Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

01 Nobyembre 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi



Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi


Xiaowen Lungsod ng Chongqing

Ang ‘pag-ibig’ ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan” (“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

21 Disyembre 2018

Patotoo ng Isang Kristiyano | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama

Patotoo ng Isang Kristiyano | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama

Ding Ning Lungsod ng Heze, Lalawigan ng Shandong

Sa nakalipas na ilang araw, inayos ng iglesia ang pagbabago sa aking trabaho. Sa pagtanggap ko ng bagong gawaing ito, naisip ko, “Kailangan kong samantalahin ang huling pagkakataong ito na magpatawag ng isang pagpupulong kasama ng aking mga kapatid, makipag-usap nang malinaw sa kanila tungkol sa mga bagay, at iwanan sila ng isang magandang impresyon.” Kaya naman, nakipagkita ako sa ilang mga diyakono, at sa oras ng pagtatapos ng aming pagsasama, sinabi ko “Hiniling sa akin na umalis dito at lumipat sa ibang trabaho. Umaasa akong tatanggapin ninyo ang pinunong darating upang palitan ako at makipagtulungan sa kanya nang may isang puso at isang isip.” Sa sandaling narinig nila ang mga salitang sinabi ko, namutla ang ilan sa mga kapatid na babaeng naroroon, at naglaho ang ngiti sa kanilang mga mukha.