Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan
Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.
Marahil, sa ngayon, ikaw ay nagnanais makatanggap ng buhay, o marahil ikaw ay nagnanais na makamtan ang katotohanan. Anupaman ang kalagayan, nais mong hanapin ang Diyos, hanapin ang Diyos na maaari mong maasahan, at kayang magbigay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Kung nais mong makamtan ang buhay na walang hanggan, dapat mong maintindihan ang pinanggalingan ng buhay na walang hanggan, at malaman muna kung nasaan ang Diyos. Akin nang nabanggit na ang Diyos lang ang buhay na di-nababago, at ang Diyos lang ang nagaangkin sa daan ng buhay. Dahil ang Kanyang buhay ay di-nababago, ganoon din ito ay walang hanggan; dahil ang Diyos lang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Dahil dito, dapat maintindihan mo muna kung nasaan ang Diyos, at kung paano makakamtan ang daan ng buhay na walang hanggan. Pagsamahan natin ngayon ang tungkol sa dalawang usapin na ito nang magkabukod.
Kung talagang nais mong makamtan ang daan ng buhay na walang hanggan, at kung ikaw ay masigasig sa pagtuklas nito, sagutin mo muna ang tanong na ito: Nasaan ang Diyos ngayon? Maaring isagot mo na ang Diyos ay nakatira sa langit, siyempre—Siya ay hindi titira sa bahay mo, hindi ba? Maaring sabihin mo na, ang Diyos ay halatang naninirahan sa lahat ng mga bagay. O maaari mo ring masabi na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng bawat tao, o na ang Diyos ay nasa espirituwal na mundo. Hindi ko ipinagkakaila ang alinman sa mga ito, ngunit dapat kong linawin ang paksang ito. Hindi lubos na tamang sabihin na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng tao, ngunit hindi rin ito lubos na mali. Ito ay sa kadahilanang, sa gitna ng mga nananalig sa Diyos, may mga taong ang paniniwala ay totoo at mayroon namang ang paniniwala ay mali, mayroon ding mga sinasang-ayunan ang Diyos at may mga hindi Niya sinasang-ayunan, mayroon ding mga tao na nagbibigay-lugod sa Kanya at may mga kinamumuhian Niya, at mayroong mga ginagawa Niyang perpekto at may mga inaalis Siya. At sa gayon sinasabi ko na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng mga ilang tao lang, at ang mga taong ito ay mga walang-dudang mga tunay na naniniwala sa Diyos, sila ay sinasangayunan ng Diyos, sila ay nakalulugod sa Kanya, at sila ay ginagawa Niyang perpekto. Sila ang mga pinatnubayan ng Diyos. Dahil sila ay pinatnubayan ng Diyos, kung gayon sila ang mga tao na nakadinig at nakakita na ng daan ng Diyos sa buhay na walang hanggan. Ang mga tao na mali ang pagkakilala sa Diyos, silang mga hindi sinang-ayunan ng Diyos, silang mga kinamuhian ng Diyos, silang mga naalis ng Diyos—sila ay nauukol na itakwil ng Diyos, nauukol na maiwan na wala ang daan ng buhay, at nauukol na manatiling mangmang sa kung nasaan ang Diyos. Sa kabalintunaan, yaong sa mga puso’y naninirahan ang Diyos alam kung nasaan Siya. Sila ang mga taong kung kanino ipinagkaloob ng Diyos ang daan ng buhay na walang hanggan, at sila ang mga sumusunod sa Diyos. Ngayon, alam mo na ba, kung nasaan ang Diyos? Ang Diyos ay nasa puso ng tao at nasa kanyang tabi. Siya ay hindi lang nasa espirituwal na mundo, at nangingibabaw sa lahat, ngunit mas higit pa sa lupa kung saan umiiral ang tao. At sa gayon ang pagdating ng mga huling araw ay nagdala sa mga hakbang ng gawain ng Diyos sa panibagong teritoryo. Ang Diyos ang may paghahari sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, at Siya ang pangunahing salik ng tao sa kanyang puso, at bukod pa rito, Siya ay umiiral kasama ng mga tao. Sa pamamagitan lang nito maihahatid Niya ang daan ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang sangkatauhan sa daan ng buhay. Ang Diyos ay dumating sa lupa, at namumuhay kasama ng mga tao, upang ang tao ay makamtan ang daan ng buhay, at sa gayon ang tao ay maaring umiral. Kasabay nito, ang Diyos ay pinamumunuan ang lahat ng bagay sa buong sansinukob, upang sila ay maaring tumulong sa Kanyang pamamahala sa mga tao. At sa gayon, kung ikaw lang ay kinikilala ang doktrina na ang Diyos ay nasa langit at nasa puso ng tao, ngunit hindi mo kinikilala ang katotohanan ng pag-iral ng Diyos sa mga tao, kung gayon hindi mo kailanman makakamtan ang buhay, at hindi mo kailanman makakamtan ang daan ng katotohanan.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, silang mga huwad na Cristo ay babagsak lahat, dahil kahit na sila ay umaangkin na maging Cristo, sila ay walang tinataglay na sangkap ng pagiging Cristo. Dahil dito, sinasabi ko na ang katunayan ni Cristo ay hindi kayang ihayag ng tao, ngunit ito ay nasagot at napagpasiyahan ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na alamin ang daan ng buhay, narararapat na kilalanin mo muna na sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa naipagkakaloob Niya ang daan ng buhay sa tao, at dapat mong kilalanin na sa mga huling araw na Siya ay pumarito sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Ito ay hindi ang nakalipas; ito ay nangyayari ngayon.
Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos? Kung ikaw ay sumusubok lang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog—ngunit ikaw ay nakaupo at walang imik na naghihintay ng kapahamakan, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na nilalang na sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita ng mga nanilaw sa luma mong libro patawid sa panibagong panahon? Paano ka nila papatnubayan sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga nasusulat na magbibigay ng panandaliang ginhawa lang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nababasa ay ang mga nakakapagpayaman lang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mga magiging daan na maghahatid sa iyo sa pagka-perpekto. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot sa iyo ng pagbubulay bulay? Hindi ba nito maipaunawa sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? Ikaw ba ay may kakayahan na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang magalak sa kapamilyang kasiyahang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi ko, sa gayon, na ihinto mo ang pananaginip, at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon, kung sino ang umaakay sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi, hindi mo makakamtan ang katotohanan kailanman, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.
Mga Talababa:
a. Isang piraso ng patay na kahoy: isang sawikaing Tsino, nangangahulugang “hindi maaabot ng tulong.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento