41. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian.
Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
mula sa Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
42. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
43. Nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.
mula sa Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
44. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
45. Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan. … Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
46. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
47. Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
48. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
49. Naparito ang Diyos sa lupa pangunahing upang wikain ang Kanyang mga salita; ang kinakaugnay mo ay ang salita ng Diyos, ang nakikita mo ay ang salita ng Diyos, ang naririnig mo ay ang salita ng Diyos, ang sinusunod mo ay ang salita ng Diyos, ang nararanasan mo ay ang salita ng Diyos, at itong pagkakatawang-tao ng Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at lalo nang hindi ginagawa ang mga ginawa ni Jesus noong nakaraan. Bagaman Sila ay Diyos, at kapwa katawang-tao, ang Kanilang mga ministeryo ay hindi pareho. … Ngayon, anong gawain ang tutuparin ng Diyos na nagkatawang-tao? Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng “ang Salita ay nagpapakita na nasa katawang-tao,” upang gamitin ang salita para gawing perpekto ang tao, at ipatanggap sa tao ang pakikitungo ng salita at ang pagpipino ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ang nagsasanhi upang iyong matamo ang tustos at matamo ang buhay; sa Kanyang mga salita, nakikita mo ang Kanyang gawain at mga gawa.
mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
50. At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, pangunahin Niyang ginagamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing malinaw ang lahat. Sa Kanyang salita lamang iyong nakikita kung ano Siya; sa mga salita lamang Niya iyong nakikita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga salita—kaya hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagka’t pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na mamasdan ang Kanyang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita sa Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. Ang lahat ng kung anong mayroon Siya at ano Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagiging-kamangha-mangha ay nasa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita.
mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
51. Sa mga huling araw, ang Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, kaya imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subali’t gumagamit ng salita upang diligan at akayin ang tao, at pagkatapos nito ay nakakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang minimithi ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagpupungos, o pagtutustos ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba’t-ibang mga perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging-kamangha-mangha ng Diyos.
mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
52. Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
53. Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga prinsipyo na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling sangkap. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng mga salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng iyong dating mga paniwala at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay nakamit din sa pamamagitan ng mga salita?
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
54. Ang pinakadakilang kahalagahan ng gawain sa mga salita ay ang pagpapahintulot sa tao na isagawa ang katotohanan pagkatapos maintindihan ang katotohanan, magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, at makamit ang pagkakilala sa kanilang mga sarili at ang gawain ng Diyos. Ang mga pamamaraan lamang ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasalita ang maaaring makapaghayag sa ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao, ang mga salita lamang ang makapagpapaliwanag sa katotohanan. Ang paggawa sa ganitong paraan ay ang pinakamahusay na paraan ng paglupig sa tao; bukod sa pagbigkas ng mga salita, wala ng iba pang paraan ang may kakayahang magbigay sa tao ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at sa gawain ng Diyos. At kaya sa Kanyang panghuling yugto ng gawain, ang Diyos ay nagsasalita sa tao nang upang buksang lahat sa tao ang mga katotohanan at mga hiwaga na hindi nila naiintindihan, magpapahintulot sa kanila na matamo ang tunay na daan at ang buhay mula sa Diyos, at sa gayo’y mapalulugod ang kalooban ng Diyos.
mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
55. Sa kapanahunang ito, gagawin ng Diyos na isang katunayan sa gitna ninyo na ang bawa’t tao ay isinasabuhay ang salita ng Diyos, kayang isagawa ang katotohanan, at maalab na nagmamahal sa Diyos; na ang lahat ng tao ay ginagamit ang salita ng Diyos bilang saligan at kanilang katunayan at mayroong mga puso ng paggalang sa Diyos; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, ang tao ay maaaring mamuno kasama ng Diyos. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
56. Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao; mabuti ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka sa salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang magiging daan upang sumunod. Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao at ang lakas na nag-uudyok sa kanya. Sinabi ng Biblia na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Ito ang gawain na tutuparin ng Diyos sa araw na ito. Gaganapin Niya ang katotohanang ito sa iyo.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
57. Ang Kanyang unang gawain ay isinakatuparan sa Judea, sa loob ng sakop ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang gawaing naglulunsad ng kapanahunan. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang isinasakatuparan sa gitna ng mga bayan ng mga bansang Gentil; lalong higit pa, isinasakatuparan ito sa gitna niyaong mga sinumpang tao. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na pinaka-may-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay nagiging” ang Diyos ng buong sangnilikha sa sansinukob at nagiging ang Panginoon ng lahat ng mga bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.
mula sa “Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
58. Umalis Ako sa Judea at ginagawa ang Aking gawain sa gitna ng mga Gentil sapagka’t hindi lamang Ako Diyos ng bayang Israel, kundi ang Diyos ng lahat ng mga nilikha. Nagpapakita Ako sa gitna ng mga Gentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, kundi, bukod diyan, dahil sa Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa gitna ng mga Gentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, kundi nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginamit ang mga bansang Gentil bilang base na mula kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya), at naisasakatuparan Ko na ang dalawang karagdagang mga yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga lupain sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin Ko ang gawaing panlulupig at sa gayon wawakasan ang kapanahunan.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
59. Sa panahon ng mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos sa bansang Gentil ng malaking pulang dragon; natutupad Niya ang gawain ng Diyos bilang ang Diyos ng buong sangnilikha; nakukumpleto Niya ang Kanyang buong gawaing pamamahala, at tatapusin Niya ang pinakasentrong bahagi ng Kanyang gawain sa bansa ng malaking pulang dragon.
mula sa “Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
60. Sa huling kapanahunang ito, padadakilain Ko ang Aking pangalan sa gitna ng mga bansang Gentil, sasanhiing makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, upang maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan-sa-lahat dahil sa Aking mga gawa, at gawin ito upang ang Aking mga salita ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking naisumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano ng gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na matutupad sa mga huling araw.
mula sa “Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
61. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay matatapos na.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
62. Ang yugtong ito ng gawain ay lilikha ng isang grupo ng mga mananagumpay, at matapos Niyang malikha ang grupong ito ng mga mandaraig, magagawa nilang patotohanan ang Kanyang mga gawa, maisasabuhay nila ang realidad, at aktuwal na magpapasaya sa Kanya at magiging tapat sa Kanya hanggang kamatayan, at sa ganitong paraan ang Diyos ay maluluwalhati.
mula sa “Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa ‘Nakarating na ang Milenyong Kaharian’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
63. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay magsama-sama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay magsama-sama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito?
mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
64. Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain sa pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t-ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?
mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
65. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.
mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
66. Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan.
mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
67. Nang ginawa Ko ang mundo, Aking pinaganda ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, ginawa ang lahat ng may nakikitang anyo na magsama-sama ayon sa uri nito. Habang lumalapit ang pagtatapos ng Aking plano sa pamamahala, Aking ibabalik ang dating estado ng sangnilikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Ang panahon ay dumating na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad.
mula sa “Kabanata 26” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
68. Aking pupunuin ang mga kalangitan ng mga kahayagan ng Aking paggawa, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay magpapatirapa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, ipinatutupad ang Aking plano para sa “pandaigdigang pagkakaisa” at dinadala ang isa Kong inaasam na ito sa kaganapan, kaya’t ang sangkatauhan ay hindi na “magpapagala-gala” sa ibabaw ng lupa kundi makakatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkabalam. Nag-iisip Ako para sa lahi ng tao sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang ang buong sangkatauhan sa lalong madaling panahon ay makakapamuhay sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan, upang ang mga araw ng kanilang mga buhay ay hindi na magiging malungkot at mapanglaw, kaya’t ang Aking plano ay hindi na mawawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil ang tao ay umiiral doon, Aking itatayo ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagka’t ang isang bahagi ng kahayagan ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko ang Aking mga lungsod sa ayos kaya’t gagawin ang lahat na bago kapwa sa itaas at sa ibaba. Aking sasanhiin ang lahat nang umiiral kapwa sa itaas at ibaba ng langit tungo sa iisang kaisahan, upang ang lahat ng mga bagay sa lupa ay makaisa ng lahat nang nasa langit. Ito ang Aking plano, ito ang Aking tutuparin sa huling kapanahunan….
mula sa “Kabanata 43” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento