Tagalog Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"
Ⅰ
Nagdarasal-basa't nakikisalamuha
nagninilay-nilay't Diyos ay ating hanap.
Buhay sa Kan'yang salita, kitang S'ya'y kaibig-ibig.
Katotohana'y nagpapalaya;
lasap tunay N'yang pag-ibig.
Pagsamba'y kahanga-hanga't magkakaiba.
Mapapasayaw't awit sa pagpupuri sa Diyos.
Pagpuring walang hadlang, laging malaya,
taos-puso at dala'y ligaya.
Ang mabuhay sa Diyos, ligaya na tunay;
Siya'y iibigi't susundin habambuhay.
Kita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
purihin ang Diyos nang buo ang puso.
Katotohana'y ibinabahagi, Espiritu'y gumagawa,
Ⅱ
Tayo'y mga tao ng Kaharian ng Diyos,
tunay na umiibig sa Kan'ya nang lubos.
Sang puso't 'sang isip kung tungkuli'y tupdin;
biyaya't pamunuan N'ya'y dama natin.
Paghatol lumilinis, ang D'yos ay matuwid.
Itakwil ang tiwali't malikha nang muli.
Tayo'y namumuhay bilang mga taong tapat.
Buhay ng kaharian ang pagsamba na tunay.
Ang mabuhay sa Diyos, ligaya na tunay;
Siya'y iibigi't susundin habambuhay.
Kita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
purihin ang Diyos nang buo ang puso.
Mga kapatid, magtipun-tipon,
napagdaana'y hirap at ginhawa.
Ⅲ
Paniniil ng pamahalaa'y buktot,
dala ay paghihirap, pag-uusig.
Paninindigan nati'y 'di nayayanig,
dahil sa gabay ng Kan'yang salita.
Ang halagang nabayad na ng Diyos
para sa 'ting kaligtasa'y 'di masusukat.
Diyos kasama natin, laging gabay.
Di malilimot, buhay ngayon na kay ganda.
Ang mabuhay sa Diyos, ligaya na tunay;
Siya'y iibigi't susundin habambuhay.
Kita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
purihin ang Diyos nang buo ang puso.
Ang mabuhay sa Diyos, ligaya na tunay;
Siya'y iibigi't susundin habambuhay.
Kita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
purihin ang Diyos nang buo ang puso,
purihin ang Diyos nang buo ang puso,
purihin ang Diyos nang buo ang puso.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento