I
Matuwid ang Diyos, S'ya'y matapat.
Sinusuri N'ya ang nasa loob ng puso ng tao.
Ihahayag N'ya sino'ng huwad, sino'ng totoo.
Kaya't wag maalarma, lahat ng gawain ay sa panahon N'ya.
Sinong sa Kanya'y nagnanais
at sinong hindi—sasabihin N'ya sa inyo.
Kumain ka lang at uminom,
puntahan S'ya, lumapit sa Kanya,
at gagawin N'ya ang lahat ng Kanyang gawain.
Wag magmadali para sa mabilis na resulta.
Gawain ng Diyos di kaagad ginagawa.
Nandito'y mga hakbang at karunungan N'ya.
Kaya't ang Kanyang karunungan ay nahayag at nabunyag.
Paghatol N'ya'y ganap nang nangyari,
at ang iglesia ang lugar ng digmaan.
Dapat kayong maging handa at dapat n'yong italaga
ang 'yong buong sarili sa huling laban na ito.
Tutulungan ka ng Diyos lumaban
at magtagumpay para sa Kanya.
II
Ginagantimpalaan ang mabuti, pinaparusahan ang masama,
ito ang gawain ng Diyos, at hahayaan N'yang makita n'yo.
Wala S'yang pinapaboran, tunay S'yang nagmamahal
sa lahat ng taong sa Kanya'y tapat na nagmamahal.
Ang galit ng Diyos ay magpakailanman
sa mga hindi tapat magmahal sa Kanya.
Kaya't matatandaan nila na S'ya'y tunay na Diyos,
S'yang sumusuri sa puso ng tao.
Wag mong iwasan, at 'wag mong itago,
wag kang manloloko o subukan na itago.
Di n'yo ba nakikita ang mukha ng Diyos,
ang Kanyang poot at paghatol na ipinakita sa publiko?
Mabilis N'yang hahatulan na walang awa,
lahat ng di nagnanais sa Kanya nang matapat.
Mabubunyag ang lahat ng nakatago.
Ang Diyos ang araw na umiilaw sa lahat ng madilim.
Paghatol N'ya'y ganap nang nangyari,
at ang iglesia ang lugar ng digmaan.
Dapat kayong maging handa at dapat n'yong italaga
ang 'yong buong sarili sa huling laban na ito.
Tutulungan ka ng Diyos lumaban
at magtagumpay para sa Kanya.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
------------------------------------
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento