Ang Basket na Nahulog Mula sa Langit ay Ginising Ako (I)
Ni Jingxin, Japan
Isang araw, habang gumagawa ako ng mga dumplings sa kusina ng pabrika na aking pinagtatrabahuhan, may biglang bumagsak na plastik na basket mula sa kalangitan at tinamaan ako nito sa aking ulo.
Tumama ito sa aking ulo at pagkatapos ay napuno ito ng matinding sakit. Ang biglaang eksena na ito ay nang-gulat sa aking mga kasamahan sa paligid ko at sinabi nila sa akin na dali-dali akong tumabi upang makapag-pahinga. Nang maglaon, lumala ang aking sakit ng ulo at nagpaalam ako na umuwi muna sa bahay upang magpahinga. Akala ko na ang dalawang araw ay sapat na para mabawi ako sa sakit. Sa hindi inaasahan, tumindi pa ang sakit ng aking ulo sa ikalawang araw. Pagkatapos ay nagpunta ako sa ospital para sa isang pagsusuri at sinabihan na mayroon talaga akong kongkusyon sa utak. Sa sumusunod na mga araw, tuwing natutulog ako nananaginip ako ng kung anu-anong bagay kaya nagsimula na makaramdam ako ng takot. Maaari bang may pinsala ako sa aking utak? Nang maisip ko yun parang napuno ng takot ang aking puso at pagkatapos ay mabilis akong nanalangin sa Diyos.
panalangin sa Diyos
Naalala ko ang salita ng Diyos, “Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay ipinlano ng Diyos.” Sa pagninilay ng salita ng Diyos, unti-unting nagising ang aking puso. Tama! Ang lahat ng mga pangyayari at bagay ay nasa ilalim ng soberanya ng Diyos. Yamang pinapayagan ng Diyos na mangyari sa akin ang kaganapang ito, kung gayon ano talaga ang kalooban ng Diyos? Sa pag-iisip sa nangyari kamakailan, tila naintindihan ko ang isang bagay. At ang eksena ng nakaraan ay tumatakbo sa aking isipan …
Orihinal na ako ay may isang permanenteng trabaho sa isang kumpanya. Noong oras na ako ay dalawampu’t lima na ang kumpanya ay biglang isinara. Ang lahat ng aking pamilya ay maaari lamang kumiskis sa maliit na suweldo ng aking asawa. Gayunman, ang mga kasawian ay hindi kailanman dumarating nang isahan. Biglang naghirap ang aking ina mula sa kanser sa suso at ang operasyon ay nagkakahalaga ng libu-libong yuan. Gayunman, wala akong magawa na tulong tuwing biglaan na kailangan niya ng pera. Ang pakiramdam ng kalungkutan at pagkakasala ay hindi ko maipaliwanag. Walang magawa, ang aking pamilya ay kailangang humiram ng pera upang mapa-gamot ang sakit ng aking ina at sa kalaunan ay kailangan naming mag-ipon at makatipid upang mabayaran ang utang. Dahil sa aking mahirap na pamilya, ang aking mga kamag-anak, kaibigan at mga kamag-aral ay hindi nais na makisalamuha sa akin, na labis akong nalungkot at walang magawa. Mula sa puntong iyon, paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili: Ang isa ay maaaring magkaroon ng anuman maliban sa sakit, at ang isa ay maaaring walang anuman kundi pera; ang pera ay hindi masusukat ang lahat, ngunit kung wala ito, wala kang magagawa. Sa kasunod na dalawang taon, sa bawat araw na inaasam ko na ang aking anak ay lumaki na agad sa lalong madaling panahon, na kung saan na maaari na akong lumabas upang kumita ng pera.
Pagkatapos magpalista ng aking anak sa kindergarten, naghanap ako ng mga paraan paano kumita. Napansin kong nagpatayo ng bagong bahay ang aking kapitbahay sa kaunting mga taon lamang ng pagbebenta ng mga prutas, kaya nagsimula akong magbenta ng mga prutas. Nagtrabaho ako mula madaling araw hanggang dapit-hapon araw-araw, nagpagod sa loob ng dalawa o tatlong buwan, pero ang perang aking inipon ay kasya lamang sa aming pang araw-araw na gastos. Pagkatapos, natagpuan kong merong mga pandaraya sa pagpatakbo ng negosyo: Tanging sa pandaraya ng mamimili lamang ako kikita ng malaking pera. Nang aking nalaman ang sekreto, naramdaman kong hindi ako inilaan upang maging negosyante, at akin itong isinuko. Kalaunan, nang inaalagaan ko ang aking anak, kumikita ako sa pamamagitan ng pagtatahi ng mga karpet para sa iba. Ngunit nakagawa lamang ako ng mababa sa isang libong yuan pagkatapos ng isang kalahating taong pagtatrabaho. Pagkatapos nun, ako at ang aking asawa ay pumunta sa aking nakatatandang kapatid upang magtrabaho sa bukid ng ladrilyo. Gayunpaman, nahirapan kaming magtrabaho dito sa loob ng ilang mga buwan nang may nangyaring hindi pagka-kasunduan ang aking asawa sa ibang mga kasamahan, kaya kailangan niyang bumalik sa aming bayan at pagkatapos ng isa pang taong pagtatrabaho, ako’y bumalik rin. Ilang beses ring sinubukan ang iba’t ibang mga paraan, hindi pa rin ako nakapaghanap ng paraan upang kumita ng pera. Sa oras na yan, lubha akong nabigo, at naramdaman kong wala akong kakayahan, iniisip kong: Ang iba ay kayang kumita ng pera, bakit hindi ko kaya? Simula noon, nag-isip ako ng iba’t ibang mga paraan upang kumita ng pera araw-araw.
Taong 2005, nakita kong maraming mga tao sa aming bayan ay nagkaroon ng maraming pera sa pagpunta sa Japan, at lubos ko silang hinahangaan sa aking puso. Sa kabila ng pagkakaalam na ang paninirahan sa ibang bansa, bilang isang estranghero, at hindi nakakaintindi ng pandayuhang lengguwahe ay siguradong ako’y lubos na magdurusa, pero sa aking pag-iisip ng kawalan ng pera, pinilit kong maging determinado: Kahit na napakahirap nang trabaho at nakakapagod ito, pupunta pa rin ako. Tulad ng aking inaasahan, ako ay nakarating sa Japan. Ang aking unang trabaho ay pagtatrabaho sa bukid para sa pamilyang Hapon. Tiniis ko ang pagtatrabaho sa matinding init araw-araw, pero binabayaran lamang nila ako sa mababang presyo dahil ako ay isang dayuhan. Gusto kong magdahilan sa kanila, pero dahil hindi ako nakakapagsalita ng Niponggo, d kaya hindi ko nagawa. Wala akong magawa kundi huminto sa ganitong klaseng trabaho. Kaya pinili kong maglabada at sa katagalan ko dito, mababa pa rin ang kinita kong pera.
Noong taong 2012, ipinakilala ako sa isang pabrika ng dumpling, narinig kong mabilis akong makakakita ng pera dito pero kailangan ng pagoobertaym na pagtatrabaho, at ang pagtatrato ng amo sa kanyang trabahador ay parang isang makina lamang. Naisip kong: hindi ito magiging problema hangga’t kikita ako ng sapat na pera. Sa unang araw ko sa aking trabaho, noong nakita kong napakabilis gumalaw ng mga trabahador sa paghawak at paglalagay ng laman sa dumplings wrapper, na para bang nag-aagawan sila sa isang bagay. Kaya bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking puso, naiisip na hindi talaga madaling kumita ng pera. Ngunit naisip ko; Basta’t magsanay lang ako ng mabuti at bigyan talaga ng halaga ito, Pagdadalubhasaan ko rin kung paano gumawa ng dumplings. Gayunman, sa reyalidad hindi ito ganoon kasimple: Ang mga hapon ay napaka-partikular kung tungkol sa pagkain. Ang dumplings ay hindi lang kailangan na maging masarap kundi kinakailangan din na ang mga hugis nito ay maganda rin, at kahit ang mga kurba nito at kung paano tupiin ay isinasaayos. Kaya sobrang hirap pag-aralan nito; Bukod dito, ang paglalaman ng dumplings ay sobrang hirap na kinakailangan ko talaga mag bigay ng matinding lakas para magawa ito. Tanging sa loob ng ilang mga araw, ang likuran ng aking mga kamay ay nagsimulang mamaga. Dahil dito, nagtatarabaho ako ng higit na oras araw-araw, tinitiis ang dobleng hirap sa espiritwal at sa laman. Pagbalik sa aking dormitory, humiga ako sa higaan at pati ayaw ko nang gumalaw pa. Ngunit meron lang akong maikling pahinga at dali-dali namang maghanda ng pananghalian para sa susunod na araw. Araw-araw nagtatrabaho ako ng walang tigil na parang isang trumpo.
gumawa ng dumplings
Noong Abril 2016, dahil sa sobrang trabaho, nagkaroon ako ng cervical spondylosis. Nagkastiff neck ako at nakararamdam ng pagkahilo at sakit; nagkaroon din ako ng pagsakit ng tiyan ko. Noong oras lamang na iyon naisip ko kung ano ang isang masaya na bagay ito ay yung magkaroon ng malusog pangangatawan. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin maihinto ang paghahabol sa paggawa ng pera dahil naniniwala ako na habang buhay pa ako, kailangan kong gumawa ng pera. Kaya, nagpatuloy ako sa pagkita ng pera habang pinagiginhawaan ang sakit sa aking katawan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pamahid, pagpapamasahe, o sa pagpunta sa ospital upang makapagpa-ultrasound sa pagpapagamot ng aking cervical spondylosis. Kapag sumasakit to ng sobra, hihinto muna ako upang makapag pahinga ng kaunti. Kalaunan, nalaman ko na ang mga tao sa paligid ko ay gumagawa ng paraan upang sila ang maging group leader at makakuha ng dagdag suweldo at mga benepisyo. Kinakalaban nila ang isat isa at binubukod ang bawat isa, nagpapakita ng panlabas na debosyon ngunit tutol sa lihim, at kumilos ng isang mabuting paraan sa harap ng mga tao at isang pagtataksil sa likuran nila. Narinig ko din na ang aking group leader ay inagawan ng pwesto ng kanyang kababayan, at kaya kapag nagkikita sila ay nagkaroon sila agad ng argumento. Nang makita ko ang nga tao na ito na nakikipag-away sa isa’t-isa para sa personal na interes, nakaramdam ako ng depresyon. Sa tuwing malalim at tahimik na gabi, madalas akong humihinga ng malalim: Ang pamumuhay sa mundong ito, bakit kailangan natin danasin ang mga ganitong sobrang pasakit? Bakit namumuhay tayo sa isang nakakapagod na paraan?
Lamang nang ako aynapagod, miserable at walang magawa, Ang pag-ibig ng Diyos ay dumating sa akin. Ang aking kasamahan ay ipinangaral sa akin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, at binasa ang talata ng mga salita ng Diyos, “Naraanan na ng tao ang mga panahong ito na kasama ang Diyos, ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang namumuno sa tadhana ng lahat ng bagay at buhay na nilalang, ni kung paano ipinaplano at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Naging mailap ito sa tao noon pa man hanggang ngayon. Bakit? Hindi dahil tagung-tago ang mga gawa ng Diyos, ni dahil kailangan pang maisakatuparan ang Kanyang plano, kundi dahil napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas kahit sinusunod niya ang Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. … Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na kanyang pinagmulan: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito.”
Ibinahagi ng aking kasamahan, “Ang ating ninuno na si Adan at Eba ay orihinal na namumuhay ng masaya at ng may kagalakan sa ilalim ng pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Matapos silang matukso at matiwali ni Satanas, ang sangkatauhan ay nahulog sa mga kamay ni Satanas. Tinitiwali tayo ni Satanas gamit ang iba’t ibang satanikong mga lason at pilosopiya tulad ng ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,’ ‘Mamamatay ang tao para sa pera; mamamatay ang ibon para sa pagkain,’ ‘Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,’ at iba pa. Sa ilalim ng impluwensya nitong mga ereheng kamalian, lahat tayo ay namuhay at nanatiling buhay para sa pera at mas lalong naging makasarili, tuso at mukhang salapi. Nakikibaka ang mga tao at nagkikipaglaban sa isa’t isa para sa personal na interes, lalong namumuhay ng masakit. Ang tao ay nilikha ng Diyos; hindi matiis ng Diyos na makita tayong namumuhay sa paglalaro ni Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagpahayag ng mga salita upang iligtas tayo. Tanging sa pamamagitan paglapit sa harapan ng Diyos, at pagbabasa ng mga salita ng Diyos makikita natin ng malinaw ang mga pakana ni Satanas, makawala sa madilim na impluwensya ni Satanas, at sa huli ay mamuhay sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos.”
Nang dahil sa salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng kapatid, nalaman ko ang ugat na dahilan ng paghihirap ng mga tao. Nangyaring ito’y dahil natiwali tayo ni Satanas at namumuhay sa mga satanikong lason at mga pilisopiya, na kung saan dinala niya tayo sa pamumuhay na may higit na kasakitan. Naisip ko ang aking mga kasamahan sa trabaho na nagkakasakitan at nagpipigilan ng isa’t isa para makakuha ngkapakinabangan, napagtanto ko na tayong mga tao ay sobrang natiwali ni Satanas at nawala na sa atin ang pagkakahawig ng tao. Samantala, noong makita na bumibigkas ang Diyos ng mga salita para isalba tayo sa pagdurusa kay Satanas, nakaramdam ako ng sobrang saya, iniisip; Na hindi ko pwede balewalain ang pagkakataong ito na panghabanmbuhay. Kaya, tinaggap ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos.
Itutuloy …
--------------------------------------
Maraming tao ang nag-iisip na ang biyaya ng Diyos ay ang mga materyal na pagpapala. Ipinagkaloob din ng Diyos, sa totoo lang, ang higit na biyaya ng tao. Nais mo bang malaman kung ano ang higit na biyaya? Nais mo bang makuha ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento