Sagot: Naghanda ng lugar ang Panginoon para sa mga sumasampalataya sa kanya. Totoo ‘yon. Pero nasa lupa ba ang lugar na ‘yon o nasa langit? Hindi tayo nakakasiguro tungkol diyan. Iniisip nating nasa langit ang kaharian ng langit, pero ayon ‘yon sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon.
Pero ‘yon ba talaga ang katotohanan? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10). Malinaw na sinabi sa ‘tin ng Panginoong Jesus na nasa lupa ang kaharian ng Diyos, hindi sa langit. Matutupad ang nais ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Basahin natin ang Pahayag 21:2-3: “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.” Dumako tayo sa Pahayag 11:15: “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man.” Ang mga propesiyang itong nabanggit, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “… bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Pinatutunayan no’n na itatayo ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa, at mamamalagi siya sa lupa kasama ang sangkatauhan. Ang mga kaharian ng mundo ay magiging mga kaharian ni Kristo, at magtatagal ‘yon magpakailanman. Kung naniniwala tayong nasa langit ang kaharian ng Diyos ayon sa ating pagkaintindi at imahinasyon, naniniwalang kapag dumating ang Panginoon, iaakyat Niya tayo sa langit, hindi ba mawawalan ng kabuluhan ang mga una niyang sinabi? Sa katotohanan, ang panghuling resulta ng plano sa pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay ang pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa lupa. Ang Makapangyarihang Diyos—Kristo ng mga huling araw—ay gumagawa ng kanyang paghatol at paglilinis sa sangkatauhan para makabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupa. Ang mga nagkakamit ng kaligtasan ng Diyos, na nagiging perpekto at nagiging mananagumpay, sila ang makapagsasabuhay sa mga salita ng Diyos at makasusunod sa kagustuhan Niya sa lupa. Sila ang mga mamamayan ng Kanyang kaharian. Matapos mabuo ang mga mananagumpay na ito, matutupad ang kagustuhan ng Diyos sa lupa. At maitatatag na sa lupa ang kaharian ni Kristo, at makakamit ng Diyos ang buong kaluwalhatian. Sa huli, tutuparin niya ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag. Hindi pa rin ba malinaw sa ‘tin ang mga katotohanang ito? Ano’ng lugar ang inihanda ng Panginoong Jesus para sa ‘tin? Itinakda Niya na ipanganak tayo sa mga huling araw, salubungin Siya sa lupa sa pagbabalik Niya, tanggapin ang paglilinis ng Diyos at maging perpekto, at maging mga mananagumpay para maisagawa natin ang kagustuhan ng Diyos, at lahat ng mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ni Kritso. ‘Yon ang nais ng Diyos. Dumarating sa lupa ang Diyos pero sinusubukan nating umakyat sa langit. Sa paggawa nito, hindi ba natin sinasalungat ang gawain ng Diyos at ang Kanyang kalooban? Kapag inangat niya tayo sa hangin, wala namang pagkain at lugar do’n na matitirhan, pa’no tayo mabubuhay? Hindi ba sariling pagkaintindi at imahinasyon lang natin ‘yon? Gagawa ba ang Panginoon ng gano’ng bagay? Yung katotohanang nakakapag-isip tayo nang gano’n, nagpapakita lang na para talaga tayong bata. Para bang nasa alapaap ang mga isip natin!
mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento