Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Karanasan
Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na nabubuhay sa harap ng Diyos, makikita niya ang mga iyon bilang mga pagsubok ng Diyos at hindi palalampasin ang mga iyon. Kung sasabihin ng isang tao na dahil sa ang Diyos ay nasa kanya tiyak na hindi siya lalapitan ni Satanas, hindi ito tama sa kabuuan. Paano maipaliliwanag na si Jesus ay humarap sa mga tukso pagkatapos Niyang mag-ayuno sa ilang sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinama ng tao ang kanyang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, makikita niya ang maraming mga bagay nang higit na mas malinaw at hindi magkakaroon ng pahilig at nakapanlilinlang na pagkaunawa. Kung ang isang tao ay totoong desidido na gawing perpekto ng Diyos, kinakailangan niyang lapitan ang mga bagay na hinaharap niya mula sa maraming magkakaibang mga anggulo, hindi nakahilig sa kanan o sa kaliwa. Kung wala kang taglay na kaalaman ukol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makikipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo nalalaman ang mga panuntunan ng gawain ng Diyos at walang kamalayan sa kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas n pagsasagawa. Ang isang masigasig na paghahangad lamang ay hindi magtutulot sa iyo na makamit ang mga resulta ng mga hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng karanasan ay nakakatulad ng kay Lawrence, hindi inaalam ang pagkakaiba at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang nakakatulad ng tao na walang presensiya ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Kung paano umasal tungo sa iba’t-ibang mga tao, kung paano mauunawaan ang kalooban ng Diyos, kung paano malalaman ang disposisyon ng Diyos, at kung aling mga tao, aling mga pangyayari, at aling kapanahunan, ang habag ng Diyos, Kanyang kamahalan at pagkamakatwiran ay nakadirekta—hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga ito. Kung ang tao ay walang maraming mga pananaw bilang kanyang saligan, isang saligan para sa kanyang mga karanasan, kung gayon ang buhay ay hindi na pinagtatalunan, lalong-lalo na ang karanasan; siya ay nananatili lamang na napasasakop sa lahat ng bagay na may-kamangmangan, pinagtitiisan ang lahat. Ang lahat ng gayong mga tao ay masyadong mahirap na gawing perpekto. Maaaring sabihin na ang hindi pagtataglay ng anumang mga pananaw na tinalakay sa itaas ay sapat na katibayan ng iyong pagiging isang hangal, nakakatulad sa isang haliging asin, palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang kabuluhan, sila ay mga walang kuwenta! Ang ilang mga tao ay kailanman mala-bulag na nagpapasakop, palagi nilang nalalaman ang kanilang mga sarili at palaging ginagamit ang kanilang mga pamamaraan nang paggawi sa kanilang mga sarili kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o ginagamit ang “karunungan” upang makitungo sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa, yaon ay ang mga tao na walang pagkakilala, na parang likas nilang isinusuko ang kanilang mga sarili sa kahirapan, parehas lamang palagi, hindi nagbabago kailanman; ito ay isang hangal na walang pagkakilala o anuman. Hindi sila kailanman umaakma sa mga panukat sa mga pangyayari o sa iba’t-ibang mga tao. Ang gayong mga tao ay walang taglay na karanasan. Nakikita Ko na nakikilala ng ilang mga tao ang kanilang mga sarili sa isang partikular na punto na kapag nahaharap sa kanila na taglay ang gawain ng masamang espiritu iniyuyuko pa nila ang kanilang mga ulo at inaamin ang kasalanan, hindi nangangahas na manindigan at hatulan sila. Kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi rin sila nangangahas sumunod, alinman, naniniwala na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay din ng Diyos, at kahit kaunti ay hindi sila nangangahas upang tumindig sa paglaban. Ang mga ito ay mga tao na hindi taglay ang dignidad ng Diyos, at tiyak na hindi nila makakayanang tiisin ang mabibigat na pasanin para sa Diyos. Ang gayong nalilitong mga tao ay hindi nakakakita ng pagkakaiba. Ang paraan ng karanasang ito kung gayon ay dapat na iwanan sapagkat ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.
Ang Diyos ay talagang gumagawa ng napakaraming gawain sa tao, kung minsan sinusubok sila, kung minsan ay lumilikha ng mga kapaligiran upang timplahan sila, at kung minsan ay nagsasabi ng mga salita upang gabayan sila at baguhin ang kanilang mga pagkukulang. Paminsan-minsan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao sa mga kapaligiran na inihanda ng Diyos para sa kanila upang di-namamalayang matuklasan ang maraming mga bagay na kulang sila. Sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi at ginagawa ng mga tao, ang paraan na tinatrato ng mga tao ang iba at nakikitungo sa mga bagay, nang hindi nila nalalaman, liliwanagan sila ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang maraming mga bagay na hindi nauunawaan noong una, tinutulutan silang maunawaan ang maraming mga bagay o mga tao nang mas lubusan, tinutulutan silang makakita ng maraming mga bagay kung saan sila ay dating walang kamalayan. Kung ikaw ay nakikisalamuha sa mundo, unti-unti kang nagiging higit na nagtatangi tungkol sa mga bagay ng mundo, at habang papalapit ka sa iyong kamatayan maaaring mong pagtibayin: “Tunay na mahirap ang maging tao.” Kung nararanasan mo sa ilang pagkakataon sa presensiya ng Diyos, at nakarating sa pagkaunawa sa gawain ng Diyos at Kanyang disposisyon, magkakamit ka ng maraming mga kabatiran nang di-sinasadya, at ang iyong tayog ay unti-unting lalago. Mas mauunawaan mo ang maraming mga bagay na espirituwal, at mas magiging malinaw sa iyo ang tungkol sa gawain ng Diyos sa partikular. Magagawa mong tanggapin ang mga salita ng Diyos, gawain ng Diyos, ang bawat pagkilos ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at kung ano at mayroon ang Diyos bilang iyong sariling buhay. Kung ang tangi mong gagawin ay maglibot sa mundo, ang iyong mga pakpak ay titigas nang titigas, at ang aspeto sa iyo na lumalaban sa Diyos ay magiging mas malaki pa. Magiging mahirap para sa Diyos na makahanap ng isang paggagamitan sa iyo. Sapagkat napakarami na ng gayong “sa tingin ko” na aspeto sa iyo, mahirap para sa Diyos na maghanap ng isang paggagamitan sa iyo. Mas nasa presensiya ka ng Diyos, mas maraming mga karanasan ang magkakaroon ka. Kung ikaw ay nasa mundo pa rin kagaya ng isang hayop, ang iyong bibig na naghahayag ng paniniwala sa Diyos ngunit ang iyong puso ay nasa ibang dako, at natututunan ang makamundong mga pilosopiya ng buhay, hindi ba ito magiging pagkawasak ng lahat ng nakaraang gawain? Kung gayon, habang ang mga tao ay lalong nasa presensiya ng Diyos lalong mas madali na gawin silang perpekto ng Diyos. Ito ang landas kung saan ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Kung hindi mo nauunawaan ito, magiging imposible para sa iyo na makapasok sa tamang landas at pagiging pineperpekto ng Diyos ay magiging labas sa tanong. Hindi mo magagawang magkaroon ng normal na buhay espirituwal, at ikaw ay magiging parang may kapansanan, kasama lamang ng iyong sariling pagsisikap at wala sa gawain ng Diyos. Hindi ba ito magiging isang bagay na mali sa iyong karanasan? Hindi mo kinakailangang manalangin para maging nasa presensiya ng Diyos. Kung minsan ito ay nasa iyong pagdidili-dili sa Diyos o pagbubulay-bulay sa Kanyang gawain, kung minsan sa iyong pakikitungo sa ilang bagay, at kung minsan sa pamamagitan ng iyong pagkakabunyag sa isang pangyayari, na ikaw ay lumalapit sa presensiya ng Diyos. Sinasabi ng maraming mga tao, wala ba ako sa presensiya ng Diyos, yamang madalas akong manalangin? Maraming mga tao ang nananalangin nang walang katapusan “sa presensiya ng Diyos.” Maaaring ang mga panalangin ay palaging nasa kanilang mga labi, ngunit hindi talaga sila nabubuhay sa presensiya ng Diyos. Maaari lamang mapanatili ng ganitong uri ng tao ang kanilang kalagayan ng pagiging nasa presensiya ng Diyos sa ganitong paraan. Hindi nila maaaring makausap nang patuloy ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, o gamitin ang pamamaraan ng karanasan upang makalapit sa presensiya ng Diyos, maging ito ay sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay, matahimik na pagmumuni-muni sa kanilang mga puso, o pagkausap sa Diyos ng kanilang mga puso gamit ang sarili nilang mga puso sa pamamagitan nang pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos. Naghahandog sila ng mga panalangin hanggang sa langit sa pamamagitan ng kanilang mga bibig. Hindi taglay ng karamihan sa mga tao ang Diyos sa kanilang mga puso, at taglay lamang nila ang Diyos kapag sila ay naging malapit sa Diyos, ngunit kadalasan hindi nila taglay ang Diyos. Hindi ba ito pagpapahayag ng hindi pagtataglay sa Diyos sa puso ng isang tao? Kung talagang taglay nila ang Diyos, malamang ba na gagawa sila ng mga bagay na ginagawa ng mga manloloob at mga hayop? Kung talagang iginagalang ng isang tao ang Diyos, dadalhin nila ang tunay nilang puso sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, at ang kanilang mga saloobin at mga ideya ay palaging sasakupin ng mga salita ng Diyos. Malamang na hindi sila makagagawa ng mga pagkakamali sa panlabas na mga bagay na mayroong kakayahang matamo ng mga tao, hindi paggawa ng anumang bagay na walang alinlangang kumakalaban sa Diyos. Tanging ito ang pamantayan ng pagiging isang mananampalataya.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento