Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

12 Disyembre 2019

Ang Pagdurusa ang Nagbigay ng Inspirasyon sa Aking Pagmamahal para sa Diyos



Ang Pagdurusa ang Nagbigay ng Inspirasyon sa Aking Pagmamahal para sa Diyos


Meng Yong    Lalawigan ng Shanxi

Ako’y likas na matapat na tao, na dahilan kung bakit lagi akong inaapi ng ibang tao. Bilang resulta, naranasan ko ang walang siglang mundo ng tao at nadama kong walang saysay ang aking buhay at walang kahulugan. Matapos akong magsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pamumuhay ng buhay ng iglesia, naging masaya ako sa katapatan at kagalakan sa aking puso na hindi ko naramdaman noon. Nakikita ang mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagmamahalan sa isa’t isa tulad ng isang pamilya, naunawaan ko na Diyos lang ang matuwid, at na sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang mayroong liwanag. Sa pamamagitan ng ilang taon ng personal na pagdanas ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, tunay kong napahalagahan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang makakapagpabago at makakapagligtas sa mga tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay pag-ibig, at Siya ay kaligtasan. Upang mas maraming tao ang masiyahan sa pag-ibig ng Diyos at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, nagsikap ang aking mga kapatid at ako na gawin ang aming makakaya upang ipalaganap ang ebanghelyo, ngunit hindi namin inasahan kailanman na mahuhuli at uusigin ng Partido Komunista.

18 Mayo 2019

The Church of Almighty God | "Nalantad Ang Katotohanan" | Eastern Lightning (Tagalog Dubbed)


The Church of Almighty God | "Nalantad Ang Katotohanan" "Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case" | Eastern Lightning (Tagalog Dubbed)

Noong 2014, walang-pakundangang inimbento ng CCP ang kilalang-kilalang Pangyayari noong 5/28 sa Zhaoyuan sa Shandong Province para may mapagbatayan ang opinyon ng publiko na lubos na sugpuin ang mga bahay-iglesia, at ikinalat ang kasinungalingan sa buong mundo para tuligsain at siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, nalinlang ng propaganda ng CCP ang ilang taong walang kaalam-alam sa katotohanan. Sa programang ito, mabubunyag ang ilang malalaking pagdududa tungkol sa kasong ito para isa-isang himayin ang mga kasinungalingan ng CCP at linawin ang mga pangyayari sa inyo, at lubos na ilantad ang katotohanan sa likod ng Pangyayari sa Shandong Zhaoyuan sa harap ng mundo.

08 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay-Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi


Mo Zhijian Lalawigan ng Guangdong

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pumupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos.

18 Marso 2019

agalog Christian Movies| Mata"gal na panahon ng Pagtakas"

   



Tagalog Christian Movies | "Matagal na panahon ng Pagtakas"


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.

Rekomendasyon:Patotoo ng Isang Kristiyano

17 Marso 2019

Tagalog Christian Movies-Bakit Pinipilit ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano na Sumali sa Three-Self Iglesia?




Tagalog Christian Movies-Bakit Pinipilit ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano na Sumali sa Three-Self Iglesia?

Sa Tsina, direktang naranasan ng mga bahay-iglesia ang mga kinahantungan ng walang-awang pag-usig at pagpapahirap ng ateistang pamahalaan ng Komunistang Tsina. Pinilit sila ng pamahalaan na pumasok sa Three-Self Iglesia na kontrolado ng United Front Work Department. Anong lihim ang itinatago ng Partido Komunista ng Tsina sa paggawa nito? Tinitiis ng mga Kristiyano ang mga panganib ng makulong at kahit ang mamatay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Ano ang dahilan at ginagawa nila ito?

Magrekomenda nang higit pa : Patotoo ng Isang Kristiyano