Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
15 Nobyembre 2018
14 Nobyembre 2018
Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga nagawa nang perpekto ay hindi lamang nakakayang makatamo ng pagsunod pagkatapos na malupig, kundi nakakaya rin nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang kanilang disposisyon. Kilala nila ang Diyos, nararanasan ang landas ng pagmamahal sa Diyos, at puno ng katotohanan. Alam nilang danasin ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at mayroong kanilang sariling mga kalooban...Ang nagawang perpekto ay tumutukoy sa mga yaong, pagkalipas ng pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay kayang habulin ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga yaon na, makalipas ang pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay tumatayong matatag sa kapighatian at isinasabuhay ang katotohanan."
12 Nobyembre 2018
Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?
Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?
Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid. Ngunit habang sila'y nagtitipon-tipon, isa isang dumarating ang mga pinuno ng nayon upang tumingin sa paligid, gumagawa ng kung ano- anong dahilan at dinala pa ang kapulisan ng CCP....
11 Nobyembre 2018
Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?
Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?"
Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente. Gusto rin talaga nilang maintindihan ang katotohanan at ang mga tunay na nangyari sa likod ng insidente ng Zhaoyuan sa Shandong. Ngayon, ang maikling video na ito ang sasagot sa inyong mga katanungan at bubura sa inyong pagdududa.
Ano ang pananampalataya?
Ano ang pananampalataya?
10 Nobyembre 2018
Tagalog Christian Movie Clips | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"
Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Mark16:15). Ayon sa mga kailangan ng Diyos, ipinalalaganap ng mga Kristiyano ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ng sa ganun ay maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas Niya. Ang ginagawa nila ay mabuti at marangal. Ngunit walang-awang inaaresto at pinahihirapan ng Partidong Komunista ng Tsina ang mga taong naniniwala sa Diyos, na dahilan para hindi makabalik ang mga Kristiyano sa kanilang mga tahanan. Nagkawatak-watak ang kanilang pamilya, nawasak ang mga tahanan, at nawalan ng buhay ang mga tao. Ganunman, sinasabi ng Partidong Komunista ng Tsina na ang lahat ng ito ay bunga ng pag-iwan ng mga Kristiyano sa mga tahanan nila at propesyon para ipalaganap ang ebanghelyo. Tumutugma ba sa katotohanan ang salaysay na ito ng Partidong Komunista ng Tsina? Sa huli, sino ba talaga ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ng mga Krisityano?
Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang.
09 Nobyembre 2018
Nais Niyo Bang Malaman ang Misteryo ng Pagkakatawang-tao ng Diyos?
Nais Niyo Bang Malaman ang Misteryo ng Pagkakatawang-tao ng Diyos?
Sinasabi ng Biblia, "At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman," (1Ti 3:16). Ang mga taong naniniwala sa Panginoon ay nalalaman na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos ay maging laman. Gayunpaman, ilan sa atin ang tunay na nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao? Kung hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, makikilala ba natin Siya kapag ang Panginoong Jesus ay nagbabalik sa laman? Kaya ano talaga ang pagkakatawang-tao? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga propeta at apostol na ginamit ng Diyos? Ay ang Kristo ba na nagkatawang-tao at Diyos Mismo o Diyos Anak? Ibubunyag ng programang ito ang mga sagot sa mga tanong na ito.
07 Nobyembre 2018
Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan
Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan
I
Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't
Kapanahunan ng Kautusan.
Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel,
kundi sa mga Hentil.
Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos.
L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan.
Ipahahayag 'to sa lahat ng bansa, sa lahat ng henerasyon at,
bawa't nilalang kita l'walhating nakamit ng Diyos sa mundo.
Paglalantad sa Kamalian ng Partido Komunista ng Tsina na Tumatawag Kay Cristo Bilang Karaniwang Tao
Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Paglalantad sa Kamalian ng Partido Komunista ng Tsina na Tumatawag Kay Cristo Bilang Karaniwang Tao"
Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpakita ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao bilang karaniwan, at normal na tao sa panlabas, ngunit dinala Niya ang landas ng pagsisisi, “Magsisi: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit,” at ginawa ang gawain ng pagtubos sa tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Sapat na ito upang patunayan na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, gaya ng Panginoong Jesus, ay nagpapakita mula sa panlabas bilang isang karaniwang tao. Ganunman, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Pinatutunayan nito na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Sa kabilang dako, ang Partido Komunista ng Tsina ay ginagawa ang lahat upang itakwil si Cristo at kalabanin Siya, sa pagsasabing si Cristong nagkatawang-tao ay isa lamang karaniwang tao. Bakit napakasama ng Partido Komunista ng Tsina at salungat sa katwiran?
05 Nobyembre 2018
Tungkol sa Mga Hakbang ng Gawain ng Diyos
Tungkol sa Mga Hakbang ng Gawain ng Diyos
Mula sa labas, tila ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito ay natapos na, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at kapinuhan ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang kapinuhan sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga pagkakaiba, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)