Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw,
ngunit paano ba talaga Siya bababa?
Ang isang makasalanang tulad mo,
na katutubos pa lang,
at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos,
Para sa iyo, ang dating ikaw,
totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus,
at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos,
ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi.
Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago?
Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan,
ngunit ninanais mo pa ring bumaba
na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman!
Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos:
Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago.
Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos,
kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain
ng pagbabago at paglilinis sa iyo;
kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan.
Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na
makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos,
dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao,
na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto.
Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang,
ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos.
Ang ikalawang pagkakatawang-tao
ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan
kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan.
Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya
mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis
at magkamit ng pagbabago sa disposisyon,
at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas
at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos.
Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao.
Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao.
Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Magrekomenda nang higit pa: Tagalog Gospel Songs
————————————————————
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento