Ang Mga Araw ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang ay ang pagpapatotoo ng isang Kristiyanong dumaranas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Dahil sa pagnanais ng bida na maghangad ng katanyagan at katayuan habang tumutupad ng kanyang tungkulin, nang makita niyang si Brother Li ang napiling maging team leader sa halip na siya, nakaramdam siya ng sama ng loob, at nagsimulang palihim na makipagpaligsahan sa kanya. Plinano pa nga niya iyong hindi isali para makakuha siya ng sarili niyang pagkakataon para makapagpasikat, at mapagmataas niyang pinagalitan ang iba niyang mga kapatid. Nakaramdam sila ng paghihigpit dahil dito, na nakapagpahamak sa kanila; ang gawain ng iglesia ay nagulo bilang resulta, at siya mismo ay naghirap. Noon lang naranasan niya ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos saka siya nakatamo sa wakas ng kaunting pag-unawa sa sarili niyang tiwaling disposisyon. Natanto niya ang diwa at mga kahihinatnan ng paghahangad ng katayuan at katanyagan, at doon lang siya nagsimulang magising at makaramdam ng pagsisisi. Ayaw na niyang habulin ang mga bagay na ito, at nagsimulang magtuon na lang sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapalugod sa Diyos. Sa huli, nagkamit siya ng pagkaramdam ng kapayapaan at katatagan na hindi niya pa kailanman naramdaman noon.
Magrekomenda nang higit pa: "Ang Paglaya ng Puso"
——————————————————————
Repleksyon sa Ebanghelyo: Sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit." (Mateo 4:17). Mula rito, makikita na ang mga tunay na nagsisisi lamang ang maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi?
Mangyaring i-click ang "Repleksyon sa ebanghelyo ngayon" upang mahanap ang sagot!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento