Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

02 Agosto 2020

Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin


Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Malaki ba ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham sa ating nabasa rito? Gaano ito kalaki? Mayroong isang napakahalagang pangungusap dito: "At pagpapalain sa iyong lahi ang lahat ng bansa sa lupa," na nagpapakita na tinanggap ni Abraham ang pagpapala na hindi ibinigay sa sinumang dumating bago o pagkatapos.

13 Hulyo 2020

Marami ang Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahihirang

Marami na Akong nahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga anak na lalaki, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin.

16 Enero 2020

Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?



Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?


Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya”

10 Enero 2020

Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia


Ginaganap at Tinutupad ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang mga Propesiya sa Biblia


Ang pinakamaraming inihula sa loob ng Kasulatan ay ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Binabanggit sa Kasulatan ang paglalapat ng paghatol ng Diyos sa may halos dalawang daang lugar; maaaring sabihin na hinulaan nilang lahat na isasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw. Dito, gamit ang kakaunti lamang na bahagi ng mga kasulatan ay sapat na upang patunayan na ang paglalapat ng Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo ay isang hindi mapipigilang hakbang ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang paggamit sa pamamaraan ng paghatol at pagkastigo upang dalisayin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan; ito ay ang gawain ng pagbukod-bukod sa bawat tao ayon sa kanilang sariling uri sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo upang tapusin ang kapanahunan at sa huli ay itatag ang kaharian ni Cristo–ang pinakamamahal na kaharian ng Diyos.

21 Disyembre 2018

Patotoo ng Isang Kristiyano | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama

Patotoo ng Isang Kristiyano | Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama

Ding Ning Lungsod ng Heze, Lalawigan ng Shandong

Sa nakalipas na ilang araw, inayos ng iglesia ang pagbabago sa aking trabaho. Sa pagtanggap ko ng bagong gawaing ito, naisip ko, “Kailangan kong samantalahin ang huling pagkakataong ito na magpatawag ng isang pagpupulong kasama ng aking mga kapatid, makipag-usap nang malinaw sa kanila tungkol sa mga bagay, at iwanan sila ng isang magandang impresyon.” Kaya naman, nakipagkita ako sa ilang mga diyakono, at sa oras ng pagtatapos ng aming pagsasama, sinabi ko “Hiniling sa akin na umalis dito at lumipat sa ibang trabaho. Umaasa akong tatanggapin ninyo ang pinunong darating upang palitan ako at makipagtulungan sa kanya nang may isang puso at isang isip.” Sa sandaling narinig nila ang mga salitang sinabi ko, namutla ang ilan sa mga kapatid na babaeng naroroon, at naglaho ang ngiti sa kanilang mga mukha.

15 Disyembre 2018

Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Malinaw na Pagtingin sa Tunay Kong Kulay


Xiaoxiao Lungsod ng Xuzhou, Lalawigan ng Jiangsu

Dahil sa mga pangangailangan ng gawain sa iglesia, inilipat ako sa ibang lugar para gampanan ang aking tungkulin. Sa oras na iyon, ang gawain sa ebanghelyo sa lugar na iyon ay bumaba ng kaunti, at karaniwang hindi maganda ang sitwasyon ng mga kapatiran. Ngunit dahil ako’y hinipo ng Banal na Espiritu, ginawa ko pa rin ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala nang may buong kumpiyansa.

17 Agosto 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos





 Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At kung pupunta ako doon at ipaghanda kayo ng kalalagyan, muling akong paparito, at tatanggapin ko kayo; upang saan man ako naroroon, naroon din kayo” (Jhn 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Dahil gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mat 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyos at bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, panlulupig, at pagliligtas gamit ang salita, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin ang mga propesiya ng Biblia na “Ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos” at natupad din ang “Makinig ang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia!” Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ganap dahil sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Sa gayon ay malinaw na ang mga piniling taong ito ay naniniwala kay Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ang praktikal na Diyos na siyang Espiritu na nagkaroon ng katawang-tao, sa halip na maniwala sa isang tao. Sa tingin, ang Makapangyarihang Diyos ay ordinaryong Anak ng tao lamang, ngunit sa diwa, Siya ang larawan ng Espiritu ng Diyos at ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang gawain at salita ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos at ang personal na pagpapakita ng Diyos. Samakatwid, Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.