Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

17 Nobyembre 2019

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)


Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)


Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.

“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”

“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.

“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.

Matapos niyang ibaba ang telepono, bumilis ang tibok ng puso ni Jingru, at bumalik ang mga ala-ala niya noong mga panahon nila sa paaralan …

12 Abril 2019

Mga Espirituwal na Laban-Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Ikalawang Bahagi)


Zhao Gang

Sinabi ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito. Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman.

11 Abril 2019

Mga Espirituwal na Laban-Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Unang Bahagi)


Zhao Gang

Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama).