Gawa ni Xiang’ai, Probinsya ng Heilongjiang
Nung alas-siyete ng umaga, nagmamadali si Wang Xue papunta sa bahay ng anak niyang si Hui Min. Kalahating oras bago ‘yon, pumunta si Pastor Zhang sa bahay ni Wang Xue para sabihing tinanggap na ng anak at manugang niya ang Kidlat ng Silanganan. Ikinagulat ‘yon ni Wang Xue, at naisip niya: “Pinatototohanan ng mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jeses at ihinahayag Niya ang Kanyang mga salita at nagsasagawa ng isang yugto ng gawain para hatulan at dalisayin ang tao.
Pero malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus ang “Naganap na” noong nasa krus siya, at pinapakita no’n na natapos na ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Papa’no mangyayaring babalik ang Panginoon para gawin ang isang bagong yugto ng gawain? Pamilyar ang anak ko at ang asawa niya sa Biblia, at masigasig sila sa paghahanap ng katotohanan; mapag-isip at matalas ang pang-unawa nila, kaya hindi nila ginawa ang desisyong ito nang gano’n lang. Pa’no nila nagawang tanggapin ang Kidlat ng Silanganan? Ano ba’ng nangyayari?” Labis na nalito si Wang Xue at gusto niyang maintindihan ang mga dahilan sa likod nito sa lalong madaling panahon, kaya nagmadali siya papunta sa bahay ni Hui Min.
Matapos ang tatlumpung minuto, dumating si Wang Xue sa bahay ng kanyang anak. Pagkapasok niya sa loob, hindi na siya nagpaliguy-ligoy, at sinabi niya sa anak niya, “Pinuntahan ako ni Pastor Zhang kaninang madaling-araw at sinabi niyang tinanggap niyo nang dalawa ang Kidlat ng Silanganan. Totoo ba ‘yon?”
Si Li Jun, na nagbabasa sa kwarto, narinig ang kanyang biyenan at lumabas. Nakita ni Hui Min na seryoso ang itsura ng mukhang ng kanyang ina, kaya hinawakan niya ang kamay nito at naupo sila. Nakangiti niyang sinabing, “Opo, mama, tinanggap namin ang Kidlat ng Silanganan. Nitong nakaraan, binasa namin ni Li Jun ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita naming inilalantad ng mga salita ng Makapangyarihang DIyos ang lahat ng mga katotohanan at misteryo ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, gaya ng misteryo ng anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, pa’no ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang tao sa mga huling araw, at ang huli at pang-wakas na destinasyon ng sangkatauhan, at iba pa. Kapag binabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lalo naming nararamdamang ang mga salitang ‘yon ang katotohanan, na may kapangyarihan ‘yon at awtoridad at ‘yon ang tinig ng Diyos! Mama, ang Panginoong Jesus na kinasabikan natin nang napakatagal ay talagang nagbalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Bakit hindi niyo rin ‘yon siyasatin?”
Pinakinggan ni Wang Xue ang kanyang anak at lumambot ng kaunti ang pananalita niya. Sabi niya, “Hui Min, matamlay ngayon ang iglesia natin, kaya kung maghahanap ka ng iglesia na may gawain ng Banal na Ispiritu, hindi kita pipigilin. Pero pinapangaral ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoon at nagsasagawa ng yugto ng gawain para humatol at dumalisay sa tao. Pa’no magiging posible ‘yon? Nung nasa krus Siya, napakalinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na “Naganap na”. Pinapakita no’n na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at hangga’t nangungumpisal at nagsisisi tayo sa Panginoon, maaaring patawarin ang mga kasalanan natin, at pagbalik ng Panginoon, iaakyat niya tayo agad sa kaharian sa langit. Hindi na siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Lagi ‘yong pinapangaral ng mga pastor at elder, kaya pa’no mo ‘yon nakalimutan? Papa’no mo nagawang tanggapin ang landas ng Kidlat ng Silanganan?”
Ngumiti si Li Jun at sinabing, “Mama, lagi nating sinusunod ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon, at naniwala tayong ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus sa sinabi Niyang “Naganap na” nung nasa krus Siya ay tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, at sa muling pagbabalik ng Panginoon iaakyat Niya tayo agad sa kaharian ng langit at hindi na Siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Pero naaayon ba ang pananaw na ito sa orihinal na kahulugan ng mga salita ng Panginoon? Naaayon ba ito sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos? Noong nasa krus ang Panginoong Jesus, ang dalawang salitang ito lang ang sinabi Niya, “Naganap na”. Hindi Niya sinabi na ganap nang tapos ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, pero sinusunod ng mga pastor at elder ang mga salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus para pagpasyahang tapos na ang gawain ng Diyos, at pagbalik ng Panginoon hindi na Siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Sa pagsasabi nito, hindi ba isa lang ‘yong pansariling pahayag? Hindi ba binibigyang kahulugan lang nila ang mga salita ng Panginoon base sa kung ano mismo ang gusto nila? Kung ang sinabi ng Panginoong Jesus na “Naganap na” ay nangangahulugang tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, kung gano’n pa’no maisasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing tutupad sa Kanyang propesiya, na sa pagbabalik Niya ay ihihiwalay Niya ang mga kambing sa tupa, ang trigo sa damo, at ang mabubuting lingkod sa masasamang lingkod? Iprinopesiya rin ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13). ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:48). At nakatala sa 1 Pedro 4:17, ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.’ Malinaw na sinasabi sa ‘tin ng mga salitang ito na pagbalik ng Panginoon, ihahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Kung susundin natin ang pagkaunawa ng mga pastor at elder, na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘Naganap na’ ay nangangahulugang nakumpleto na ang gawain Niya na iligtas ang sangkatauhan at hindi Niya na kailangang gumawa ng karagdagang gawain, kung gano’n pa’no matutupad ang mga propesiyang ito? Hindi ba mauuwi lang sa wala ang propesiya ng Panginoon na babalik Siya para ihayag ang katotohanan at isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol? Kung titingnan ito sa ganitong paraan, hindi ba parang kinokontra ng interpretasyon ng relihiyosong mundo ang mga salita ng Panginoon at kinokontra ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw? Samakatuwid, hindi natin matitiyak na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan base sa sinabi ng Panginoong Jesus na ‘Naganap na’ noong Siya ay nasa krus; imahinasyon natin ito at hindi ito ayon sa ibig sabihin ng Panginoon. Kung lilimitahan natin ang gawain ng Diyos ayon sa sarili nating mga kagustuhan, kung gano’n maaari nating labanan ang Diyos!”
Pinagnilayan ni Wang Xue ang mga bersikulong sinabi ni Li Jun, at malalim siyang nag-isip: “Oo nga! Sa loob ng maraming taon, yung sinabi lang ng mga pastor at elder ang pinakinggan ko, naniwalang ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nung sinabi Niya ang ‘Naganap na’ sa krus ay nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at hindi na Siya uli gagawa ng ano mang bagong gawain. Pero ang mga propesiya ng Panginoon na binanggit ng anak at manugang ko ay talaga ngang nagsasabi na pagbalik ng Panginoon, ihahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Kaya ano ba ang eksaktong ibig sabihin ng Panginoon nang sinabi niya sa krus ang ‘Naganap na’?” Habang iniisip ang mga ito, sinabi sa kanila ni Wang Xue ang kanyang pagkalito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento