Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy” (Mateo 3:11).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang mahahalagang kaibhan sa pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginagamit ng Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. …
… Lahat ng lumalabag sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay ginawang tiwali at kinikilusan ni Satanas. Si Cristo ay hindi nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng Diyos at wala niyaong kay Satanas.
mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sapagka’t Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gampanan ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, tanging Siya lamang mismo ang katawang-taong Diyos Mismo-lahat ng iba pa ay mga nilikhang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay mayroong pagka-Diyos.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay nasa ibabaw ng lahat ng tao, samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay, ang disposisyon at kabuuan ng Diyos Mismo, na nakakaalam ng Kanyang pagkakakilanlan.
mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil ang Diyos ay banal at dalisay, at totoo at tunay, ang Kanyang laman ay nagbubuhat sa Espiritu. Ito ay tiyak, at walang alinlangan. Hindi lamang nakakayang sumaksi sa Diyos Mismo, kundi nakakaya ring ganap na isakatuparan ang kalooban ng Diyos: ito ay isang panig ng sangkap ng Diyos. Na ang laman ay nagmumula sa Espiritu na may larawan ay nangangahulugan na ang laman na ibinibihis ng Espiritu sa Kanyang Sarili ay likas na naiiba sa laman ng tao, at ang pagkakaibang ito ay pangunahing nakasalalay sa kanilang espiritu.
mula sa “Pakahulugan sa Ikasiyam na Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. Ang laman na tulad nito ay may kakayanang lamang na gumawa nang matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, na kung saan ay banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayanang gumawa ng anumang lalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, mas higit ng anumang bagay na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang laman ay hindi magagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang laman ay naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi maaaring posibleng gawing tiwali ni Satanas ang laman ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos. Ngayon, dapat ninyong lahat maunawaan na ang sangkatauhan lamang, na siyang ginawang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin, at na ang problemang ito ay palaging magiging walang kaugnayan kay Cristo.
mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sapagkat ang mga tao ay, kung tutuusin, mga tao, at makatitingin lamang sila sa lahat ng bagay mula sa pananaw at mula sa tangkad ng isang tao. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na naiiba mula sa isang taong tiwali. Kahit gaano man siya ka-ordinaryo, gaano ka-normal, gaano man kababa ang uri ng laman ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at ang Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matatamo ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang babantayan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng isang banal, mula sa taas ng Kanyang katayuan bilang Maylalang. Palagi Niyang titingnan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya maaaring tingnan ang tao mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran ng tao at mga teorya bilang isang panukat. Ito ay sa loob ng saklaw ng kung ano ang nakikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay sa loob ng saklaw na maaaring matamo ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang banal na pananaw, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang isang panukat. Nakabibilang sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaiba na ito ay pinagpapasyahan ng iba’t-ibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong iba’t-ibang mga diwa na ito ang nagpapasya ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kalagayan gayundin ang pananaw at taas kung paano nila nakikita ang mga bagay.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Siyang gumagawa sa pagka-Diyos ay kumakatawan sa Diyos, samantalanag ang mga gumagawa sa sangkatauhan ay ang mga taong ginamit ng Diyos. Iyon ay dahil, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na iba sa mga taong ginamit ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring isagawa ang gawain ng pagka-Diyos, ngunit ang mga taong ginamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat panahon, ang Espiritu ng Diyos ay nangungusap mismo sa Kanyang katauhan upang ilunsad ang bagong panahon at bigyan ang tao ng panibagong simula. Kapag natapos Niya ang Kanyang pangungusap, ito ay tanda na ang gawaing pagka-Diyos ng Diyos ay natupad na. Pagkatapos noon, susunod ang mga tao sa pangunguna ng mga taong ginamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng buhay.
mula sa “Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit ang katawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iísíp ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala dito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawa ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa paglipas ng panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos ay may mga karaniwang pag-iisip at katuwiran. Alam nilang lahat kung paano kumilos at pangasiwaan ang mga pangyayari sa buhay. Nagtataglay sila ng payak na kaisipan at mga karaniwang bagay na nararapat mayroon ang mga tao. Ang karamihan sa kanila ay mayroong mga bukod-tanging kakayahan at likas na talino. Sa paggawa sa pamamagitan ng mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang mga kakayahan nila, na ibinigay ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang kumikilos upang gumana ang mga kakayahan nila, at ginagamit ang kanilang lakas upang paglingkuran ang Diyos. Ngunit, ang katangian ng Diyos ay malaya mula sa kaisipan at malaya mula sa diwa. Hindi nito isinasama ang mga kuro-kuro ng tao at mayroong kakulangan sa kung ano angkaraniwang tinataglay ng tao. Iyon ay dahil, hindi nauunawaan ng Diyos ang mga simulain ng pag-uugali ng tao. Ito ang mangyayari kapag ang Diyos ngayon ay bumababa sa lupa. Siya ay gumagawa at nangungusap na hindi isinasama ang mga makataong palagay at makataong kaisipan, ngunit tuwirang inihahayag ang orihinal na mga intensyon ng Espiritu at tuwirang gumagawa sa ngalan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang ang Espiritu ay lumalabas upang gumawa, na hindi rin nagsasama ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao. Iyon ay, ang Diyos na nagkatawang-tao na kumakatawan sa tuwirang pagka-Diyos, ay walang kaisipang pantao o ideolohiya, walang pagkakaunawa sa mga simulain ng pag-uugali ng tao. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain (nangangahulugan na kung ang Diyos Mismo lamang ang nagsasagawa ng gawain), ang gawain ng Diyos ay hindi maisasagawa sa lupa. Kaya kapag pumarito sa lupa ang Diyos, kailangan Niyang magkaroon ng ilang tao na magagamit Niya upang gumawa sa sangkatauhan na kaugnay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng mga gawain ng tao upang alalayan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, ang tao ay mahihirapang tuwirang makisama sa gawaing pagka-Diyos.
mula sa “Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng mga tao na ginagamit ay gawain din ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil lamang sa ang gawain ng Diyos ay ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at wala iyong pagkakaiba, samantalang ang gawain ng tao ay inihahalo sa ibang mga bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang ganap na pagpapahayag. … Kapag ang Banal na Espiritu ay gumawa sa tao na ginagamit, ang kanilang mga kaloob at totoong kakayahan ay ginagamit at hindi isinasaisantabi. Ang kanilang aktuwal na kakayahan ay laging ibinubuhos para maglingkod sa gawain. Masasabi na Siya ay gumagawa sa pamamagitan ng paggamit sa mga bagay na mayroon ang tao upang makamit ang bunga sa gawain. Kaiba dito, ang gawain sa naging-taong katawan ay para tuwirang ipahayag ang gawain ng Espiritu at hindi ito inihalo sa isip at mga iniisip ng tao, hindi ito maabot ng mga kaloob ng tao, karanasan ng tao o ang likas na kalagayan ng tao.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; maaari lamang sabihin ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.
…………
… Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya. … ang sinumang tao na may makasalanang kalikasan ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos, at ang kasalanan ng tao ay kumakatawan kay Satanas. Ang ibig sabihin nito, ang kasalanan ay hindi kumakatawan sa Diyos at ang Diyos ay walang kasalanan. Kahit ang gawaing ginawa sa tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay maaari lamang ituring na ginabayan ng Banal na Espiritu at hindi maaaring sabihin na ginawa ng tao sa ngalan ng Diyos. Ngunit para sa tao, ang kanyang kasalanan o ang kanyang disposisyon ay hindi kumakatawan sa Diyos.
mula sa “Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento