Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos
Ang pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos ay isa sa pinakamahalagang mga hakbang sa pagpasok sa mga salita ng Diyos, at isang aral na ang lahat ng tao sa kasalukuyan ay mayroong kagyat na pangangailangan na pasukin. Ang mga paraan sa pagpasok upang mapatahimik ang iyong puso sa harap ng Diyos ay ang mga sumusunod:
1. Ilayo mo ang iyong puso mula sa panlabas na mga bagay, maging tahimik sa harap ng Diyos, at manalangin sa Diyos nang may isang nakatuong puso.
2. Kapag ang iyong puso ay tahimik na sa harap ng Diyos, kainin, inumin, at tamasahin ang mga salita ng Diyos.
3. Gawing ugali ang magnilay-nilay at magdili-dili sa pag-ibig ng Diyos at bulay-bulayin ang gawain ng Diyos gamit ang iyong puso.
Una magsimula sa panalangin. Maging matapat, at manalangin sa itinakdang oras. Kahit na gaano man kagipit sa oras, o gaano man kaabala, o anuman ang dumating sa iyo, manalangin araw-araw nang normal, at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang normal. Hangga’t kinakain mo at iniinom ang mga salita ng Diyos, hindi mahalaga kung ano ang iyong kapaligiran, ang iyong espiritu ay nasisiyahan, at ikaw ay hindi rin nagagambala ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay sa iyong paligid. Kapag normal mong binubulay-bulay ang Diyos sa iyong puso, hindi ka magagambala ng kung ano ang nangyayari sa labas. Ito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tayog. Magsimula muna sa panalangin: Ang pananalangin nang payapa sa harap ng Diyos ay pinakamabunga. Pagkatapos noon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos at subukang kamtin ang liwanag, hanapin ang landas na isasagawa, alamin kung ano ang mga layunin ng mga pagbigkas ng Diyos, at unawain nang walang paglihis. Karaniwan nang lumapit sa Diyos nang normal sa iyong puso, nilayin ang pag-ibig ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos, nang hindi nagagambala ng panlabas na mga bagay. Kapag ang iyong puso ay payapa hanggang sa isang antas na nagagawa mong magnilay-nilay, nang upang, sa loob ng iyong sarili, nabubulay-bulay mo ang pag-ibig ng Diyos at tunay na lumalapit sa Diyos maging anuman ang iyong kinaroroonang kapaligiran, at sa huli ay iyong narating ang punto kung saan nagbibigay ka ng papuri sa iyong puso, at ito ay lalo pang mahusay kaysa sa pananalangin, kung gayon sa ganito makapagtataglay ka ng isang tiyak na tayog. Kung matatamo mo ang mga kalagayan na inilarawan sa itaas, kung gayon mapatutunayan nito na ang iyong puso ay tunay na payapa sa harap ng Diyos. Ito ang unang hakbang; ito ay isang karaniwang pagsasanay. Pagkatapos lamang na magawa nilang maging payapa sa harap ng Diyos saka pa lamang makikilos ang mga tao ng Banal na Espiritu, at nang niliwanagan at pinagliwanag ng Banal na Espiritu, sa gayon lamang nila nagagawang tunay na makipagniig sa Diyos, at nagagawang maunawaan ang kalooban at ang paggabay ng Banal na Espiritu—at sa ganito, makapapasok sila sa tamang landas sa kanilang espirituwal na mga buhay. Ang pagsasanay sa iyong sarili na mabuhay sa harap ng Diyos upang maabot ang isang tiyak na lalim nang upang magawa mong maghimagsik laban sa iyong sarili, upang hamakin mo ang iyong sarili, at upang mabuhay sa mga salita ng Diyos, ito ay ang tunay na pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos. Ang kakayahang hamakin ang sarili, isumpa ang sarili, at maghimagsik laban sa sarili ay ang resulta na nakakamit ng gawain ng Diyos, at hindi ito magagawa ng mga tao. Kaya ang pagsasagawa ng pagpapatahimik ng puso ng isang tao sa harap ng Diyos ay isang aral na dapat kaagad pasukin ng mga tao. Hindi lamang karaniwang napatatahimik ng ilang mga tao ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, kundi ang kanilang mga puso ay hindi tahimik sa harap ng Diyos maging kahit kapag sila ay nananalangin. Sa kabuuan ito ay masyadong malayo mula sa mga pamantayan ng Diyos! Kung ang iyong puso ay hindi maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos maaari ka bang kilusan ng Banal na Espiritu? Kung hindi ka magiging tahimik sa harap ng Diyos, maaari kang magambala kapag lumapit ang sinuman, maaari kang magambala kapag ang mga tao ay nagsasalita, at ang iyong puso ay maaaring lumayo kapag ang iba ay gumagawa ng mga bagay, kaya ikaw ay hindi taong nabubuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong puso ay tunay na tahimik sa harap ng Diyos hindi ka maaabala ng anumang nangyayari sa mundo sa mundo, at walang tao, pangyayari, o bagay ang makasasakop sa iyo. Kung mayroon kang pagpasok dito, kung gayon yaong mga negatibong mga kalagayan o lahat ng negatibong mga bagay, gaya ng mga pagkaintindi ng tao, pilosopiya sa buhay, abnormal na ugnayan sa mga tao, at mga kaisipan sa iyong puso ay mawawala sa likas na paraan. Sapagkat palagi mong binubulay ang mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay palaging lumalapit sa Diyos at sinasakop ng totoong mga salita ng Diyos, yaong mga negatibong mga bagay ay nahuhubad nang hindi namamalayan. Kapag sinakop ka ng mga positibong bagong bagay, ang mga negatibong lumang bagay ay hindi magkakaroon ng puwang, kaya huwag kang magtutuon ng pansin sa mga negatibong bagay. Hindi mo kailangang magsikap para kontrolin sila. Magtuon ng pansin sa pagiging tahimik sa harap ng Diyos, kumain at uminom nang higit pang mga salita ng Diyos at tamasahin ang mga ito, umawit pa ng mga himno ng pagpupuri sa Diyos, at hayaang magkaroon ng isang pagkakataon ang Diyos na gumawa sa iyo, sapagkat gusto ng Diyos sa kasalukuyan na personal na gawing perpekto ang mga tao, gusto Niyang makamit ang iyong puso, kinikilusan ng Kanyang Espiritu ang iyong puso, at kung ikaw ay mabubuhay sa harap ng Diyos na sinusunod ang paggabay ng Banal na Espiritu mapalulugod mo ang Diyos. Kung magtutuon ka ng pansin sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos at higit pang ipakikisama ang tungkol sa katotohanan upang matamo ang pagliliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, kung gayon itong mga relihiyosong pagkaintindi, katuwirang pansarili at pagpapahalagang pansarili ay maglalahong lahat, at sa gayon ay malalaman mo kung paano gumugol para sa Diyos, malalaman kung paano iibigin ang Diyos, at kung paano mapalulugod ang Diyos. Yaong mga bagay sa labas ng Diyos ay saka makalilimutan nang hindi namamalayan.
Ang pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos at ang pananalangin ng mga salita ng Diyos kasabay ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos—ito ang unang hakbang sa pagiging payapa sa harap ng Diyos. Kung magagawa mong maging tunay na payapa sa harap ng Diyos, kung gayon ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ay makakasama mo.
Upang lumapit sa harap ng Diyos para tanggapin ang Kanyang mga salita bilang iyong buhay, kailangan mo munang maging tahimik sa harap ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay tahimik sa harap ng Diyos saka ka pa lamang liliwanagan ng Diyos at tutulutan kang makaunawa. Habang lalong nagiging tahimik ang tao sa harapan ng Diyos, lalong mas nagagawa nilang makamit ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Diyos. Kinakailangan ng mga taong ito na magkaroon ng kabanalan at pananampalataya. Sa gayon lamang nila matatamo ang pagka-perpekto. Ang pangunahing pagsasanay para sa pagpasok sa buhay espirituwal ay ang pagiging tahimik sa harap ng Diyos. Ang lahat ng iyong espiritwal na pagsasanay ay magiging mabisa lamang kung ikaw ay tahimik sa harap ng Diyos. Kung hindi mo mapatatahimik ang iyong puso sa harap ng Diyos hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang iyong puso ay tahimik sa harap ng Diyos maging anuman ang iyong ginagawa kung gayon ikaw ay yaong nabubuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong puso ay tahimik sa harap ng Diyos at lumalapit sa Diyos maging anuman ang iyong ginagawa, pinatutunayan nito na ikaw ay isang tao na tahimik sa harap ng Diyos. Kapag ikaw ay nakikipag-usap sa iba, kapag ikaw ay naglalakad, masasabi mong, “Ang aking puso ay nagiging malapit sa Diyos, at hindi ito nakatuon sa panlabas na mga bagay, at maaari akong maging tahimik sa harap ng Diyos.” Ito ay isang tao na tahimik sa harap ng Diyos. Huwag kang lalapit sa mga bagay na makapaglalayo sa iyong puso palabas, at huwag kang lalapit sa mga taong makapaglalayo sa iyong puso mula sa Diyos. Bitawan mo ang anumang makagagambala sa iyong puso mula sa pagiging malapit sa Diyos, o lumayo mula rito. Yaon ay lalong higit na kapaki-pakinabang sa iyong buhay. Ngayon ang panahon ng dakilang gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang panahon kung kailan ang Diyos Sarili Niya ay ginagawang perpekto ang mga tao. Kung sa sandaling ito ay hindi ka maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos kung gayon ikaw ay hindi yaong nagbabalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Kung naghahangad ka ng mga bagay maliban sa Diyos walang posibilidad na gagawin kang perpekto ng Diyos. Yaong mga sa kasalukuyan ay nakaririnig sa gayong mga pagbigkas mula sa Diyos at hindi pa rin nagiging tahimik sa harap ng Diyos ay mga taong hindi umiibig sa katotohanan, mga taong hindi umiibig sa Diyos. Kung hindi mo ihahandog ang iyong sarili ngayon kailan pa? Ang paghahandog ng sarili ay ang pagpapatahimik sa puso ng isang tao sa harap ng Diyos. Ito ay isang tunay na paghahandog. Sinumang tunay na naghahandog ng kanilang mga puso sa Diyos ngayon ay tiyak na gagawing ganap ng Diyos. Walang anuman, maging anuman ito, ang makagagambala sa iyo, maging yaon man ay upang pungusin ka, o makitungo sa iyo, o kung makasasalubong ka man ng kasiphayuan o kabiguan, ang iyong puso ay palaging dapat maging tahimik sa harap ng Diyos. Paano ka man ituring ng mga tao, ang iyong puso ay dapat na maging tahimik sa harap ng Diyos. Maging anumang mga kapaligiran ang iyong harapin, maging ito man ay mga kahirapan, pagdurusa, o pag-uusig, o kahit maraming uri ng mga pagsubok ang dumating sa iyo, ang iyong puso ay dapat na palaging tahimik sa harap ng Diyos. Ito ang paraan sa pagiging perpekto. Tanging kung ikaw ay tunay na tahimik sa harap ng Diyos saka mo pa lamang malilinawan ang tungkol sa totoong mga salita ng Diyos, maisasagawa nang mas tama ang pagpapalinaw at pagliliwanag ng Banal na Espiritu at hindi lilihis, mas malinaw na mahahawakan ang mga layunin ng Diyos at magkakaroon ng isang mas malinaw na patutunguhan sa iyong paglilingkod, magagawang hawakan nang mas tama ang pagpapakilos at paggabay ng Banal na Espiritu at magkakaroon ng katiyakan na mabuhay sa ilalim ng paggabay ng Banal na Espiritu. Ito ang mga resulta na matatamo ng tunay na pagiging tahimik sa harap ng Diyos. Kapag ang mga tao ay hindi malinaw tungkol sa mga salita ng Diyos, mga walang isang paraan upang magsagawa, hindi nakalalapit sa mga layunin ng Diyos, o walang mga panuntunan sa pagsasagawa, ito ay dahil ang kanilang mga puso ay hindi tahimik sa harap ng Diyos. Ang layunin ng pagiging tahimik sa harap ng Diyos ay upang maging masigasig at matino at maghangad ng kawastuan at kalinawan sa mga salita ng Diyos, sa huli upang magtamo ng pagkaunawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos.
Kung ang iyong puso ay hindi magiging palaging tahimik sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos. Kung ang isang tao ay walang kalooban katumbas ito ng pagiging walang isang puso, at ang mga taong walang mga puso ay hindi maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos. Hindi nila nalalaman kung gaano karaming gawain ang ginagawa ng Diyos o gaano karami ang Kanyang sinasabi, ni nalalaman nila na isagawa. Ang mga ito ba ay hindi mga taong walang puso? Maaari bang maging tahimik sa harap ng Diyos ang mga taong walang puso? Hindi maaaring gawing perpekto ng Diyos ang mga taong walang puso, at sila ay nabibilang sa mga hayop. Ang Diyos ay nagsalita na nang napakalinaw at lubusan, ngunit ang iyong puso ay hindi pa rin maaaring kilusan at hindi ka pa rin maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos; hindi ba ito pagiging isang hayop? Ang ilang mga tao ay naliligaw sa pagsasagawa ng pagiging tahimik sa harap ng Diyos. Kapag oras na para magluto hindi sila nagluluto, at kapag oras na para sila gumawa hindi sila gumagawa, ngunit nagpapatuloy lamang sa pananalangin at pagninilay. Ang pagiging tahimik sa harap ng Diyos ay hindi nangangahulugan nang hindi pagluluto o paggawa, ni pagbabalewala sa buhay, kundi ang magawang maging tahimik sa harap ng Diyos, ang magawang mapanatili ang lugar ng Diyos sa puso ng isang tao sa lahat ng mga pangyayari. Kapag ikaw ay nanalangin, lumuhod nang maayos sa harap ng Diyos upang manalangin; kapag ikaw ay gagawa o maghahanda ng pagkain, patahimikin ang iyong puso sa harap ng Diyos, bulayin ang mga salita ng Diyos o umawit ng mga himno. Maging anuman ang kapaligiran na iyong kinaroroonan, mayroon kang paraan para magsagawa, gawin ang lahat mong makakaya upang maging malapit sa Diyos, gawin ang lahat mong makakaya na patahimikin ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kapag itinulot ng mga pangyayari, manalangin nang may katapatan; kapag hindi pinahihintulutan ng mga pangyayari, lumapit sa Diyos sa iyong puso habang ginagawa ang gawain gamit ang iyong mga kamay. Kung makakakain ka at makaiinom ng mga salita ng Diyos kung gayon ay kumain at uminom ng mga salita ng Diyos; kung makapananalangin ka kung gayon ay manalangin; kung mabubulay-bulay mo ang Diyos kung gayon ay bulayin Siya; gawin ang lahat ng iyong magagawa upang sanayin ang iyong sarili para sa pagpasok batay sa iyong kapaligiran. Ang ilang mga tao ay maaaring maging tahimik sa harap ng Diyos kapag walang lumilitaw, ngunit sa sandaling may nangyaring isang bagay iniiwan ng kanilang mga puso ang Diyos. Yaon ay hindi pagiging tahimik sa harap ng Diyos. Ang tamang paraan para makaranas ay hindi sa anumang mga pangyayari ay iiwan ng puso ng isang tao ang Diyos, o nadadamang ginagambala ng mga tao sa labas, mga pangyayari, o mga bagay: Ito ay isang tao na talagang tahimik sa harap ng Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao na kapag sila ay nananalangin sa mga pagtitipon ang kanilang mga puso ay makapananahimik sa harap ng Diyos, ngunit kapag sa pagsasamahan hindi sila makapananahimik sa harap ng Diyos at ang kanilang mga kaisipan ay nagagambala. Ito ay hindi pagiging tahimik sa harap ng Diyos. Karamihan sa mga tao sa kasalukuyan ay nasa ganitong kalagayan, at ang kanilang mga puso ay hindi palaging nagiging tahimik sa harap ng Diyos. Kaya kailangan ninyong magdagdag ng higit pang pagsisikap sa pagsasanay sa inyong mga sarili sa sukat na ito, ang pagpasok nang dahan-dahan sa tamang landasin ng buhay at ang paglakad sa landas ng pinaging-perpekto ng Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento