Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Nagdusa rin ang Three-Self Church na dinaluhan ni Chen Song'en sa pag-uusig ng CCP, at nang wasakin ito muntik nang malibing doon nang buhay ang isang Kristiyano. Gayunman, ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus sa "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig"?
---------------------------------------
Hindi tinutukoy ng Diyos kung tayo ay mabuti o masama ayon sa kung paano ang ating panlabas na pag-uugali, at kung gaano karami ang ating tinalikuran, ginugol, at tiniis para sa Diyos, ngunit naaayon sa kung tayo ba ay nagtataguyod ng katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng "hindi lahat ng tumatawag sa Panginoon ay maliligtas" na sinabi ng Panginoong Jesus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento