Mula sa labas, tila natapos na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang pagpipino sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga hambingan, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos. Bagamat sumailalim ang mga tao sa matinding pagdurusa sa bawat hakbang hindi pa rin nila naunawaan ang kalooban ng Diyos. Kagaya ng pagsubok ng mga taga-serbisyo, kung ano ang natamo ng mga tao mula roon, kung ano ang naunawaan nila mula rito, at kung ano ang resultang gusto ng Diyos na makamit sa pamamagitan niyon—nananatili pa ring hindi malinaw sa mga tao ang tungkol sa mga usaping ito. Tila sa bilis ng takbo ng gawain ng Diyos, na alinsunod sa kasalukuyang tulin ang mga tao ay tiyak na hindi makaaagapay. Maaaring makita mula rito na una munang ibinubunyag ng Diyos ang mga hakbang na ito ng Kanyang gawain sa sangkatauhan, at hindi Niya kinakailangang makarating sa isang antas na makakayang isipin ng mga tao sa alinman sa mga hakbang, ngunit sinusubukan Niyang gamitin ito upang linawin ang isang usapin. Para gawing perpekto ng Diyos ang isang tao upang tunay Niyang makamit, kailangan Niyang ipatupad ang mga hakbang na nailarawan sa itaas. Ang layunin sa pasasagawa ng gawaing ito ay upang ipakita sa mga tao kung anong mga hakbang ang kinakailangang ipatupad ng Diyos upang gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao. Kaya, sa pagtingin mula sa labas, ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay natapos na, ngunit sa pinakadiwa opisyal pa lamang Niyang sinimulan ang pagperpekto sa sangkatauhan. Ito ay isang bagay na dapat malinaw na makita ng mga tao—na ang mga hakbang sa Kanyang gawain ay natapos na, hindi ang Kanyang gawain ang natapos na. Ngunit ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga pagkaintindi ay ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ang nabunyag sa sangkatauhan, at yaon ay walang pag-aalinlangan na natapos na ang Kanyang gawain. Ang paraang ito ng pagtingin sa mga bagay ay lubos na mali. Ang gawain ng Diyos ay hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng mga tao, ito ay isang ganting-pagsalakay laban sa mga pagkaintindi ng mga tao sa bawat pagkakataon, at ang mga hakbang ng Kanyang gawain ay pangunahing hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng mga tao; ipinakikita nito ang karunungan ng Diyos. Maaaring makita rito na ang mga pagkaintindi ng mga tao ay nakasisira sa bawat pagkakataon, at ang lahat ng maaaring maisip ng mga tao ay mga bagay na gustong gantihan ng Diyos. Ito ay isang pananaw mula sa totoong karanasan. Iniisip ng lahat ng tao na napakabilis gumawa ang Diyos, at iniisip nila na kapag wala pa rin silang anumang pagkaunawa at nalilito at nag-aalinlangan pa rin, natatapos ang gawain ng Diyos nang hindi nalalaman ng mga tao. Ang bawat hakbang ng Kanyang gawain ay sa ganitong paraan. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na nakikipaglaro ang Diyos sa mga tao, ngunit ang layunin sa likod ng gawain na Kanyang ginagawa ay hindi gayon. Ang Kanyang paraan sa paggawa ay sa pamamagitan ng pagninilay, una ay gumagawa mula sa isang pangkalahatang antas, pagkatapos ay papunta sa mga detalye, at pagkatapos ay pinipino ang mga detalyeng ito. Ang mga ito ay nakasosorpresa sa mga tao. Gustong linlangin ng lahat ng tao ang Diyos, at iniisip nila na kung makakaraos lamang sila ay magagawa nilang makarating sa punto kung saan malulugod nila Siya, ngunit sa katotohanan, paano mangyayaring malugod ang Diyos dahil sa pagtatangka ng mga tao na makaraos lang? Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng pamamaraang pag-sorpresa sa mga tao at hinuhuli silang walang malay para makamit ang pinakadakilang mga resulta at upang ipaalam nang mas mabuti sa mga tao ang Kanyang karunungan at maunawaan nang mas mabuti ang Kanyang pagiging matuwid, kamahalan, at ang Kanyang hindi nasasaktang disposisyon.
Opisyal nang sinimulan ng Diyos ngayon ang pagperpekto sa mga tao. Upang gawing ganap, kailangang sumailalim ang mga tao sa pagbubunyag, paghatol, at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at maranasan ang mga pagsubok at pagpipino ng Kanyang mga salita (kagaya ng pagsubok ng mga taga-serbisyo). Bilang karagdagan, kailangang magawang matagalan ng mga tao ang pagsubok ng kamatayan. Iyon ay, ang sinuman na tunay na tumutupad sa kalooban ng Diyos ay nagagawang maghayag ng papuri mula sa kaibuturan ng kanilang puso sa gitna ng paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at nagagawang lubos na sundin ang Diyos at talikuran ang kanilang mga sarili, kaya iniibig ang Diyos nang may taimtim na puso, paninindigan, at kadalisayan; gayon ang taong ganap, at ito rin ang gawain na gustong gawin ng Diyos, at siyang gustong isakatuparan ng Diyos. Hindi basta makagagawa ng konklusyon ang mga tao tungkol sa mga pamamaraan ng paggawa ng Diyos, at makakaya lamang nilang hangarin ang pagpasok sa buhay. Ito ang saligan. Huwag mong busisiin nang madalas ang mga pamamaraan ng paggawa ng Diyos; hahadlangan lamang nito ang inyong mga inaasahan sa hinaharap. Gaano na karami ang iyong kasalukuyang nakita sa Kanyang pamamaraan ng paggawa? Paano ka ba naging masunurin? Gaano na karami ang iyong nakamit mula sa bawat pamamaraan ng paggawa? Nakahanda ka bang gawing perpekto ng Diyos? Handa ka bang maging isang taong ganap? Ito ang mga bagay na dapat na lubos na malinaw sa inyo. Ang mga ito ang mga bagay na dapat ninyong pasukin.
Mga Talababa:
a. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “sa mga panahon ng.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento