Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba't ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n'yo sa Makapangyarihang Diyos.
Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba't ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n'yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba't ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba't ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Napakalinaw nito sa CCP. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba't ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba't ibang relihiyon, lubhang makakasama 'yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n'yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n'yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n'yo ba alam 'yan?

Zheng Yi(Isang Kristiyano): Pa,kasasabi n'yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n'yo alam kung bakit napailalim ang mga denominasyong Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Dahil narinig ng mga tao sa lahat ng sekta at denominasyon ang tinig ng Diyos. Nang makita nila ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, natukoy nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kaya bumaling silang lahat sa Makapangyarihang Diyos. Ito ang magandang balitang matagal nang inasam ng mga nananalig sa lahat ng relihiyon. Pa, nagpakita na ang Cristo ng mga huling araw para gumawa. Natural lang na bumaling ang lahat ng sekta at demonimasyong Kristiyano sa Makapangyarihang Diyos. Yan din ang kalakaran sa panahong ito. Sapat na 'yan para makita na ang Kristiyanismo at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parehong nilikha sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Ang Kristiyanismo ay kabilang sa Iglesiang Kristiyano sa Kapanahunan ng Biyaya samantalang ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay kabilang sa Iglesiang Kristiyano sa Kapanahunan ng Kaharian. Pareho pa rin silang kabilang sa Kristiyanismo. Bakit itinatanggi ng CCP na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay bahagi ng Kristiyanismo? Ang CCP ay isang partidong pulitikal na ateista, isang makademonyong rehimen na lubhang nasusuklam sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Ano ang alam nito tungkol sa Kristiyanismo? Ano ang mga katangian nito para sabihin kung aling iglesia ang Kristiyanismo at alin ang hindi? Walang anumang alam ang CCP tungkol sa Kristiyanismo. Hindi na sila nahiyang tuligsain ang iglesia ng Diyos. Hindi ba kawalanghiyaan na kumikilos ang CCP na para bang may nauunawaan ito kahit wala naman?
Zheng Rui(Isang Kristiyano): Talaga! Hayagang sinabi ng gobyernong CCP na kulto ang Kristiyanismo, itinalagang aklat ng kulto ang Banal na Biblia, kinumpiska at sinira ang napakaraming kopya ng Biblia. Itinapon pa nito sa dagat ang mga Bibliang ipinadala sa China mula sa ibang bansa. Alam 'yan ng lahat. Ngayon naghusga na ang gobyernong CCP na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang sa Kristiyanismo. Sinumang taong nakakahiwatig ay mauunawaan ito. Ginawa ng CCP ang lahat ng posibleng gawin para tuligsain ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para lumikha ng batayan ng mga opinyon ng publiko sa pagsupil at pagbabawal sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para maisagawa ang kasuklam-suklam na mithiin nitong lubos na ipagbawal ang gawain ng Diyos at magtatag ng isang rehiyong ateista sa China. Ito ang masamang intensyon ng CCP! Pa, tama ba ako?
Zheng Yi(Isang Kristiyano): Pa, ang CCP ay isang partidong ateista. Paano nito malalaman kung ano ang Kristiyanismo? Ang Kristiyanismo ay nilikha ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus na nagkatawang-tao. Dahil ang Panginoong Jesus si Cristo, lahat ng iglesiang nananalig sa Kanya ay kabilang sa Kristiyanismo. Nangako ang Panginoong Jesus na babalik Siya. Nagbalik na ang Panginoong Jesus, ibig sabihin, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ang Cristo sa mga huling araw. Kaya ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay nananalig din kay Cristo. Lahat ng nananalig kay Cristo ay kabilang sa Kristiyanismo. Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao sa dalawang pagkakataon. Sila ay iisang Diyos. Kaya ang pananampalataya sa Panginoong Jesus at pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay kapwa kabilang sa Kristiyanismo. Natural lang na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang Kristiyanismo sa panahong ito. Ibig sabihin, sa mga huling araw, tanging ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ang kabilang sa tunay na Kristiyanismo, dahil ang pagpapakita ng Makapangyrihang Diyos—ng Cristo ng mga huling araw—ay winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Yaon lamang mga sumusunod sa Makapangyarihang Diyos, sa Cristo ng mga huling araw, ang sumusunod sa Cordero. Samakatwid, ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng Cristo sa mga huling araw ang mas praktikal na Kristiyanismo.
mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento