Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

菜单

Home Balita Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Makipag-ugnayan sa Amin Pagbubunyag ng Katotohanan Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat APP Facebook

08 Marso 2018

Kristianong video | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao.”
Rekomendasyon:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

25 Disyembre 2017

Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."