Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At
kung pupunta ako doon at ipaghanda kayo ng kalalagyan, muling akong
paparito, at tatanggapin ko kayo; upang saan man ako naroroon, naroon
din kayo” (Jhn 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Dahil gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mat 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyos
at bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng
paghatol, pagkastigo, panlulupig, at pagliligtas gamit ang salita, sa
saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin
ang mga propesiya ng Biblia na “Ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos” at natupad din ang “Makinig ang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia!”
Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng
Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat
ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng
Makapangyarihang Diyos nang ganap dahil sa gawain ng Diyos sa mga huling
araw, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling
tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng
Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang
lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Sa gayon ay malinaw na ang mga
piniling taong ito ay naniniwala kay Cristo na nagkatawang-tao sa mga
huling araw, ang praktikal na Diyos na siyang Espiritu na nagkaroon ng
katawang-tao, sa halip na maniwala sa isang tao. Sa tingin, ang
Makapangyarihang Diyos ay ordinaryong Anak ng tao lamang, ngunit sa
diwa, Siya ang larawan ng Espiritu ng Diyos at ang katotohanan, ang
daan, at ang buhay. Ang Kanyang gawain at salita ay tuwirang
pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos at ang personal na pagpapakita ng
Diyos. Samakatwid, Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.