Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan" (Tagalog Dubbed)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagsasakdal; sila man, nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang makita sa lahat ng panahon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang katayuan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umaasa Ako nang husto na makakamit ng isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi ko kaisa sa pag-iisip; nasusuklam ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at ikatutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento