Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.
Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.
Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.
Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang ganitong matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at iwasan ang kasamaan, ay tumigil na sa pag-iral. Ngunit ang Diyos ay magandang-loob pa rin sa sangkatauhang ito, at pinawalang-sala ang sangkatauhan sa huling panahong ito. Hinahanap ng Diyos yaong inaasam na Siya’y magpakita. Hinahanap niya ang yaong may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, yaong hindi nakalimutan ang Kanyang komisyon, at inihandog ang kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya yaong masunurin tulad ng mga batang nasa harap Niya, at hindi Siya kinakalaban. Kung ikaw ay di-nahahadlangan ng anumang puwersa sa iyong debosyon sa Diyos, kung gayon titingnan ka ng Diyos na may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, marangal na reputasyon, nagmamay-ari ng masaganang kaalaman, ang may-ari ng saganang mga ari-arian, at suportado ng maraming tao, gayon man ang mga bagay na ito ay hindi pumipigil sa iyo mula sa pagharap sa Diyos para tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang komisyon, para gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinaka-makabuluhan sa lupa at ang pinaka-matuwid sa sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at ng iyong mga sariling layunin, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kamumuhian pa ng Diyos. Maaring ikaw ay isang presidente, o isang siyentipiko, isang pastor, o isang nakatatanda, ngunit gaano man kataas ang iyong katungkulan, kung umaasa ka sa iyong kaalaman at kakayahan sa iyong mga ginagawa, kung gayon ikaw ay palaging magiging bigo, at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi tumatanggap ng anumang iyong ginagawa, at hindi ka Niya binibigyan ng isang matuwid na propesyon, o tinatanggap na ikaw ay gumagawa para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, ay upang gamitin ang kaalaman at lakas ng sangkatauhan upang alisan ang tao ng pag-iingat ng Diyos, at upang tanggihan ang mga pagpapala ng Diyos. Sasabihin Niya na dinadala mo ang sangkatauhan patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan, at patungo sa simula ng isang pag-iral na walang mga limitasyon na kung saan nawalan ang tao ng Diyos at ng Kanyang pagpapala.
Marahil ang iyong bayan ay kasalukuyang yumayabong, ngunit kung pinapayagan mo ang iyong mga tao na maligaw papalayo sa Diyos, kung gayon ang iyong bayan ay matatagpuan ang sariling unti-unting pinagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos. Ang sibilisasyon ng iyong bayan ay lalong tatapak-tapakan, at hindi tatagal ang mga tao ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. At kaya ang kapalaran ng isang bayan ay hindi sinasadyang madala sa pagkawasak. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bayan upang harapin ang mga bayang sinumpa ng Diyos, at maaaring alisin ang mga ito sa ibabaw ng lupa. Ang pagbangon at pagbagsak ng isang bayan o bansa ay nababatay kung ang mga tagapamahala ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. At gayunma’y, sa huling kapanahunang ito, dahil sa ang mga taong tunay na naghahangad at sumasamba sa Diyos ay mas nagiging kaunti, ibinibigay ng Diyos ang natatanging pabor sa mga bayan kung saan ang Kristiyanismo ay ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga ito upang bumuo ng iilang matuwid na kampo ng mundo, habang ang mga ateistikong mga bayan o yaong mga hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay magiging kalaban ng matuwid na kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan na kung saan maaaring magsagawa ng Kanyang gawain, ngunit may mga bayang nakamtan na maaaring gawin ang matuwid na awtoridad, upang magpataw ng mga pagbabawal at paghihigpit sa mga bayang iyon na tinatanggihan ang Diyos. Ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga tao na hindi lumalapit upang sumamba sa Diyos, sapagkat ang tao ay lumihis nang napakalayo sa Kanya, at ang Diyos ay wala sa isipan ng tao sa matagal nang panahon. Ang nanatili lamang sa lupa ay ang mga bayan na gumagawa nang may pagkamatuwid at nilalabanan ang di-pagkamatuwid. Ngunit ito ay malayo mula sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang namumuno sa bayan ang papayagan ang Diyos na mamuno sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ang titipunin ang kanyang mga tao upang sambahin ang Diyos; nawala ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bayan, bansa, namumunong partido, at maging sa puso ng bawat tao. Kahit na ang matuwid na pwersa ay umiiral sa mundong ito, ang pamunuan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay marupok. Kung wala ang pagpapala ng Diyos, ang mga pampulitikang arena ay mabubuwal sa kaguluhan at magiging mahina laban sa pag-atake. Para sa sangkatauhan, ang kawalan ng pagpapala ng Diyos ay katulad ng kawalaan ng sikat ng araw. Hindi alintana kung gaano kasipag ang namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, walang pagtatangi sa kung gaano karaming mga matuwid na panayam ng sangkatauhan ang ganaping sama-sama, wala sa mga ito ang makapagpapaganda ng kalagayan o makapagbabagong kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bayan kung saan ang mga tao ay pinakain at dinamitan, kung saan sila ay nakatirang magkasama nang matiwasay, ay isang mahusay na bayan, at ang isang may mabuting pamumuno. Subalit hindi sa palagay ng Diyos. Siya ay naniniwala na ang isang bayan kung saan walang sinuman ang sumasamba sa Kanya ay isa sa dapat Niyang lipulin. Ang paraan ng pag-iisip ng tao ay masyadong salungat sa Diyos. Kung ang pinuno ng isang bansa ay hindi sumasamba sa Diyos, kung gayon ang kapalaran ng bayang ito ay magiging isang trahedya, at ang bansa ay walang patutunguhan.
Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bayan o bansa ay kontrolado ng Diyos. Kinokontrol ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bayan o bansa ang hindi saklaw ng kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, kung gayon dapat siyang humarap sa Diyos. Pangyayarihin ng Diyos na yaong sumusunod at sumasamba sa Kanya ay sumagana, at siya’y magdadala ng pag-unti at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.
Alalahanin ang pangyayari sa Biblia noong ginawa ng Diyos ang pagkawasak sa Sodoma, at isipin din kung paano naging isang haligi ng asin ang asawa ni Lot. Isipin muli kung paano ang mga tao ng Ninive ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan sa kayong magaspang at abo, at isipin kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa mga wala pang katulad na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na krimen—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ginawa upang batahin ang mga kahihinatnan ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.
Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng Tsina sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at nagpapakalat ng ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan ng Diyos. Sa Tsina, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral. Hinihikayat ko ang mga tao ng lahat ng bansa, mga bayan, at kahit na mga industriya na makinig sa tinig ng Diyos, upang masdan ang gawain ng Diyos, upang bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, sa gayon ginagawa ang Diyos na kabanal-banalan, ang pinaka-kagalanggalang, ang pinakamataas, at ang tanging pinag-uukulan ng pagsamba sa sangkatauhan, at nagbibigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, kung paanong ang mga inapo ni Abraham ay nanirahan sa ilalim ng pangako ng Jehova, at tulad ng kay Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, ay nanirahan sa Hardin ng Eden.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento