Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Ano ang Matalinong Dalaga?
Mga Nilalaman
Ang lahat ng binigkas ng Diyos ay katotohanan. Makapagbibigay ito ng kinakailangang kabuhayan sa mga tao, at magkakaloob sa kanila ng daan sa pagsasanay.
Nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan at awtoridad ang mga salita ng Diyos, at kapahayagan ng disposisyon ng Diyos.
Ang mga salitang ipinapahayag ng Diyos ay maaaring magbukas ng mga misteryo sa likod ng gawain ng pamamahala ng Diyos.
Ang mga salita ng Diyos ang nagdadala sa katiwalaan at panloob na isipan ng tao sa ilalim ng liwanag.
Sister Mu Zhen,
Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumaiyo! Nasisiyahan akong sumulat ka. Nabanggit mo sa iyong sulat na malapit na ang araw ng pagdating ng Panginoon, at ikaw ay sadyang nagbabasa ng Banal na Kasulatan at mas nananalangin, at gumagawa nang mas marami pang gawain para sa Panginoon upang ikaw ay mapabilang sa mga matatalinong dalaga na maingat na naghihintay sa pagdating ng Panginoon. Subali’t ang mga bagay na ito ay hindi nagpatalas sa iyong espirituwal na katalinuhan o nagpalago sa iyong pananampalataya o pagmamahal para sa Panginoon. Naguguluhan ka kung ikaw ba ay maaaring mapabilang na isang matalinong dalaga sa pamamagitan ng paghahanap sa daang ito, at nais mong malaman kung anong uri ng pagsasanay ang kailangan mo upang malugod mong masalubong ang Panginoon. Lahat tayo’y nagnanais na maging matatalinong dalaga na malugod na sasalubong sa Kanyang pagbabalik at dumalo sa piging ng kaharian ng langit kasama Niya—walang may nais na maging isang mangmang na dalaga at maisantabi ng Panginoon, nguni’t anong uri ng pagsasanay ang maging isang matalinong dalaga? Nais kong ibahagi ang personal kong pagkaunawa sa nasabing isyu-umaasa akong makatutulong ito sa iyo