Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat ninyong maunawaan ang gawain ni Jehova, ang mga kautusan na Kanyang itinalaga, at ang mga panuntunan kung paano Niya pinangunahan ang buhay ng tao, ang nilalaman ng gawain na Kanyang ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan, ang layunin para sa pagtatalaga Niya ng mga kautusan, ang kabuluhan ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawaing ginagawa ng Diyos sa pinakahuling yugtong ito. Ang unang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ang ikalawang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang ikatlong yugto ay ang gawain ng mga huling araw. Dapat ninyong maintindihan ang mga yugtong ito ng gawain ng Diyos. … Ang gawain na ginawa sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan o doon sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto ay nagkakaugnay-ugnay tungo sa iisang bagay at ang lahat ay gawaing ginawa ng isang Diyos. Natural, ang pagtupad ng gawaing ito ay nahahati sa magkakahiwalay na mga kapanahunan. Ang gawain sa mga huling araw ay nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagtubos. … Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang ginagawa upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian nguni't hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. …
Ang gawain sa mga huling araw ay ang huling yugto sa tatlo. Ito ay ang gawain ng isa pang bagong kapanahunan at hindi kumakatawan sa buong gawain ng pamamahala. Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan nguni't kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaaring maging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga batas para sa tao at nagbaba ng mga kautusan, na humihingi sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos na humihingi sa tao na panatilihin ang kautusan, ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Hindi masasabi ito. Ang gawain sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatuwid, kung ginawang mag-isa ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, bibigyang-kahulugan ng tao ang Diyos at sasabihing, "Ang Diyos ay ang Diyos sa templo. Upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo." Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagáwâ, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagáwâ, ang malalaman lamang ng tao ay na ang Diyos ay nakakapagtubos sa tao at nakakapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang nila ay na Siya'y banal at walang-sala, na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala na siyang magiging kaunawaan sa iba pa. Kaya ang bawa't kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa ilang mga aspeto, ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilang mga aspeto, at ganoon din ang kapanahunang ito sa ilang mga aspeto. Ang disposisyon ng Diyos ay maibubunyag lamang nang lubusan sa pamamagitan ng kombinasyon ng lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman ng tao ang lahat ng tatlong yugto saka magagawa ng tao na tanggapin ito nang buo. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring kaligtaan. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Diyos sa ilalim ng kautusan, at ang pagtatapos ng Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nagpapakita na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng mga ito ay mga konklusyon na binuo ng tao. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating na sa katapusan, nguni't hindi mo masasabi na ang Diyos ay para lamang sa krus at na ang krus ay kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, binibigyan mo ng pakahulugan ang Diyos. Sa yugtong ito, ang Diyos higit sa lahat ay gumagawa ng gawain ng salita, nguni't hindi mo maaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang lahat ng nadálá Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob-na-pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. Pagkatapos lamang na maganap ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuang disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon lamang darating sa pagtatapos.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain sa kasalukuyan ay tinulak pasulong ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; iyon ay, sumulong ang gawain sa buong anim-na-libong-taon ng plano ng pamamahala. Kahit na natapos ang Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay tuluyang itinataguyod. Bakit ko paulit-ulit na sinasabi na ang yugtong ito ng gawa ay binubuo sa Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kautusan? Ito ay nangangahulugang ang gawa sa ngayon ay ang pagpapatuloy ng gawa na tinupad sa Kapanahunan ng Biyaya at pagpapaunlad ng mga ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay malapit na magkakaugnay at magkarugtong sa isa't isa. Bakit ko sinasabi na ang yugtong itong gawain ay bumubuo sa ginawa ni Jesus? Kung ang yugtong ito ay hindi nabuo sa gawain na tinupad ni Jesus, sa gayon sa yugtong ito ng pagpapako sa krus, ang gawain ng pagtubos na ginawa sa nakaraan, ay kailangan pa rin ipatupad. Ito ay magiging walang halaga. Samakatwid, hindi naman sa ang gawain ay ganap nang natapos, kundi ang kapanahunang iyon ay sumulong, at ang gawain ay naging mas mataas kaysa sa dati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay binuo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at ang bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay binuo yugto kada yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong simulain. Tanging ang kombinasyon ng tatlong yugto ang maituturing na anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala.
mula sa “Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang huling yugto ng gawain ay hindi tumatayong mag-isa, bagkus ito ay bahagi ng kabuuan na hinulma kasama ng dalawang naunang mga yugto, ibig sabihin nito ay imposibleng maganap ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lamang ng paggawa ng isa sa tatlong mga yugto ng gawain. Kahit na ang huling yugto ng gawain ay kayang lubos na iligtas ang tao, hindi ibig sabihin na kailangang ipatupad lamang itong nag-iisang yugto nang mag-isa, at na ang dalawang naunang mga yugto ng gawain ay hindi kinakailangan para iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Walang nag-iisang yugto sa tatlong mga yugto ang maaaring itaas bilang ang tanging pangitain na dapat malaman ng buong sangkatauhan, sapagka't ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong mga yugto ng gawain, hindi ang isang yugtong kabilang sa kanila. Habang ang gawain ng pagliligtas ay hindi pa natatapos, ang pamamahala ng Diyos ay hindi makakarating sa ganap na katapusan. Ang kabuuan, disposisyon, at karunungan ng Diyos ay inihahayag sa buong gawain ng pagliligtas, hindi ibinunyag sa tao sa pinakasimula, nguni't unti-unting nahahayag sa gawain ng pagliligtas. Ang bawa't yugto ng gawain ng pagliligtas ay naghahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang kabuuan; hindi lahat ng yugto ng gawain ay maaaring tuwiran at ganap na maghayag ng kabuuan ng pagiging-Diyos. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas ay maaari lamang matupad nang lubusan kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay naganap na, at sa gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay di-maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay tanging ang disposisyon ng Diyos na inihayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi nito makakatawan ang disposisyon at kabuuan na inihayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyan ay dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi matatapos agad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting nagiging mas malalim ayon sa antas ng pagsulong ng tao sa iba't-ibang panahon at mga lugar. Ito ay gawain na isinasakatuparan sa mga yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Sa gayon, ang buong karunungan ng Diyos ay pinagbubuu-buo sa tatlong mga yugto, sa halip na sa isang indibiduwal na yugto. Ang Kanyang kabuuan at buong karunungan ay inilatag sa tatlong mga yugtong ito, at ang bawa't yugto ay naglalaman ng kabuuan Niya, at ito ay talâ ng karunungan ng Kanyang gawain. … Ang bawa't isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay isinasakatuparan salig sa naunang yugto; hindi ito isinasakatuparan nang paisa-isa, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Kahit na mayroong mga malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at uri ng gawain na isinasakatuparan, sa ubod nito ay ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan, at ang bawa't yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa nauna.
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas. … Sa nakalipas, ang tao ay inatasang sumunod sa kautusan at mga batas, at inatasang maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay inatasan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa huli ang tao ay inatasan na mahalin ang Diyos sa kabila ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga atas ng Diyos sa tao, dahan-dahan, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula sa impluwensya ni Satanas. Kapag dumating ang oras na iyon, ang gawain ng Diyos ay darating na sa katapusan, at ang pakikipagtulungan ng tao sa Diyos nang sa gayon ay magkamit ng pagbabago sa kanyang disposisyon ay magwawakas na rin, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa kaliwanagan ng Diyos, at mula rito, mawawala na ang pagkasuwail at paglaban sa Diyos. Hindi mangangailangan ang Diyos sa tao, at magkakaroon ng mas maayos na pakikipagtulungan sa pagitan ng tao at ng Diyos, ang isa ay ang magkasamang buhay ng tao at ng Diyos, ang buhay na nagmumula sa pamamahala ng Diyos ay natapos na, at matapos lubos na mailigtas ng Diyos ang tao mula kay Satanas.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain sa kabuuang plano sa pamamahala ng Diyos ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto-ang paglikha sa mundo-personal na isinagawa ng Diyos Mismo, at kung hindi naging ganoon, hindi makakaya ninuman na likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa kabuuan ng sangkatauhan, at ito ay personal na isinagawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw na malinaw: Mayroon pang higit na pangangailangan para sa katapusan ng lahat ng gawain ng Diyos na gagawin ng Diyos Mismo. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagsakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isasakatuparan ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi maaaring katawanin ng tao, o gagawin ng tao ang Kanyang gawain. Upang matalo si Satanas, upang matamo ang sangkatauhan, at upang mabigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pangungunahan ang tao at personal na gagawa sa tao; para sa kapakanan ng Kanyang kabuuang plano sa pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawain na ito.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang tatlong mga yugto ng gawain na isinagawa simula sa umpisa hanggang ngayon ay isinakatuparang lahat ng Diyos Mismo, at isinakatuparan ng isang Diyos. Ang katunayan ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang katunayan ng pangunguna ng Diyos sa buong sangkatauhan, isang katunayan na hindi maipagkakaila ng kahit sino. Sa katapusan ng tatlong mga yugto ng gawain, ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa uri at babalik sa ilalim ng dominyon ng Diyos, dahil sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay nag-iisa lamang ang umiiral na Diyos, at walang ibang mga relihiyon.
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ikaw ay may malinaw na kaalaman sa tatlong mga yugto ng gawain-na sa madaling salita, sa buong plano ng pamamahala ng Diyos-at kung kaya mong lubusang iugnay ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa pangkasalukuyang yugto, at makikitang ito ay gawaing ginawa ng isang Diyos, kung gayon hindi ka magkakaroon ng mas matibay na saligan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong mga yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa pangalan Niya-na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon.
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento