Naniniwala ang iba’t ibang relihiyon na lahat ng banal na kasulatan ay ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at ito ay pawang mga salita ng Diyos; paano dapat mahiwatigan ng isang tao ang pahayag na ito?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na binigkas ng Diyos. Dinodokumento lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa buong panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at walang katotohanang mga interpretasyon ng tao.