Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

05 Disyembre 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Tagalog Christian Crosstalk | "Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin  ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito. 

10 Oktubre 2018

Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" | Can the Lord Be Called Jesus When He Returns?


Crosstalk – "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" (Tagalog Gospel Video)


Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus? Anong mga hiwaga ang nasa likod ng pangalan ng Diyos? Ang pagtatanghal na salitaan na may pamagat na "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos," ay pinaghahalo ang mga estilo ng pag-awit at pagbigkas para gabayan tayo sa pag-unawa sa kahalagahan kung bakit iba-iba ang pangalan ng Diyos sa iba’t ibang panahon.

08 Oktubre 2018

Tagalog Crosstalk | "Serbisyo sa Pagmamanman" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"


Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)


Sa China, kung saan ang CCP ang mayhawak ng lahat ng kapangyarihan sa pulitika, ang malupit na pang-uusig sa mga Kristiyano ay nangyayari araw-araw. Para mawala ang paniniwala sa relihiyon, ang CCP ay mayroon pang "tracking service" para sa mga Kristiyano. Itinuturo sa inyo ng crosstalk Tracking Service ang lahat ng kasuklam-suklam na pamamaraan na gamit ng CCP para manmanan at tuntunin ang mga Kristiyano, at ipinakikita ang pagpapaimbabaw ng China ukol sa “kalayaan sa relihiyon”.

19 Setyembre 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord


Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord


Sina Kagigising at Gigising ay mga mangangaral ng isang sektang Kristiyano na kapwa taimtim na naniniwala sa Panginoon, at sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik. Pero palagi silang naguguluhan at nalilito tungkol sa kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik, at ano ang dapat nilang gawin para salubungin Siya. Nang kumatok ang isang sister sa kanyang pinto nang ilang beses para ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, nagising rin sa wakas si Kagigising sa katotohanan sa mahabang panahon ng paghahanap at pagsisiyasat. Nang marinig ang karanasan ni Kagigising, nagising din si Gigising mula sa kanyang pagkalito, at nalaman niya na matagal nang dumating nang lihim ang Panginoon, na Siya ay nagkatawang-tao para ipahayag ang Kanyang mga salita, na ginagamit Niya ang Kanyang mga salita sa pagkatok sa puso ng tao at, sa pakikinig nang mabuti sa tinig ng Diyos, nagagawang salubungin ng matatalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon at sundan ang mga yapak ng Diyos!