Ni Qiu Zhen, Tsina
Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!” Nang marinig kong sabihin ito ng kapatid ko, bigla kong naisip: “Nitong mga nakaraang taon, nagpapatotoo ang Eastern Lightning na nagbalik na ang Panginoong Jesus; maaari kayang tinanggap na ng kapatid kong babae ang Eastern Lightning?” Bago pa ako makapagsalita, siryosong sinabi ng kapatid ko, “O, Qiu Zhen! Nagkatawang-tao na muli ang Panginoon at pumunta sa ating bansa, Tsina.” Nagmamadali kong sinabi, “Huwag kang magpapaniwala sa lahat ng naririnig mo. Pwede bang pumunta ang Diyos sa Tsina? Sa Bibliya malinaw na sinasabing: ‘At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan’ (Zacarias 14:4). Ang pagdating ng Diyos ay mangyayari sa Israel. Hindi Siya maaaring magpunta sa Tsina. Nagsasagawa ka para sa Panginoon subalit hindi mo man lang alam ito!”