Ni Chuanyang, United States
Napakaginaw noong taglamig ng 2010 sa Estados Unidos. Maliban sa nanunuot na lamig na dala ng hangin at niyebe, ang mas matindi ay ang naramdaman ng aking puso na parang nabalot ito ng sa wari ay uri ng “matinding lamig.” Para sa amin na ang trabaho ay pagdedekorasyon ng interiyor ng bahay o gusali, pinakamahirap na panahon ng taon ang taglamig, dahil kapag nagsimula na ang taglamig kakaunti ang trabaho. Naranasan din namin na mawalan ng mga trabaho.


