang ibigin ang Diyos gamit ang kanilang mga konsensya. Ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng iyong konsensya ay hindi mali—ito ang pinakamababang antas ng pag-ibig sa Diyos. Ang paraan ng sangkatauhan ukol sa pag-ibig na bahagya lamang pinahahalagahan ang biyaya ng Diyos ay hindi talaga mauudyukan ang kanilang kasiglahan sa pagpasok. Kapag natamo ng mga tao ang ilan sa mga gawain ng Banal na Espiritu, iyon ay, kapag nakita nila at natikman ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang praktikal na karanasan, kapag mayroon silang ilang kaalaman ukol sa Diyos at tunay na nakikita na ang Diyos ay totoong karapat-dapat sa pag-ibig ng sangkatauhan at kung gaano Siya karilag, sa gayon lamang nagagawa ng mga tao na ibigin nang tunay ang Diyos.
Kapag kinakausap ng mga tao ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, kapag nagawa ng kanilang mga puso na ganap na magbalik sa Kanya, ito ang unang hakbang ng pag-ibig ng tao para sa Diyos. Kung nais mong ibigin ang Diyos, kailangan mo munang magawang ibalik ang iyong puso sa Kanya. Ano ang pagbabalik ng iyong puso sa Diyos? Ito ay kapag ang lahat ng iyong hinahangad sa iyong puso ay para sa kapakanan ng pag-ibig at pagkakamit sa Diyos, at ipinakikita nito na ganap mo nang naibalik ang iyong puso sa Diyos. Maliban sa Diyos at sa Kanyang mga salita, halos wala ng iba pa sa iyong puso (sambahayan, kayamanan, asawang lalaki, asawang babae, mga anak o iba pang mga bagay). Kung mayroon man, hindi sila makapananahan sa iyong puso, at hindi mo iisipin ang iyong hinaharap na mga inaasahan ngunit hahangarin mo lamang ang pag-ibig sa Diyos. Sa gayong pagkakataon naibaling mo na nang ganap ang iyong puso sa Diyos. Kung ikaw ay gumagawa pa rin ng mga panukala para sa iyong sarili sa iyong puso kung gayon hinahangad mong palagi ang iyong sariling personal na pakinabang: “Kailan ako makagagawa ng munting kahilingan sa Diyos? Kailan magiging mayaman ang aking sambahayan? Paaano ako makakakuha ng ilang magandang damit? …” Kung ikaw ay nabubuhay sa gayong kalagayan ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi pa ganap na nakabalik sa Diyos. Kung taglay mo lamang ang mga salita ng Diyos sa iyong puso at nakakapanalangin ka sa Diyos at nagiging malapit sa Kanya sa lahat ng mga pagkakataon, na parang Siya ay talagang malapit sa iyo, na parang ang Diyos ay nasa loob mo at ikaw ay nasa loob Niya, kung ikaw ay nasa loob ng gayong kalagayan, nangangahulugan ito na ang iyong puso ay nasa harapan na ng Diyos. Kung ikaw ay nananalangin sa Diyos at kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita sa araw-araw, at palaging iniisip ang ukol sa gawain ng iglesia, kung nagpapakita ka ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, ginagamit ang iyong puso upang mahalin Siya nang tunay at mapaluguran ang Kanyang puso, kung gayon ang iyong puso ay pag-aari ng Diyos. Kung ang iyong puso ay tinatahanan ng maraming bilang ng ibang mga bagay, kung gayon ito ay tinatahanan pa rin ni Satanas at ito ay hindi tunay na ibinaling sa Diyos. Kapag ang puso ng sinuman ay tunay na ibinaling tungo sa Diyos, magkakaroon sila ng tunay, kusang pag-ibig sa Kanya at magagawang isaalang-alang ang gawain ng Diyos. Bagamat magtataglay pa rin sila ng hangal at walang saysay na mga kalagayan, maaari silang magkaroon ng pagsasaalang-alang para sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos, para sa Kanyang gawain, at para sa isang pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang kanilang puso ay ganap na magiging tama. Palaging iwinawagayway ng ilang mga tao ang bandila ng iglesia maging anuman ang kanilang ginagawa; ang katotohanan ay para ito sa kanilang sariling pakinabang. Ang gayong uri ng tao at hindi nagtataglay ng tamang uri ng layunin. Siya ay mapanlinlang at masama at karamihan sa mga bagay na kanyang ginagawa ay upang hangarin ang kaniyang sariling personal na pakinabang. Hindi hinahangad ng ganitong uri ng tao ang pag-ibig sa Diyos; ang kanyang puso ay pag-aari pa rin ni Satanas at hindi maibabaling sa Diyos. Walang pag-asang makakamit ng Diyos ang gayong uri ng tao.
Ang unang hakbang ng tunay na pag-ibig sa Diyos at ang pagiging nakamit Niya ay ang ganap na pagbaling sa iyong puso tungo sa Diyos. Sa bawat isang bagay na iyong ginagawa, siyasatin mo ang iyong sarili at magtanong: “Ginagawa ko ba ito batay sa isang pusong may pag-ibig para sa Diyos? Mayroon bang anumang pansariling hangarin dito? Ano ang aking tunay na layunin sa paggawa nito?” Kung nais mong ibigay ang iyong puso sa Diyos kailangan mo munang supilin ang iyong sariling puso, bitawan ang lahat ng iyong sariling mga hangarin, at tamuhin ang punto ng pagiging ganap na para sa Diyos. Ito ang landas sa pagsasagawa ng pagbibigay ng iyong puso sa Diyos. Ano ang tinutukoy ng pagsupil sa sariling puso? Ito ay pagbitaw sa mga napakaluhong pagnanasa sa laman ng sinuman, hindi pag-iimbot sa mga biyaya ng katayuan o pag-iimbot sa kaaliwan, ginagawa ang lahat upang mapaluguran ang Diyos, at yaong puso ng isa ay maaaring maging ganap para sa Kanya, hindi para sa sariling kapakanan.
Ang tunay na pag-ibig para sa Diyos ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso; ito ay isang pag-ibig na umiiral lamang sa batayan ng kaalaman ng sangkatauhan ukol sa Diyos. Kapag ang puso ng sinuman ay ganap na ibabaling tungo sa Diyos kung gayon taglay nila ang pag-ibig para sa Diyos, ngunit ang pag-ibig na iyon ay hindi kinakailangang dalisay at hindi kinakailangang buo. Ito ay dahil sa mayroong tiyak na agwat sa pagitan ng puso ng isang tao na lubusang ibinabaling tungo sa Diyos at yaong tao na mayroong isang tunay na pagkaunawa ukol sa Diyos at isang tunay na pagsamba para sa Kanya. Ang paraan para sa sinuman upang matamo ang tunay na pag-ibig ukol sa Diyos at upang malaman ang disposisyon ng Diyos ay ang ibaling ang kanilang puso tungo sa Diyos. Pagkatapos nilang ibigay ang kanilang tunay na puso sa Diyos, magsisimula sila sa pagpasok sa karanasan ng buhay, at sa ganitong paraan ang kanilang disposisyon ay magsisimulang mabago, ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay unti-unting lalago, at ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay unti-unti ring madaragdagan. Kaya ang pagbaling ng puso sa Diyos ay ang paunang kondisyon para sa pagpasok sa tamang landas ng karanasan sa buhay. Kapag inilalagay ng mga tao ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, mayroon lamang silang isang puso na nasasabik sa Kanya ngunit hindi umiibig para sa Kanya, sapagkat wala silang taglay na pagkaunawa sa Kanya. Bagamat sa pangyayaring ito mayroon silang ilang pag-ibig para sa Kanya, ito ay hindi kusa at ito ay hindi tunay. Ito ay dahil sa anumang nanggaling sa laman ng tao ay isang epekto ng damdamin na hindi nagmumula sa tunay na pagkaunawa. Ito ay isa lamang bugso ng damdamin at hindi ito maaaring maging matagalan na pagsamba. Kapag ang mga tao ay walang pagkaunawa sa Diyos maaari lamang nilang ibigin Siya batay sa kanilang sariling mga kagustuhan at sa kanilang indibiduwal na mga paniniwala; ang gayong uri ng pag-ibig ay hindi matatawag na kusang pag-ibig, ni matatawag itong tunay na pag-ibig. Kapag ang puso ng sinuman ay tunay na bumaling tungo sa Diyos, nagagawa nilang mag-isip ukol sa mga interes ng Diyos sa lahat ng bagay, ngunit kung hindi nila taglay ang gayong pagkaunawa wala silang kakayahang magtaglay ng tunay na kusang pag-ibig. Ang tanging nagagawa nila ay tuparin ang ilang mga gampanin para sa iglesia at magsagawa ng kaunti sa kanilang tungkulin, ngunit wala itong pinag-ugatan o batayan. Ang gayong uri ng tao ay mayroong isang disposisyon na mahirap baguhin; silang lahat ay mga tao na hindi hinahangad ang katotohanan, o hindi nauunawaan ito. Kahit na ganap na ibaling ng isang tao ang kanyang puso tungo sa Diyos hindi ito nangangahulugan na ang kanilang pusong umiibig para sa Diyos ay ganap na dalisay, sapagkat yaong mga taglay ang Diyos sa kanilang mga puso ay hindi kinakailangang magtaglay ng pag-ibig sa kanilang mga puso na para sa Diyos. Ito ay may kinalaman sa pagkakaiba sa pagitan ng sinuman na naghahangad o hindi ng pagkaunawa ukol sa Diyos. Sa sandaling ang isang tao ay mayroong pagkaunawa ukol sa Kanya, ipinakikita nito na ang kanilang mga puso ay ganap na ibinaling tungo sa Diyos, ipinakikita nito na ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos sa kanilang mga puso ay kusa. Tanging ang gayong uri ng tao ang taglay ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagbaling ng puso ng sinuman tungo sa Diyos ay isang paunang kondisyon para sa kanila na marating ang tamang landas, para sa pagkaunawa sa Diyos, at para sa pagtatamo ng pag-ibig ng Diyos. Hindi ito isang pananda ukol pagkumpleto ng kanilang tungkulin sa Diyos, ni isa itong pananda sa pagkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Kanya. Ang tanging paraan para sa sinuman na makamit ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang ibaling ang kanilang puso tungo sa Kanya, na siya ring unang bagay na kailangang gawin ng isa sa Kanyang mga nilikha. Yaong mga umiibig sa Diyos ay lahat ng mga tao na naghahangad ng buhay, iyon ay, mga taong naghahangad sa katotohanan at mga tao na tunay na ninanais ang Diyos; taglay nilang lahat ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu at pag-antig Niya. Nagagawa nilang lahat na magabayan ng Diyos.
Kapag nagagawa ng sinuman na madama na may pagkakautang sila sa Diyos ito ay dahil sila inantig sila ng Espiritu; kung nararamdaman nila iyon kung gayon malamang taglay nila ang isang pusong nananabik at magagawang maghangad ng pagpasok sa buhay. Ngunit kapag ikaw ay huminto sa isang partikular na hakbang, hindi ka makapagpapatuloy nang husto; naroroon pa rin ang panganib ng pamamalagi sa lambat ni Satanas, at sa sandaling marating nito ang isang takdang panahon ikaw ay mabibihag ni Satanas. Itinutulot ng pagpapalinaw ng Diyos na makilala ng mga tao ang kanilang mga sarili, at pagkatapos noon tutulutan silang madama ang kanilang pagkakautang sa Diyos, at madadama ang kahandaan na makipagtulungan sa Kanya at upang itakwil ang mga bagay na hindi nakagagalak sa Kanya. Ito ang panuntunan ng gawain ng Diyos. Kayong lahat ay nakahanda na hangaring lumago sa inyong mga buhay at ibigin ang Diyos, kaya inalis mo na ba sa iyong sarili ang iyong paimbabaw na mga pamamaraan? Kung inalis mo lamang sa iyong sarili ang mga pamamaraang iyon at hindi ka naging dahilan ng anumang mga pagkaantala o ipinagmapuri ang iyong sarili, yaon ba ay talagang paghahangad na lumago sa iyong buhay? Kung wala kang taglay na anumang mababaw na mga pag-uugali ngunit hindi ka pumasok sa mga salita ng Diyos, nangangahulugan ito na ikaw ay isang tao na walang anumang kasiglahan sa pag-unlad. Ano ang ugat ng pagkakaroon ng mababaw na mga paggawi? Ang iyo bang mga pagkilos ay para sa kapakanan ng pagpapalago ng iyong buhay? Hinahangad mo ba na maging karapat-dapat bilang isa sa mga tao ng Diyos? Anuman ang pinag-uukulan mo ng pansin ay siyang iyong isinasabuhay; kung magtutuon ka ng pansin sa mga mababaw na mga paraan kung gayon ang iyong puso ay nakatuon sa panlabas, at hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na maghangad ng paglago sa iyong buhay. Kinakailangan ng Diyos ang isang pagbabago sa disposisyon, ngunit palagi mong hinahangad ang mga bagay na panlabas; ang ganitong uri ng tao ay hindi magkakaroon ng pag-asa na baguhin ang kanilang disposisyon! Ang bawat isa ay mayroong isang partikular na paraan bago sila magiging may gulang sa kanilang buhay, kung saan kailangan nilang tanggapin ang paghatol, ang pagkastigo, at ang pagperpekto ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo taglay ang mga salita ng Diyos ngunit umaasa ka lamang sa iyong sariling pagtitiwala at kalooban, ang lahat ng iyong ginagawa ay batay lamang sa sigasig. Iyon ay, kung nais mo ang paglago sa iyong buhay kailangan mong kumain at uminom, at lalong unawain ang mga salita ng Diyos. Lahat ng mga ginawang perpekto ng Kanyang mga salita ay nagagawang isabuhay ang mga ito; yaong mga hindi sumailalim sa pagpipino ng Kanyang mga salita, na hindi sumailalim sa paghatol ng Kanyang mga salita ay hindi magiging akma para gamitin Niya. Kaya hanggang sa anong antas ninyo isinasabuhay ang Kanyang mga salita? Kapag kinakain at iniinom lamang ninyo ang mga salita ng Diyos at nagagawang maihambing ang mga ito sa inyong sariling kalagayan sa buhay, at makahanap ng isang landas sa pagsasagawa sa kabila ng mga usapin na Aking binanggit na magiging tama ang inyong pagsasagawa. Ito rin ay naaayon sa puso ng Diyos. Tanging ang isang mayroong ganitong uri ng pagsasagawa ang siyang may kalooban na ibigin ang Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento