Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?
Maraming ulit Ko nang pinayuhan ang mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko na sila ay dapat maniwala sa Diyos mula sa kanilang sariling mga puso at huwag protektahan ang kanilang sariling mga interes, na dapat nilang isaalang-alang ang Kanyang kalooban. Maraming ulit na Ako ay mapait na umiyak sa harapan ng Diyos—bakit hindi isinasaalang-alang ng mga tao ang kalooban ng Diyos? Maaari kaya na ang gawain ng Diyos ay basta na lamang maglalaho na walang bakas nang walang anumang dahilan? Hindi Ko alam kung bakit, at ito ay parang naging palaisipan na sa Aking puso. Bakit ganito na hindi kailanman nakikilala ng mga tao ang landas ng Banal na Espiritu, kundi lagi nilang pinananatili ang di-wastong mga maka-kapwang pag-uugnayan? Nasusuká Ako kapag nakikita Ko ang mga taong ganito. Hindi nila nakikita ang landas ng Banal na Espiritu, ngunit binibigyang-pansin lamang kung ano ang ginagawa ng mga tao. Maaaring bang masiyahan ang puso ng Diyos sa paraang ito? Ako ay malimit na nalulungkot dito. Parang naging pasanin Ko na ito na dadalhin. Ang Banal na Espiritu ay nagmamalasakit din dito—hindi ka ba nakakaramdam ng anumang paninisi sa iyong puso? Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata. Bilang Isa na gumagabay sa mga tao upang pumasok tungo sa espiritu, Ako ay nanalangin na sa Diyos ng maraming ulit: “O Ama! Nawa ay magawa Ko ang Iyong kalooban na siyang sentro at hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay maging tapat Ako sa ipinagkatiwala Mo sa Akin upang Iyong matamo ang grupong ito ng mga tao. Nawa ay dalhin Mo kami sa isang malayang mundo upang kaming lahat ay makaugnay Ka ng aming mga espiritu. Nawa ay Iyong gisingin ang espirituwal na mga damdamin sa aming mga puso!” Ako ay umaasa na ang kalooban ng Diyos ay natapos na, kaya Ako ay nananalangin sa Kanya nang walang patid na patuloy na liliwanagan tayo ng Kanyang Espiritu at tutulutan tayong lahat na tahakin ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ay sapagka’t ang landas na Aking nilalakaran ay ang landas ng Banal na Espiritu. Sino pa ang maaaring makalakad sa landas na iyan sa lugar Ko? Ito ang lalo pang nagpapabigat sa Aking pasanin. Aking nararamdaman na parang babagsak na Ako, nguni’t Ako ay naniniwala na tiyak na hindi aantalahin ng Diyos ang Kanyang gawain. Marahil kapag ang ipinagkatiwala Niya sa Akin ay tapos na maghihiwalay Kami. Kaya baka ito ay dahilan sa epekto ng Espiritu ng Diyos na palagi Kong nararamdaman na naiiba mula sa iba. Para bang nais ng Diyos na gumawa ng ilang gawain, at ngayon ay hindi Ko pa rin ito naiintindihan. Gayunpaman, Ako ay naniniwala na walang sinuman sa lupa ang mas mabuti kaysa Aking mga kaniig, at Ako ay naniniwala na ang Aking mga kaniig ay mananalangin para sa Akin sa harap ng Diyos. Kung magkaganoon, Ako ay labis na magpapasalamat para dito. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay maaaring sabihin kasama Ko: “O Diyos! Nawa ang Iyong kalooban ay lubos na mabubunyag sa amin sa huling kapanahunan upang kami ay mapagpala ng buhay ng espiritu, na maaari naming makita ang mga gawa ng Banal na Espiritu at ang Kanyang totoong mukha!” Sa sandaling marating namin ang hakbang na ito kami ay tunay na mamumuhay sa ilalim ng paggabay ng Espiritu, at sa panahong iyon lamang namin makikita ang totoong mukha ng Diyos. Iyan ay, makakaya ng mga tao na maunawaan ang tunay na kahulugan ng lahat ng buong katotohanan. Ito ay hindi nauunawaan o naiintindihan sa pamamagitan ng mga paniwala ng tao, kundi ang pagliliwanag ay nangyayari batay sa kalooban ng Espiritu ng Diyos. Sa kabuuan nito, ito ay ang Diyos Mismo na gumagawa nang wala ni katiting man ng kaisipan ng tao rito. Ito ang Kanyang plano ng gawain para sa mga pagkilos na nais Niyang ibunyag sa lupa, at ito ang Kanyang huling bahagi ng gawain sa lupa. Handa ka bang makibahagi sa gawaing ito? Nais mo bang maging bahagi ng gawaing ito? Mayroon ka bang kalooban na maperpekto ng Banal na Espiritu at tamasahin ang buhay ng espiritu?
Ang mahalagang gawain sa ngayon ay ang lumalim mula sa ating orihinal na pundasyon. Dapat tayong lumalim sa mga aspeto ng katotohanan, ng pangitain, at ng ating mga buhay. Gayunpaman, dapat Ko munang ipaalala sa Aking mga kapatirang lalaki at babae na upang pumasok tungo sa gawaing ito, dapat mong alisin ang iyong dating mga paniwala. Iyan ay, dapat mong baguhin ang iyong dating uri ng pamumuhay, gumawa ng bagong plano, at buksan ang isang bagong dahon. Kung patuloy mong panghahawakan kung ano ang pinahalagahan mo sa nakaraan, ang Banal na Espiritu ay hindi makakakilos sa iyo; bahagya na Niyang matutustusan ang iyong buhay. Kung ang isang tao ay hindi naghahanap o pumapasok, o nagpaplano, lubusan silang tatalikuran ng Banal na Espiritu. Ito ay tinatawag na isa na itinakwil ng kapanahunan. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawang lahat sa Aking puso, at Ako ay umaasa rin na mas maraming “bagong mga inaakay” ang makakayang tumayo at gumawa kasama ng Diyos upang tapusin ang gawaing ito nang sama-sama. Ako ay naniniwala na pagpapalain tayo ng Diyos, at naniniwala rin Ako na pagkakalooban Ako ng Diyos ng mas marami pang mga kaniig upang makapaglakbay Ako hanggang sa mga dulo ng lupa at maaaring magkaroon pa ng mas higit na pag-ibig sa isa’t isa. Ako ay mas kumbinsido na palalawakin ng Diyos ang Kanyang kaharian dahil sa aming mga pagsisikap, at Ako ay umaasa na ang aming masigasig na paggawa ay makakaabot sa di-pa-narating na mga antas upang ang Diyos ay makatamo ng mas marami pang mga kabataan. Nawa ay manalangin tayong lahat nang higit pa para dito at magsumamo sa Diyos nang walang patid upang ang ating mga buhay ay maisabuhay sa harap Niya, at na tayo ay kaniig ng Diyos. Nawa ay walang mga hadlang sa kalagitnaan natin, at nawa ay ipahayag nating lahat ang panunumpang ito sa harap ng Diyos: “Gumawa nang nagkakaisa! Pag-aalay hanggang sa katapusan! Hindi kailanman maghihiwalay, laging magsasama-sama!” Nawa ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay italaga ang paninindigang ito sa harap ng Diyos upang ang aming mga puso ay hindi maligaw at ang aming mga kalooban ay hindi natitinag! Upang makamit ang kalooban ng Diyos, nais Kong muling sabihin: Gumawang masigasig! Ibigay ang lahat ng iyong makakaya! Ang Diyos ay walang-pasubaling pagpapalain tayo!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento