Gaano kahalaga ang gawaing pagliligtas ng Diyos,
mas mahalaga kaysa sa lahat ng iba pang mga bagay sa Kanya.
Kasama ng tinalagang plano at kalooban,
'di lamang pag-iisip at mga salita,
O kung gaano ito kahalaga,
ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, para sa tao at sa sarili Niya.
Kahit gaanong kaabala ang Diyos,
anong pagsisikap ang ginagawa Niya.
Pinamamahalaan Niya ang Kanyang gawain,
pinamumunuan Niya ang lahat ng mga bagay,
ang lahat ng mga tao.
Nang hindi pa nakita, sa malaking halaga.
Sa Kanyang gawain, inihahayag ng Diyos sa tao nang unti-unti
kung ano at mayroon ang Diyos, ang halaga na binayaran Niya,
karunungan, kapangyarihan, lahat ng Kanyang disposisyon.
Hindi mahalaga kung gaano kahirap ang gawain,
anuman ang mga hadlang,
gaano man kahirap at mapanghimagsik ang tao,
walang makakahinto sa Diyos, walang gaanong mahirap.
Gaano kalapit ang Diyos, anong pagpapalagayang-loob
para sa mga pinili Niyang pamahalaan at iligtas.
Sa sansinukob na ito, sino pa man ang nagkaroon
tulad ng isang matalik na relasyon sa Diyos?
Sa Kanyang puso, ang mga ito ay pinakamahalaga
at pinahahalagahan Niya sila nang higit sa lahat.
Kung paano nila nasasaktan ang Diyos,
kung paano sila sumusuway.
Kahit na nagbayad Siya ng napakalaking halaga para sa kanila,
walang humpay na gumagawa ang Diyos,
walang mga reklamo, walang pagsisisi,
alam na sa ibang araw ang mga tao'y
matitinag ng Kanyang mga salita.
Magigising sila sa Kanyang tawag,
makikilala Siyang Panginoon ng lahat,
babalik sa Kanyang tabi.
Hindi mahalaga kung gaano kahirap ang gawain,
anuman ang mga hadlang,
gaano man kahirap at mapanghimagsik ang tao,
walang makakahinto sa Diyos, walang gaanong mahirap.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
————————————————————
Makinig sa mas marami pang Tagalog Gospel Songs upang mapalapit sa Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento