Tagalog Christian Songs | "Umaasa ang Diyos na ang Sangkatauha'y Patuloy na Mabuhay"
I
Kinamuhian ng Diyos ang tao,
dahil sila'y sumalungat sa Kanya.
ngunit sa puso Niya, Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit,
at awa sa sangkatauha'y nanatiling di nagbabago.
Subalit nang sila'y Kanyang nilipol,
Kanyang puso'y di pa rin nagbago (nagbago).
Nang ang sangkatauhan ay puno ng katiwalian,
sumuway sa tiyak na hangganan, hangganan,
kinailangan silang lipulin ng Diyos
dahil sa Kanyang mga prinsipyo at diwa.
Ngunit dahil sa diwa ng Diyos
kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan,
hinangad na iligtas sa iba't-ibang pamamaraan,
upang sila'y patuloy na mabuhay.
Ngunit dahil sa diwa ng Diyos
kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan,
hinangad na iligtas sa iba't-ibang pamamaraan,
upang sila'y patuloy na mabuhay.
II
Subalit tinanggihan ang pagliligtas ng Diyos,
tao'y patuloy na sumuway
at tumangging tanggapin pagliligtas ng Diyos (ng Diyos),
tumangging tanggapin Kanyang mabubuting layunin.
Kahit paano sila tinawag at binalaan ng Diyos,
paano Niya tinustusan at tinulungan,
hindi naunawaan ng tao, hindi pinahalagahan ng tao,
hindi nagbigay-pansin.
Sa Kanyang pagdadalamhati
ibinigay pa rin ng Diyos Kanyang dakilang pagpaparaya,
hinihintay manumbalik, manumbalik ang tao.
Umabot sa Kanyang, Kanyang hangganan,
ginawa Niya ang dapat, dapat Niyang gawin.
Magmula sa sandaling binalak manlipol ng Diyos
hanggang sa sandaling sinimulan Niya ang Kanyang plano, Kanyang plano,
Magmula sa sandaling binalak manlipol ng Diyos
hanggang sa sandaling sinimulan Niya ang Kanyang plano, Kanyang plano,
ito ang panahon para manumbalik ang tao, ang tao.
Ito ang huling pagkakataong ibinigay ng Diyos sa tao, sa tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento