Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang pabalikin ng Panginoong Jesus si Lazaro mula sa patay, gumamit Siya ng isang linya: “Lazaro, lumabas ka.” Wala Siyang sinabi maliban dito—ano ang kinakatawan ng mga salitang ito?
Kinakatawan nila na maipagtatagumpay ng Diyos ang anumang bagay sa pamamagitan ng pagsasalita, kabilang ang pagbuhay mag-uli sa isang taong patay. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, nang Kanyang nilikha ang mundo, ginawa Niya sa pamamagitan ng mga salita. Gumamit siya ng mga sinalitang kautusan, mga salita na may awtoridad, at kagaya lamang kung paanong ang lahat ng mga bagay ay nilikha. Ito ay naisakatuparan kagaya niyon. Ang nag-iisang linyang ito na sinalita ng Panginoong Jesus ay kagaya lamang ng mga salitang sinalita ng Diyos nang Kanyang likhain ang kalangitan at lupa at ang lahat ng mga bagay; taglay nito ang kapantay na awtoridad ng Diyos, ang kakayahan ng Maylalang. Ang lahat ng mga bagay ay inanyuan at nanindigan dahil sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at kapareho lamang, si Lazaro ay naglakad palabas ng kanyang puntod dahil sa mga salita mula sa bibig ng Panginoong Jesus. Ito ang awtoridad ng Diyos, ipinakita at natupad sa Kanyang nagkatawang-taong laman. Ang ganitong uri ng awtoridad at kakayahan ay pag-aari ng Maylalang, at ang Anak ng tao kung kanino natupad ang Maylalang. Ito ang pagkaunawa na itinuro ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbuhay mag-uli kay Lazaro mula sa mga patay."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento